Prologue

7 2 0
                                    

"The finding of your mates shall start now!" sigaw ng Head Mistress  na si Ma'am Willa.

Lahat ng kabataang lobo nagsimulang lumibot sa buong ballroom. Hinahanap ang kapareha na ngayong gabi madalas matatagpuan.

Ang iba masaya ng nakita agad ang kapareha. Habang ang iba hirap parin.

"Alisha! Si Wyatt mate ko!" masayang anunsyo ng kaibigan kong si Eliza habang nakayakap sa braso ng lalaki

"Congrats" ngiti at thumbs up ko sa dalawang mukhang masaya sa natanggap na resulta

Malapit saamin si Wyatt at kahit magkaiba ng lahi, Pwede parin namang maging mate.

Since Lobo si Wyatt at si Eliza isang zombie. Si Wyatt ang manghihina kung hindi nya kikilalaning mate si Eliza bilang sya ang lobo. At possible ding masaktan si Eliza kung hindi nya papayagan si Wyatt bilang mate nya na nagsisimbolo sa mga lobo na sila ang soulmate nito.

Pero hindi ko parin mapigilang mapabuntong hininga.

Wala parin kasi akong attraksyon o nararamdamang kakaiba sa mga lobong nakakasalubong ko.

Wala kaya akong mate?

May mga panahon kasing ganun at maaaring nasa kabilang pack, o ibang lugar ang nakatadhana sakin.

Ang iba sa mga ganito nakikilala nila. Ang iba hindi at hindi na din sila lumalakas pa. Ang iba nanghihina nalang at namamatay agad sa labanan.

Ayoko mang isipin pero may posibilidad ngang ganun ang mangyari saakin..

Possible ding nakita na ako ng mate ko pero umiiwas nalang dahil alam nyang mahina ako.

Isa ako sa mga lobong nahihirapang makipaglaban. Lalo na kung nakalobong anyo ako..

Hindi din ako ganun kalaki na madalas nilang tawanan.

"Lazarus, bakit ba kailangan nating pumunta dito?"

"Wala papasyal lang. Gusto kong makita lahat ng tradition"

"Bilisan mong tignan at inaantok na ako"

Napatigil lahat ng tao sa loob ng marinig ang mga boses na yun.

Naramdaman kong kumabog ng malakas ang puso ko na parang gusto nitong sirain ang dibdib ko.

S-silang t-tatlo ba yan?

"Kailan pa natulog ang mga bampira?" Kunot-noong tanong ni Lazarus

"Simula ng bigyan sya ni Papa ng kama" inosente ang mukhang sagot ni Draco

"Malambot kaya gusto ko" parang inaantok talagang sabat ni Vlad

Tumawa lang naman ang dalawang kasama nito.

"First time ko din namang makahiga sa ganun, pero hindi parin ako inaantok" pagmamalaki ni Draco

"Edi ikaw na" walang ganang sagot ni Vlad at naunang naglakad sa dalawa

May binulong si Lazarus na tinawanan ni Draco. Habang mabilisan silang tinignan ni Vlad ng masama

H-hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko maalis ang tingin sa dalawa...

Ramdam ko din ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng mapalingon sa dereksyon ko si Vlad.

Yung inaantok nyang mata, biglang namula..

"H-huy bakit namumula ang mata mo? Wag kang makikipag-away dito" awat ni Lazarus ng makita ang pamumula ng mata nito.

Ramdam ko ding nag-init ang katawan ko at parang nagwawala ang lobo sa loob ko.

A-anong nangyayari?!

"Y-yung babaeng lobo.." napatingin ako kay Draco ng sabihin nya yun at nakita ko ding namumula ang mata nya habang nakatingin saakin..

T-teka.. a-ako ang may gawa nyan??

Pansin kong napatigil din ang ibang mga lobo sa nangyayari at nagsimula ng magbulungan..

"Lobo at bampira ulit?"

"Ang swerte nya si Vlad at Draco pa"

"Sila nga ba? Baka naman sa ibang babae?"

A-anong bang pinagsasabi nila?

"Bes, sumama ka sakin" nag-aalala ang mukhang hila saakin ni Eliza na ikinagulat ko

Bigla na lang kasi itong sumulpot sa harap ko, kaya hindi ko na nakita ang realsyon ng dalawa.

"Ako na ang bahala sa mga mate mo. Sumama ka kay Eliza" sagot din ni Wyatt na lalong ikinagulo ng isip ko

Nakita ko pa syang lumapit sa tatlo, habang hinihila ako palayo ni Eliza at dinala sa labas, kung saan may malawak na garden.

"B-bes anong nangyayari? Bakit sila nagkaganun? D-dahil ba sakin?" gulong-gulong tanong ko

Mukha naman itong nagulat sa tanong ko at imbes na sumagot nilabas nito sa bag ang salamin, tsaka inabot sakin.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ang kulay ginto ng mata ko..

Nagiging ginto lang ang mga mata ng mga lobo, kapag lumalakas sila at lalakas lang din ang lobong katulad ko kung mahahanap ko ang mate ko.

Ibig sabihin...

"Sila Vlad at Draco ang kapareha mo, Bes. Nagkulay abo din ang mata ko ng makita ako ni Wyatt kanina, kaya alam ko ang nararamdaman nila" mahinahon pero parang bombang anunsyo nito

S-si Vlad at Draco?

P-paanong naging sila?

Ang tanong gugustuhin ba nilang maging mate ako?

Tsaka.. bakit silang dalawa? Diba isa lang dapat?

"A-anong gagawin ko?" Kinakabahng tanong ko

Kung sakali mang walang pumayag sakanila. Ibig sabihin ba nun, mamamatay ako ng maaga?

Kapag hindi nila tinanggap ang pagiging mate ko. Manghihina ako lalo.

"Pumili ka sa dalawa." parang simpleng sagot nito

Parang madali. Pero ubod ng hirap..

At dalawa pa sila..

Draco and Vlad...

Draco & VladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon