PART FOUR

38 17 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock sa cellphone ko.

Five twenty seven a.m

Pupungas pungas pa ko habang naglalakad palapit sa pinto. Kinatok ko yung pinto ng kwarto ko para gisingin yung diwa ko.

Humikab muna ko bago ako magpatuloy sa paglalakad.

Bahagya pa kong nauntog dahil hindi ko pa pala nabubuksan yung pinto.

Binuksan ko yung pinto at nagpatuloy sa paglalakad papuntang banyo para maghilamos.

Habang naghihilamos ako, bigla akong nakaramdam nang kung anong lamig at presensya nang isang tao.

Bahagya ko pang niyakap ang sarili ko bago ako lumabas ng banyo.

Ang lamig..

Sabagay, alas singko palang kaya malamig pa.

Tumingin ako sa wall clock at nakita kong Five Fourthy na.

Nagpatuloy nalang ako sa pag akyat sa hagdan para sana matulog nalang ulit, pero natigilan ako nang may kung anong pumapatak sa ulo ko.

Dahan dahan kong nilingon ang nasa taas ko at biglang dumagundong ang takot at kaba dahil sa nakita ko.

S-si Flynn, nakabigti!

Hindi ko napigilang magpakawala nang malalakas na sigaw nasa tingin ko ay makakabulabog sa kanilang lahat.

Panay ang sigaw ko habang nakatingin kay Flynn.

Nakabigti sya, inaagnas na at kinakain ng mga uod. Yung pumatak sa ulo ko ay dugo ni Flynn.

Mapapansin sa itsura ni Flynn na para bang napaka brvtal nang ginawa sa kanya.

Mas lalong nadagdagan ang takot at mas lalo rin akong nagsisisigaw nang biglang dumilat ang mga mata ni Flynn at tumingin sa akin.

“Dharkrizzzzzzzzzz......” tila ba'y humihingi nang tulong na sigaw ni Flynn sa akin na sobrang nakakabingi!

Tinakpan ko yung mga tenga ko at hindi na ko sumabay sa pagsigaw nya.

Kasabay rin nun ang pagbukas ng bibig ni Flynn at lumabas dun ang mga pagkarami raming mga uod.

Lahat nang mga uod ay nagbagsakan sa akin kaya dali dali akong umalis kung nasaan si Flynn.

Dahil din dun ay nawala yung antok ko, dali dali akong umakyat sa hagdan at nagmamadaling makaalis.

Pero hindi pa man ako nakakarami nang hakbang nang makasalubong ko si Morgan na matalim ang titig sa akin.

Gaya ni Flynn, inaagnas na rin sya at kinakain ng mga uod. Ngumisi nang nakakaloko sa akin si Morgan at binuksan yung bibig nya at naglabasan mula roon ang mga uod.

Lahat ng mga uod ay nagsipagtalunan sa akin kaya panay ang pag alis ko sa mga ito.

Hindi ko na rin napigilang mapasigaw dahil sa sobrang takot.

Narinig kong bumagsak ang katawan ni Flynn mula sa pagkakabigti at nang lingunin ko ito, nakita ko syang nakatayo na.

Tumakbo ako nang patalikod kaya nabangga ko si Flynn. Mas lalo akong napasigaw dahil sa pagbangga ko kay Flynn.

Kapwa nakangisi ang dalawa sa akin na tila ba'y may ginawa akong kung ano. Pero wala akong ginawa!

“Please, Morgan at Flynn... wala akong ginagawa sa inyong dalawa. Please tigilan nyo ko, wag nyo naman akong takutin!” Natatakot na paki usap ko sa kanilang dalawa.

Picture taking (Short story only)Where stories live. Discover now