Some parents are not aware that they impacted the lives of their children even they only shared love from the beginning. May mga pagmamahal na nakakasakal, may mga pagmamahal na sobrang laya at napapariwara, may mga pagmamahal na nakakalito, iyong itinutulak pansamantala at babalikan na lang kapag maayos na ang lahat.

Marahas na pinunasan ni Saint ang luha sa mga mata at walang salitang pumasok sa loob ng bahay. Nagmamadali siyang sumunod dito at baka magkagulo.

"Ma, kumusta ka na?" Nanginginig ang boses ni Saint. "Magaling ka na, Mama?" Hindi makatingin si Saint sa ina.

"S-saint.. Saint, patawarin mo ako. Patawarin niyo ako ni Cairo. Patawad, anak." Nabasag ang boses ni Jane na sinugod ng yakap si Saint. Saint accepted it, but his face is blank, kinakagat ang pang-ibabang labi at tinatapik ang likod ng ina.

"Wala na 'yon. Ang mahalaga maayos ka. Anak mo si Katie." Humina ang boses ni Saint. "Nasagip ko siya."

Mas lalong lumakas ang iyak ni Jane. Her body was shaking, and her hand trembled even more. Saint fetched Jane's weight, and his tears started to flow too.

"Anak ko..." Jane bawled. 

Nagtataka ang mga mata ni Katie na pinapanood ang mga nangyayari. Nilapitan niya ito at kinulong sa yakap.

"Why are they crying, Teacher?" Mahinang bulong ni Katie, "Papa, are you okay? Do you want cake so you will stop crying? Teacher, let's give Papa and the woman a cake."

"Papa is okay, Katie.. Do you want to check the stars outside? We have a nice view here."

Tumango si Katie. Tinawag niya si Manang Andeng at Mang Teody para samahan si Katie. Nanatili siya roon kahit gusto niyang ilubog siya ng hiya. If Saint was her client, she will tell her that it is okay if he's not ready to deal with his traumas. Hindi niya iyon nagawa. Pinairal niya ang awa sa ina nito.

Inabutan niya ng tubig ang dalawa, si Jane lang ang uminom habang nagpupunas ng luha.

"Mama Jane, pupwede kang dumito pa rin para mas ma-monitor kita pero si Saint at Cairo ang magdedesisyon." Thea assured her.

Tumango si Jane, "Thea, gusto ko sanang dumito muna ako dahil gusto kong magtrabaho sa taniman ng gulay. Gusto ko itong palaguin at magbabayad na rin ako sa iyo. Napag-usapan na namin nina Andeng at Teody na pupwede na kaming magbayad ng renta dahil nakakuha na kami ng susuplyan na regular. Dalawang restaurant at isang puwesto sa palengke."

"Mama Jane." Napasinghap siya sa gulat, "Totoo ba iyon? Nakakapagsimula na kayo?"

"Oo, Thea. Salamat sa iyo." Nilingon ni Jane si Saint na nananatiling nakamasid lang, "Saint, alam kong hindi niyo kailangan ni Cairo ang maliit na halagang kikitain ko pero sana ay hayaan niyo akong tumulong lalo na sa pangangailangan ni K-katie.. Ang gandang pangalan." Malungkot na ngumiti si Jane.

"Kahit hindi niya na ako makilala bilang ina, o lola, ayos na sa akin iyon, Saint, wala akong karapatan—"

"Uunti-untiin ko na sabihin kay Katie na ikaw ang nanay niya, Ma." Wika ni Saint. "Dadalaw kami ng regular sa iyo. Kakausapin ko rin si Kuya."

Inabot ni Jane ang kamay ni Saint at pinisil iyon, "Hindi ako naging mabuti pero biniyayaan ako ng mabubuting anak."

"Hindi mo sure sa anak mong babae, Mama Jane." Ngumisi siya pero napawi ang ngiti niya nang maalalang seryoso ang usapan at higit sa lahat ay pinilit niya pa si Saint na magpanggap na nakapagpatawad na. Batas yarn.

Pinilit sila ni Manang Andeng na maghapunan bago umalis, si Jane rin daw kasi ang nagluto 'nung menudo. Tumanggi si Saint pero sila ni Katie ay gutom na kaya wala itong nagawa.

Temptation Island: Broken TiesWhere stories live. Discover now