restaurant

0 0 0
                                    

[maurie's pov]



"Maurie!"  Hindi ko alam na sinundan pala ako nito pauwi. Nang mag walkout ako kanina sa bahay niya nagmadali akong lumabas at pumara agad ng taxi kaya, akmang bubuksan ko na yung pinto ng apartment ko ay pinigilan niya ako.

" Ano ba! Lumayo ka nga!"  Sabay tulak ko sa kanya, nilibot ko yung paligid buti na lang walang ibang mga tao. Baka makahalata sila.kilala pa naman nila si ivan.

" Let's talk, hear my explanation pakinggan mo naman yung paliwanag ko. "  sabi niya at hinila ang kamay ko kaya napakaladkad ako sa kanya! Napaka gentleman talaga noh?!..

" Ano ba! Bitiwan mo nga ako. Wala ka namang dapat ipaliwanag, eh!"

"I told you, woman. Hear my explanation."  Napaka bossy talaga niyang magsalita. Napansin kong pupunta kami sa sasakyan niya at madali niya akong pinagbuksan ng pinto at tinulak papasok. Tsss, ang sama ng ugali!..

" Wait, saan mo nanaman ako dadalhin!? Alam mo bang may trabaho pa ako mamayang gabi? Hindi parin ako lubusang nakatulog at nakakain!"  Bulyaw ko sa kanya habang nasa kalsada lang yung tingin niya..

" Tsss, ang ingay mo! Alam mo ba yun?" Reklamo niya.

"Alam mo namam pala, eh! Bat mo ko sinusundan at ngayon pinilit mo akong sumama!"

"Para malaman mo na ang katutuhanan at na bobother din sayo si rael dahil tinawagan ko siya ng bigla kang umalis. Kung hindi lang dahil sa kanya, hindi ako mag aaksaya ng oras sayo." Sabi pa niya.

"At ako pa ngayon ang may kasalanan? Ano to? Ako ba ang ginagago?! sabihin mo dyan sa kakamabal mo, na pinuputol ko na yung ugnayan namin. Isipin na lang niya na hindi ako naging parti ng buhay niya. Ganon lang yun kadali. At kung nag alala siya sa paghahanap ko ng sperm donor, tigilan niya na, dahil hindi naman niya ako kargo konsinsiya. Makahanap din naman ako at sisiguruhin ko na wala ni isa sa inyong  dalawa ang involve." Mahabang speech ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Hindi siya nagsasalita. Kaya hindi ko siya binalingan ulit.
Napahimas tuloy ako sa aking tyan, gutom na talaga ako, eh ..

" Let's eat lunch"  napatingin ako sa kanya ng sabihin iyon. Himinto yung sasakyan sa harapan ng isang class restaurant. Hindi ako kumibo at mas lalong hind ako lumabas ng kotse pero siya,,.

" I said, let's eat. I know you're hungry. For now let's stop our bangayan dahil nagugutom na din ako let's go, woman" sabi niya ng pinagbuksan ako ng pinto.

" Ayaw, e uwi mo na lang ako. Sa bahay na lang ako kakain" sabi ko na hindi nakatingin sa kanya. Ang mahal kaya dito.

" C'mon, dont be childish" bigla siyang yumuko para sana kargahin ako..

"Ano ba!....Oo na!,," Tinapik ko yung dalawang braso niya kaya napatayo siya. At lumabas din ako. Sino bang nagutos sa kanya na kargahin niya ako? Kakahiya kaya!..

Pagdating namin sa loob, nag order agad siya ng pagkain niya at siya narin ang pinaoder ng sa akin. Wala kaya akong alam sa pangmayaman na pagkain.. dati kapag mamasyal kami ni ivan, kampanti na kami sa street food. Hmmm,,, nakakamiss din pala yung dati naming samahan ni ivan. Anak mayaman pala siya pero kung kumilos parang ka level ko lang. Unlike sa isang kasama ko ngayon. Kaya pala iba yung reaction niya noong binigyan ko siya ng kwek kwek noong isang linggo, siguro hindi pa niya na tikman ang ganong pagkain.

Habang concentrate kami sa pagkain, may biglang tamawag sa pangalan ko..

" Mau!, Sinasabi ko na nga ba, eh, ikaw to. Nakita kasi kita kanina ng papasok ka palang" ang ganda talaga ng ngiti ni Andrew..

" Oy, andrew ikaw pala"  sabi ko din sa kanya. Napansin kong may lumapit sa kanya na babae at sa nakikita ko same yung uniform ni girl sa mga staff dito sa restaurant.

" Sir, drew. Ready na po yung dessert" sabi girl. Napansin ko rin tumango si Andrew.. wait? Siya ba ang may ari nitong restaurant?.

" Okay, mia. Just serve here, their my friends." Sabi ni Andrew at narinig ko rin na napa tss ang isang kasama ko.

"Ikaw ba ang may ari nitong restaurant?"  Tanong ko.

"Nope, my sister own this restau. She's in England at ako pinamanage dito."  Ah, ibig sabihin kay ate Kimberly pala itong negosyo nato.

" Kumusta na pala si ate kim, drew? May asawa na ba siya?" Ang ganda kasi ni ate kim.

"Yes, and already have a two kiddos. Taga England yung napanagasawa ni ate., Uhm,, by the way, boyfriend mo?" Tanong ni andrew. Kaya lumaki yung mata ko!

"Hindi, uhm,, kaibigan. Uhm,, drew si,," wait, ano bang pangalan ng mokong na to?.

" Ismael Monticello, bro" pakilala agad niya. So, siya talaga si ismael Monticello?

" Nice meeting you, bro. Wait, ikaw ba yung sumindo kay mau  sa bar?" Ay shit! Mukhang hindi pala nakalimutan iyon ni andrew.

"Nope, his my twin brother" wow, honest, ah. Oo naman si ivan kasi yun..

"Ah, so, maurie's boyfriend is your twin brother." Ano raw? Langya talaga ang ivan na yun. Pakilala kasi niya ng gabing iyon ay boyfriend ko siya!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Where To Found YouWhere stories live. Discover now