‹‹1›› |Ang Balita

6 2 0
                                    

Matamalay kong ginagawa ang aking nakaatas na gawain, kagaya ng dati kulang padin ako sa tulog.
Patuloy akong naghahanda ng mga sangkap na kakailanganin sa nakagawiang almusal ng biglang pumasok ang dalawa sa mga maingay kong katrabaho dito sa mansyon.

"Hayy alam mo ba kaya pala ganun na lang ang saya ni mam at ser kasi darating ang kanilang panganay na anak"
Sabi ng isa

"Balita ko gwapo din daw yun"
Humahagikgik namang sabi nung isa.

Umikot ang aking mata dahil tungkol na namn sa lalaki panigurado ang pinauusapan nila.

Diko na sila binigyan pa ng pansain at itinuon na lamang ang atensyon sa aking niluluto. Di kalaunan ay inihanda na nmin ni Wena ang mga pagkain sa hapag. Naroon na ang mag asawa at si ma'am Arielle na bunsong anak ng magasawang Montréal.

Kasalukuyan ay nagsasalin ako ng tubig sa baso ni senorita Arianne. Kapansinpansin ang maaliwalas nitong ekspresyon. Masaya silang naguusap ng kanyang anak habang maiikling sagot lamng ang maririnig sa ama.

"Hindi na ako makapag hintay pa nais ko nang mayakap at masilayan ang kuya mo Arielle hija." Mahahalata mo ang siya at pag ka ulila sa boses ng ginang, na medyo naluluha pa habang nag k-kwentuhan silang mag-anak.

"Ako rin po Mom, miss na miss ko na si kuya kahit na sampung taong gulang palang ako nang umalis sya ay naaalala ko parin kung gano sya kabait at ka sweet satin." Nakangiting namng sagot ni ma'am Arielle sa ina.

Sampung taon? Kaya pala ganun na lamang ang saya ng ginang ng mabalitaang uuwi ang panganay na anak sa pinas. Sobrang tagal na pala nitong wla, kung sampung taon pa lamang si ma'am Arielle nang umalis ito ay ibig sabihin sampung taon narin itong hindi umuuwi dahil sapag kakaalam ko ay nasa bente anyos na ang bunsong anak ng ginang.

Ilang taon na kaya ito? Gwapo kaya?? hihi
Hayyyy nakoo dapat diko to iniisip nako nmn. Matapos kumain ng pamilya ay agad kaming nag linis bago kami kumain sa kichen ay sa likod ng bahay, bawal kasi kaming kumain sa main kitchen at baka bulyawan na nmn kami ng mayordoma ng mansyon. Siguro sa katandaan narin kaya ganun nalang ang pag kasungit nito, pero minsan ay mabait nmn ito minsan nga lang haha.

Pero diko parin maiwasang mag alala dahil baka mata pobre ang panganay na anak nila ginang Arianne. Alam kong medyo judgemental ang peg pero kasi naman nadala na ako sa mga dati kong naging amo, mga bait baitan sa harap ng mga tao pero gayun na lamang kung gamitan kami ng dahas pag nasa tahanan na nila kaming mga katulong nya. Kahit ngayon ay hindi ko parin malimutan yung mga masasakit na salitang sinasabi nila kahit minsan diko maintindihan kasi sa salitang ingles sila madalas mag usap ng asawat anak nyang kapwa matapobre din. Pero ang hinding hindi ko malilimutan yung dahilan ng trauma na nakuha ko dahil sa paninilbihan sa pamilyang iyon.

Nag simulang mag bagsakan ang mga luha ko pero agad korin itong pinunasan dahil pagod na akong umiyak. Ayoko na ,tama na yung mga panahonh nasayang ng dahil sa pag durusa ko. Pero kung sana-kung sana ay mas naging maingat lang ako s-sana ligt- Umiling-iling na lang ako para pigilan na nmng maalala yung mga masasakit na dinanas ko noon. Tama na please.

Nang medyo kumalma na ako ay napag pasyahan kong maglinis na ng katawan at mag pahinga ng maaga. Pasalamat na lamang ako dahil sa dami ng katulong sa mansyong ito ay hindi ganun ka dami ang mga pinagawa sa amin, ilang kaming mga katulong ang nakaatas sa umaga upang mag luto ng agahan bukod don isa rin ako sa mga taga linis at nag aalaga ng mga halaman na nakapalibot sa hacienda ng Montrèal.

Meron kaming sariling kwarto o tinatawag din nila na maid quarters. Di ito ganun kalakihan pero sakto na para sa isang tao ang espasyo, merong isang single bed na may kasama ng komportableng kutson at cabinet para sa mga damit at iba pang abubot meron ding maliit na lamesa na ginagamit ko kapag ako ay nag susulat o kapag naisipabmng gumuhit. Kulay puti ang ding ding at kisame at naka tiles din ito yayamanin.

Sa pinaka likod ng mansyon ito naka tayo ang parang isang bahay na puro kwarto para sa mga katulong, meron din ditong kusina at limang palikuran. May tatlong palapag ito, sa pinaka taas ang lokasyon ng kwartong bigay sa akin, ako lang ang mag isa sa palapag na ito dahil may mga sabi sabing may kaluluwa ditong pagala-gala lalo na sa partikular na lokasyong ito dahil dito raw tumutuloy yungbdating katulong na iyon na namatay dahil sa atake sa puso. Kaya kahit may sampung kwarto dito ay isa lang ang umoukupa at ako yon dalawa kasi ang maid quarters mag katabi iyon yung isa ay bagong gawa kaya halos kahat ay nandoon nanunuluyan, kaya kaunti lamang kami dito pero mas masaya yun para sa akin.

Alas Diyes na ng gabi ngunit di parin ako makatulog, sanay naman na ako sa gantong sitwasyon. Alam kong tulog na lahat ng mga kasamahan kong katulong sa ibaba dahil patay na ang mga ilaw at wla na akong marinig na kahit ano pang ingay bukod sa mga tila nag kakantahang ibon at mga kuliglig sa paligid.

Matapos maglinis ng katawan ay lumabas na ako ng banyo na nasa kabilang dulo ng pasilyo kung nasan ang aking kwarto. dahan dahan lang aking mga hakbang dahil baka magsing ang mga natutulog na sa ikawalawang palapag. Sinarado ko ang pinto sa ikatlong palapag, oo ang weido dahil may pinto pero mas maganda narin iyon dahil mas ligtas pag maraming pinto.

May mga maliliit na ilaw sa bawat pagitan ng pinto na nag sisilbing liwanag sa madilim na pasilyo, sa pinaka dulo ang kwarto ko katapat ng isa ring kwarto sa pinaka gitna ay ang veranda na pinaka paborito ko sa lahat. May salamin iting pinto at mayrong ding manipis na puting kurtina. Dahil bukas ang pinto ay hinahangin ang kurtina, sa pag lapit ko ay ramdam ko ang lamig ng sariwang hangin ng gabi sa aking balat.

Ng tuluyan na akong makalabas ay napahawak ako sa bakal na nag sisilbing harang nito na ang taas ay nasa gitna ng dibdib ko. napa pikit ako at dinadama ang lamig ng hangin.

Sanay laging ganto... Tahimik payapa at higit sa lahat malayo sa kapahamakan malayo sa kanila.

Forgotten Love (Hacienda De Montréal Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon