PART ONE

91 13 0
                                    

Napaka-raming tao na ang nababalitaan naming bigla-bigla nalang nawawala. Karamihan ay mga babaeng menor-de-edad. Mga bata, matanda o dikaya ay mga lalaki.

Ilang beses na naming nababalitaan ang pagkawala nang mga ito.

Sobra kaming nababahala sa mga nangyayari dahil kamakailan nga lang, nawala ang nakababata kong pinsan.

Ang sabi nila tita, iniwan lang raw nila na nakaupo ang pinsan ko at pagbalik nila ay wala na.

Hinanap namin kung saan-saan ngunit hindi namin sya nakita.

Nag-file agad kami nang kaso tungkol sa kidnapping.

Kahit wala pa kaming kasiguraduhan, e alam na namin ang dahilan.

Nandito kami ngayon nang mga pinsan ko sa bahay nang isa pa naming pinsan.

Kasama ko sila Flynn, Renee, Zoey at Morgan.

“Tok* tok* Jasper!” Sigaw ko habang kumakatok.

Kasalukuyan kaming nasa harapan nang bahay nang isa pa naming pinsan.

Medyo creepy lang yung presensya nung bahay pero may tiwala ako na ligtas to.

Nung bata ako, nakapunta na ko dito kaya alam kong ligtas dito.

“Sure ka ba Dharkriz na hindi to abondoned house? Ang creepy nang vibes sa‘kin e.” Reklamo ni Zoey sabay kalabit sa akin.

“Ikaw lang Zoey hahahaha kami nitong si Renee, excited na makita yung isa pa nating long time no see cousin hahaha di‘ba ang astig?” natatawang sabat ni Flynn sabay akbay sa isa pa naming pinsang si Renee.

“Ewan ko sayo.” Inis na ani Zoey sabay irap kay Flynn.

Habang abala sila sa pag-a-asaran. Biglang nagbukas yung pinto nang bahay kaya napatigil ako sa pagkatok at napa-atras.

“J-Jasper?” kabadong sambit ko.

“Huhuhuhu sabi sa inyo creepy tong lugar na to e. No no I quit, I quit na!” Takot na takot na ani Zoey na akmang tatakbo na sana kaso biglang nagsalita si Morgan kaya napatigil ito.

“Umalis ka mag-isa mo, arte!” Saad ni Morgan.

“Kayo na ba yan Dharkriz?” tanong ni Jasper na biglang sumulpot sa harapan namin.

Halatang gulat na gulat yung mga pinsan namin habang si Jasper, kalmado lang.

“Ah o-oo Jasper. Pwede na ba kaming pumasok?” tanong ko.

“Sige, pasok lang.” Saad ni Jasper kaya isa-isa kaming pumasok sa bahay nya.

Tinitigan nya kaming mabuti at napansin kong seryosong seryoso sya.

“Hahahaha I thought lalaki si Jasper, babae pala. By the way nice to meet you long time no see cousin, I mean hindi ka naman talaga namin nakita noon kaya nice to meet you for the first time.” Natatawang bati ni Flynn sabay abot nang kamay kay Jasper.

Nanatiling seryoso ang mukha ni Jasper nang iabot nya yung kamay ni Flynn.

“Woahhh.” Saad ni Flynn nang hawakan ni Jasper yung kamay nya.

“Nice to meet you too...” seryosong bati pabalik ni Jasper.

“Lamig nang kamay mo Jasper. Ang weird huh..” umiiling na ani Flynn sabay baba nang kamay nya.

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Flynn pero hindi ko nalang yun pinansin dahil nabaling yung atensyon ko sa isang camera na nakalagay sa isang lamesa.

Picture taking (Short story only)Where stories live. Discover now