PART THREE

36 15 0
                                    

❝Picture taking❞
(Third part)

______________

Si Flynn, nawawala..

“S-seryoso ka ba, Zoey? Baka naman niloloko mo na naman ako ah...” seryoso ngunit nag aalalang tanong ko.

“O-oo, n-nakita ko wala na sya..” natatakot na sagot ni Zoey.

“Hanapin natin si Flynn...” nag aalalang suhestiyon ko.

Bigla na kong inabutan nang pagkataranta ko dahil sa sinabi ni Zoey. Kahit hindi pa ko sigurado sa sinasabi nya, dapat ko na yata syang paniwalaan dito.

Habang naglalakad ako paakyat ng hagdan, narinig kong tumawa si Zoey kaya bumalik ako sa pwesto nya.

“Niloloko mo lang ba ko?” inis na tanong ko.

Bigla syang humagalpak nang sunod sunod na tawa at pinaghahampas ako sa braso ko.

Nakakairita talaga tong babaeng to! Seryosong seryoso yung isang tao tapos nanloloko sya? Nakakainis ahh..

Sinabunutan ko sya para makaganti. Nakakaasar kasi tong babaeng to, nangpra-prank pa akala mo naman nakakatawa.

“Sorry my dear cousin..” natatawang saad nya.

“Bwiset ka talaga kahit kelan ano?” gigil na tanong ko.

“Hahahahaha second strike na yan, Dharkriz. Serious mode ka na naman hahaha. Sa lahat ng magpi pinsan, ikaw tong madaling mapaniwala.” Natatawang ani Zoey at pinaghahampas ako sa braso ko habang tawang tawa sa ginawa nya.

“Nakukuha mo pang magbiro sa lagay natin ngayon? Nakukuha mo pa ha? E nasaan ba si Flynn? Bakit ba hingal na hingal ka?” naiinis na tanong ko.

“Ayun, umalis na. Uuwi na daw sya dahil ang boring na daw ng bahay dahil hindi na sya pinapansin ni Renee. Susunod nalang daw kay Morgan. Saka kaya naman ako hingal na hingal dahil naiwan ni Flynn yung isang maleta nya, kaya hinabol ko.” Natatawang sagot ni Zoey.

“Nagpaalam ba sya kina Renee at Jasper? Bakit sayo lang nya sinabing aalis sya?” tanong ko.

“Ayaw na daw kasi nyang makaabala pa sayo kaya sa‘kin nalang nya sinabi.” Sagot ni Zoey.

Nangunot noo ako. Uuwi na si Flynn? E wala naman sa bokabularyo nung umuwi nang walang kasama.

Saka ano? Susunod kay Morgan? Ibig sabihin, nakauwi na talaga si Morgan? At talagang walang mga paa paalam?

“Teka lang ha, tatawagan ko sila Tita para itanong kung nakauwi na ba talaga sila..” ani ko at akmang kukunin ko na sana yung cellphone ko sa bulsa ko nang pigilan ako ni Zoey.

“Wag na. Nakatawag na ko kina Tita at ang sabi, ligtas naman daw na nakauwi yung dalawa. Mag iingat nalang daw tayong tatlo..” saad ni Zoey.

“Nakakatampo ah. Alalang alala pa naman ako kay Morgan, nakauwi na pala..” malungkot na saad ko at umupo sa upuan.

“Hayaan mo na Dharkriz, at least alam na nating ligtas na sila. Tama na yung pag aalala mo..” umiiling na sabi ni Zoey at natatawang naglakad palayo sa akin.

Ibig sabihin nito, kailangan kong humingi nang pasensya kay Jasper. Sya pa tuloy yung nasisi ko, Zoey kasi nakakaasar.

Nagpunta ako sa kwarto nila Flynn at nakita kong wala nga yung mga gamit ni Flynn dun. Hay nakakatampo yung mga yun.

Parang kahapon lang, alalang alala din sya kay Morgan. Yun pala isa rin pala sa magpapasakit sa ulo ko.

__

Picture taking (Short story only)Where stories live. Discover now