"Daliii...tubig~",sabi ni Apollo tapos nagpagulong gulog na sa sahig si Zeus habang hawak hawak ang leeg niya. "Jusko, mamatay nako. despedida mis amigos (Farewell my friends)",sabi niya.

Sinasabi ko na nga ba, PINIPILIT LANG NILA ANG MGA SARILI NILA. "Nike, tubig please~",sabi ni Apollo habang nakadapa na sa sahig. "Mamamatay na ako.",dagdag niya pa. Dali dali naman akong kumuha ng tubig dun sa bahay at pina-inom sa kanila. Kung sinabi nalang sana nila ang totoo eh hindi nila mararanasan yung ganun.

"Nike, ang swerte mo...may taga-kain ka.",sabi ni Zeus sa akin. Ngumiti nalang ako dun tapos nagpasalamat kay Black sheep. Nag-blush naman yung mokong.

"Guys, I need to eat true food.",sabi ni Athena. "Sinong magluluto?",tanong ni Poseidon. "Ako nalang.",nag volunteer ako tapos ayun nagluto na ako. Ito pala ang dahilan kung bakit nag grocery kami ni Black sheep at yung mga damit eh para sa mga susuotin namin. Di naman nila ako kailangang bilhan ng damit eh. Kung sinabi lang sana nila naka-impake na siguro ako ng gamit. Nung naluto na eh pinauna ko nalang muna silang kumain. Busog pa naman ako eh.

"Uhh..guys, thank you nga pala.",sabi ko. Nagtinginan naman sila kasama ang mga naka-question mark na mukha. "Bakit ka nagt-thank you?",tanong ni Artemis. "Eh...kasi, kung hindi niyo ako dinala rito...baka...alam niyo na.",sabi ko ng nahihiya. Tumawa naman sila.

"Diba Nike, I said you na we will NEVER let you down?",sabi ni Athena. "Eh kasi...",

"Ano ka ba naman Nike, maliit na bagay. Ok lang wag ka na magpasalamat.",sabi naman ni Artemis. Ngumiti nalang ako tapos nakisabay na ng kain.

Pagkatapos naming kumain ayun tinulungan ako ni Artemis na maghugas ng mga pinggan total medyo alam daw niya kung paano. Gusto sanang tumulong ni Athena pero pinigilan siya ni Black sheep. Mauubos lang daw ni Athena yung plato. Nasaan si Athena? Andun sa gilid depress na depress. Pagkatapos namin ng lahat eh lumabas na muna kami ng bahay. Habang naglalakad eh nakita namin si Mang Berto na pinapakain ang mga alaga niyang manok. Nilapitan naman namin. Ayun tinulungan nalang namin siya. Ang dami kasi eh atsaka nahihirapan na maglakad si Manong kaya ayun pinaupo nalang muna namin.

Habang nagpapakain eh napansin namin si Zeus na sinusuri ng maayos ang isang manok tapos ang tahimik niya. Naka-focus talaga siya.

"Zeus, bakit nakatunganga ka lang jan?",tanong ni Artemis.

"Nakaka-depress kasi eh. Ano bang mas nauna? Itlog ng manok o manok?",tanong niya. "Syempre, manok.",sabi ni Poseidon. "Eh asan ba nanggaling ang manok? Eh di sa itlog.",sabi naman ni Apollo. "Eh asan din ba galing ang itlog? Eh di sa manok.",sabi naman ni Black sheep. Oo nga noh? Ano nga bang mas nauna? Ayun nag-aaway na yung apat habang kaming tatlo nila Artemis eh nagpapakain parin ng manok. Bahala sila jan. Wala ako sa mood para awatin sila. Dinedma ko lang sila hanggang sa biglang sumakit ang ulo ko. Kagaya to kahapon. Ang sakit grabe. Napahawak nalang ako sa ulo ko at nagsisigaw na sa sakit.

"AHHH!"Sigaw ko sa sakit tapos may bigla nalang lumabas sa isip ko.

"Ate Ele, Wag mo'ko kalimutan ah?",

Sino ka ba?

Tapos nun hinay hinay naman na nawala ang sakit ng ulo ko.

"Nike, okay ka lang ba?",tanong ni Apollo.

"Gag*, alam mo na nga na nagsisisigaw si Nike sa nararamdaman niyang sakit ng ulo niya tapos tatanungin mo pa kung okay lang siya. Syempre di siya okay!",sabi ni Zeus.

"Nike, okay ka na?",tanong naman ni Black sheep. Tumango naman ako.

"May naaalala ka na naman?",tanong ni Artemis. Tumango uli ako.

"Ano?",tanong ni Black sheep. "Isang babae na naman. Sinabi niyang, huwag ko daw siya kalimutan.",sabi ko. Tinulungan naman nila ako sa pagtayo ng maayos tapos binigyan nila ako ng tubig.

I Met A Gangster Whose Name Is NikkoWhere stories live. Discover now