SHE TURNS HE CHAPTER 7: JOIN THE TEAM

4.7K 161 21
                                    



"Hello Daisy, bad news!!!" bungad ko ng sagutin ni Daisy ang tawag ko, nakatago ako dito sa loob ng cabinet para hindi ako mahuli or marinig ni Bryce kung sakaling pumasok ito bigla.

"Anong bad news? Aatras ka na ba?" agad nitong tanong, "Hindi!! Roommate ko si Bryce," bulong ko at kinagat ang aking daliri, at napakamot sa makati kong ulo dahil nakakairita pala ang pagsuot ng wig. Ang init!

"Sinong Bryce?" tanong nito, "Si Bryce yung Prince of Archery na papalitan ko ng pwesto na super hot at gwapo, na may yummy na abs at perfect shape ng V li—," natigilan ako sa pag imagine ng katawan nito, nang marealize ko yung lumalabas sa bibig ko.

"Ano? Katty, delikado 'yan baka mahuli ka pa niya mismo, umatras ka na, bumalik ka na dito," sambit nito at bakas sa boses nito ang takot, nakakaramdam din ako ng konting kaba dahil matalino si Bryce pero mas naniniwala ako sa sarili ko.

Kaya ko ito, kahit na gwapo siya at super hot hindi ako magpapadala sa mga bagay na 'yon, mas importante sa akin ang goal ko. "Hindi ako pweding umatras, nandito na ako sa loob, wala nang atrasan ito," sambit ko.

"Nako, Katty basta mmag-ingat ka d'yan wag kang magpapahuli, dahil malaking gulo ito pagnalaman ng lahat na si Katty Denblake ang Pretty Archer princess at pumasok sa School for boys na East High University bilang ang playboy niyang kapatid na si Keith Denblake, hindi lang tayo sa mga university malalagot, pati na rin sa Mommy at Daddy mo!" pagbabanta nito.

Tumango ako,"Alam ko naman iyon," sagot ko, "Ano palang sinabi niya sayo? Mabait ba siya? Hindi ko na tatanungin kung gwapo siya dahil sa mga sinabi mo palang kanina halata namang nahulog agad ang panty mo sa kanya." nang marinig ko ang salitang panty, agad akong kinain muli ng hiya at tila parang nag reply sa isip ko yung nangyari kanina.

Napasapo ako ng aking noo dahil sa kahihiyan, "Speaking of panty, Daisyyy!!! May nangyari kanina, naalala mo ba yung favorite na panty ko na pink na floral na binili ni Mommy," sambit ko. "Oh, anong nangyari 'don?"

"Nahulog kanina mula sa bag ko at napulot ni Bryce," napapikit ako sa kahihiyan, shet nakakahiya pa 'rin. "Oh my gosh, anong reaksyon niya?" tanong nito, halata sa boses nitong nagpipigil ito ng tawa, napairap ako dahil doon, kilalang kilala ko ang babaeng ito.

"Nagpapanggap ka pa dyan, tumawa ka na, alam kong natatawa ka," ani ko, "Hahaha sorry naman kasi, naimagine ko pa lang super epic 'non, anong sabi niya?"

"Ayun, akala niya isa akong manyak na lalaki dahil may dala akong panty, pinanindigan ko nalang kesa sa mahuli pa ako," alam ko nakakahiya ng sobra. Mas lumakas ang tawa ni Daisy mula sa kabilang linya kaya mas lalo akong bumusangot.

"Tawa pa—," bulong ko, pero agad akong natigilan ng bumukas ang pinto ng cabinet na pinagtataguan ko. "Ahhhh!!!" tili ko pero agad kong pinalitan ng, "Aghhhh!!!!" boses lalaki, shet muntik na iyon.

"What the fuck are you doing there?" tanong ni Bryce sa akin at may kinuhang dri fit shirt sa loob ng kinalalagyan kong cabinet. "Ah bro dude, ikaw pala haha tinitignan ko lang kung mainit ba ang temperature dito sa loob, hahaha," he looked at me fully confused and glared at me.

"You're crazy, get the fuck out of there," singhal nito at kinalabog pasara ang pinto, dahilan upang tumama ito sa mukha ko, as in lumipad ang mukha ko sa pagkasalampak nito, "Ow!!" daing ko at pagbukas nito tumayo ako at sinubukan lumabas pero sumabit yung paa ko sa isang damit na nandito sa loob.

"Agh!!" sigaw ko at parang nagslow mo akong sumalampak sa sahig, ang sakit ng ilong ko, pag angat ko ng aking ulo, agad kong nakita ang tumulong dugo mula sa ilong ko. Shit!!! "Stupid, dumb pervert," walang pakeng sambit ni Bryce at tiningnan lang ako habang nakasalampak sa sahig.

School for Boys: SHE TURNS HEOn viuen les histories. Descobreix ara