14

3.8K 122 19
                                    


NASA tagiliran ng bahay ang kuwadra at maliban sa ilaw na nasa labas mismo ng kuwadra ay may kadiliman nang bahagya sa loob. Malayo pa ay naririnig na ni Serena ang mahinang halinghing ni Thor. Nakita niyang nakatayo si Jared sa may tapat ng kulungan ng stallion.Lumakad siya papasok. "Hi," bati niya.


"Good evening," came his male reply.


Serena wondered why the sound of his voice made her heart beat faster."Masyado na ba akong gabi sa pagparito?" he asked, his face was silhouetted against the dim light from the back of the building.


"Maaga pa naman...""I'm sorry if I hadn't come back sooner as I promised," wika nito. "Kailangan kong lumuwas kaagad sa Maynila. Kinabukasang manggaling kami rito ay may mensahe sa aking kailangan kong lumuwas. Ikinasal ang kakambal ko, si Jordan..."


"Really?" May kasiyahang gumuhit sa dibdib niya. Hindi girlfriend ang dahilan kung bakit hindi ito agad nakabalik. "At ikaw, siyempre, ang best man."


He grinned. Kumislap sa dilim ang mapuputing ngipin nito. "It was a simple and unplanned wedding exclusive for family members. Si Lola Eleanor ay hindi nakarating dahil sinumpong ng rayuma. Dumating ako kagabi pero nang magising ako kaninang umaga'y nagpahatid sa akin sa clinic sa bayan si Lola. Hindi gumagaling ang rayuma sa mga dahong tinatapal—"


"Hey. There's no need to explain, Jared." Serena saw him smiled in the dark. Nilinga niya si Thor. "Bakit dito ka tumuloy?"


"Gusto kong kumustahin ang sugat ni Thor. Hindi ba at balak kong magpaturong mangabayo sa iyo?"


"The wound's healing. May gamot namang ibinigay ang beterinaryo noon at ginamit ko." Humakbang siya palapit kay Thor at hinaplos ang ulo nito.


Nilinga ni Jared ang buong kuwadra. "Napansin kong para sa maraming kabayo ang kulungan, Serena. Pero dadalawa lang ang kabayo. Forgive me, pero iyang nasa kabila'y mukhang maraming taon na ang inilagi sa mundo."


Ipinagpasalamat niya ang dilim at hindi nito nakikita ang pagkailang na lumatay sa mukha niya. "Nang mawala si Christian at nang magkasakit si Mama ay napabayaan ni Papa ang asyenda. Nagtungo sila sa Amerika upang ipagamot doon si Mama." It was, at least, the truth."At si Thor lang ang natira at ang matandang kabayong iyan..." Sinulyapan nito ang patpating kabayo sa sulok ng kuwadra.


"Nobody wants to buy an old horse. At hindi kasama sa mga idinispatsa ng Papa si Thor. He's mine. Regalo niya sa akin nang matuto akong mangabayo."


"You must have had a fine breed of horses..." Hindi niya sinagot iyon dahil hindi siya nakatitiyak na hindi mababasag ang tinig niya. Ipinaaalala lang nito ang suliranin niya. She took a deep breath.


"Hindi mo ba gustong pumasok sa bahay? I-it's dark in here...""I love the dark, Serena." His voice was suddenly low and husky.


He was too close for comfort. Gusto niyang umatras subalit hindi ba ito naman talaga ang gusto niyang mangyari? Isa pa, if she played coy and moved backward, gate na ng kulungan ni Thor ang nasa likuran niya.

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon