"Promise mo kay mama na hindi mo ako iiwan, opo?" Kasi hindi ko kakayanin kapag pati ang anak ko ay iiwan ako. Hindi ko kakayanin kapag si Xy ang nawala.

"Opo." Malambong na yumakap ito sa bewang ko. Tila natutunaw ang puso ko sa munting yakap na iyon. Nawala ang mga pangamba ko.

"Mahal na mahal ka ni mama."








Nahihiya na akong makitira rito, kahit pa sabihin ni Vince na kami na lang ang tumira rito. Hindi ko naman siya asawa na kung ano ang kaniya ay akin din.

May ipon na rin ako, kung babalik pa siya sa amin ay tatanggapin ko siya. Sobrang mahal ko 'yon.

Buong araw na akong nag iimpake ng mga gamit namin ni Xy.

Wala rin naman kaming masyadong gamit, puro damit lang. Si Vince kasi ang bumili ng ibang gamit namin dito, nakakahiya naman kung pati ‘yon ay kukunin ko pa. Sa kaniya pa rin yon.

Ayos na rin si Xyphere ayon sa doktor. Bago pa ako magdesisyon na umalis na rito ay inasikaso ko na ang mga check up ni Xy, isang beses sa isang linggo ang check up niya. Paninigurado ito na wala ng komplikasyon sa katawann niya.

Nakapag ipon na rin naman ako, ang tutor niya ay bayad na pala hanggang sa matapos ang taong to. Malamang ay si Vince ang umasikaso noon.

Dalawa kami ni Xy ang nag iimpake, hindi ko rin alam kung bakit hindi siya nagtataka o kaya'y nagtatanong kung bakit nag iimapake kami ng mga damit namin. Basta’t tumatuling lang siya.

Napasilip ako sa bintana. Gabi na pala. Nakatulog si Xy sa tabi ko, pagtapos naming magmeryenda kanina ay nakatulog siya.

Napabuntong hininga ako, ang bigat ng loob ko. Magmumukhang palaboy na naman tayo nito, Xyphere.

Baka ito talaga ang dapat na matutunan ko, ang huwag umasa sa iba. Simula ng magising ako ay lagi na lamang ako nakadepende sa iba, nadadamay ko pa ang anak ko. Parang hindi ko kayang mabuhay ng walang tulong iba.

Gusto kong tumayo sa sarili kong paa ngunit nang makita ko siyang pumasok mula sa pintuan ay natigil ako.

‘Yong mga tanong ko ay nawala, gusto ko siyang yakapin. Gusto kong halikan niya ako pero bakit iba na ang tingin niya.

Hindi siya lasing ngayon.

"Vince..." Mahina kong saad. "B-bumalik ka." Tatayo na ako para yakapin siya nang maglakad siya papuntang cabinet.

"Aalis din ako, kukunin ko lang ang mga gamit ko." Nanghihina ako habang naririnig ang boses niya at pinapanood siyang nakatalikod sa akin. "Bakit kayo aalis?" Tanong niya ngunit hindi ko kayang sagutin. Dahil iniwan mo na kami.

"B-bati na tayo, p-please." Sa halip na sagot ko, tumingin ako sa taas para mapigilan ang nagbabadyang luha ko kahit na ang totoo ay kanina pa ito tumutulo.

Pagdating talaga sa kaniya ang hina hina ko.

Hindi niya ako sinagot. Sandaling napalingon siya sa akin ngunit saglit lamang iyon. Dumako ang tingin niya sa tabi kong akala ko ay natutulog. Nakaupo ito at inosenteng nakatingin sa amin.

Nakuha na ni Vince ang gamit niya at mabilis na lumabas na ng kwarto, agad akong napatayo at hinabol siya palabas.

Hindi ko naman sinasadyang mahila ang damit niya, napabitaw ako sa nakita ko.

K-kiss mark?

Nanlambot ako at napasalpak sa sahig, nakatalikod pa rin siya sa akin.

Napasapo ako sa bibig ko, nanginginig ang kamay ko at tuloy tuloy ang luha ko, nababasa na nito ang pisngi ko.

Tahimik akong himikbi, b-bakit?

"K-kaya ka ba n-nakipaghiwalay?" Hindi ko alam paano pa ako nakapagtanong, kumikirot ang dibdib ko. "S-sagutin mo n-nman ako." Hindi siya gumalaw.

"It's the best way." Sagot niya nang hindi humaharap sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko, paano niya to nagagawa sa akin? Kasi parang hindi ko na kakayanin.

"S-sabi mo mahal mo ako... s-sabi mo ako lang?" Tila bulong na lang ‘yon. Iyon kasi ang sinasabi niya sa akin. H-hindi naman pala totoo. Napaktakip ako sa mga mata at agresibong pinupunasan ang luha ko. Ayaw kasing tumigil sa pagluha. "Ang sakit sakit, Vince. H-hindi ba ako sapat sa 'yo? A-anong kulang sa akin? M-marunong naman akong maglaba, m-magluto. K-kaya kong gawin lahat."

"You're not enough, Pauline." Napatingala ako nang humarap siya sa akin.

Sana hindi ko nalang narinig o nakita ang itsura niya. Kasi kung tingnan niya ako ay para lang akong basura.

H-hindi ako sapat... kumikirot nang sobra ang puso ko. Ang sakit sakit, ang sakit niyang mahalin.

Tumalikod na siya at handa ng maglakad palyo nang hinabol ko siya agad na lumuhod sa harap niya.

"B-balik ka na." Kumapit ako pantalon niya, wala akong narinig mula sa kaniya. "P-pakiusap, m-mahal."

"Look at yourself, you look like a trash to me now. Don't be so desperate, Pauline. Leave and don't ever come back. I don't want to see your face ever again." Aniya na nakatitig sa mata ko.

"P-paano mo nasasabi ‘yan. H-hindi mo ba ako m-minahal k-kahit kaunti. B-bakit mo to g-ginagawa, V-vince..." Matagal akong umiyak sa harap niya ngunit tila naging estatwa na siya roon.

Mapait akong napangiti nang hindi niya ako sagutin. Naroon pa rin ang pagkirot sa dibdib ko ngunit kinaya kong tumayo at ayusin ang sarili ko. Mukha nga talaga akong basura ngayon. Nasaan ang hiya ko?

Bumakas amg pinto sa likod ko at iniluwa non ang anak ko. Namumula na ang mga mata nito at agad na sinarado ang
Saglit siyang tumingin sa anak namin ngunit agad niya iyong binawi.

"Leave." Malamig na tono niya. Kahit sa anak namin ay wala na rin siyang pakialam.

Itinago ko ang nangininginig kong kamay at napatango tango. Tanggap na wala na talaga. "M-mag iingat ka palagi." Nakita ko ang kislap sa mga mata niya bago ko siya tinalikuran at kinuha ang mga maleta namin sa loob ng kwarto. Panay ang pahid ko sa luha ko bago muling lumabas ng kwarto at hinawakan sa isang kamay ang anak ko. "Halika na Xyphere."

Pagkalabas ng bahay ay sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ako na lang ulit mag isa ang bubuhay sa anak ko. Babalik sa dati, sa dating wala pang Vincent sa buhay namin.

Babalik sa dating hindi namin kilala ang ama ng anak ko.




Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now