“Dahlia, name mo sabihin mo na,” saad sa akin ni Hazel. Matapos nilang maibigay ang name nila kay Pres.

Bukod sa pagiging SSG President niya sa University namin ay isa din siyang magaling na player ng basketball ng University namin. Kaya lahat ng kababaihan dito ay may gusto sa kanya. Pero sorry na lang sila dahil ako lang ang nag-iisang future wife ni Xavion.

“I’m Dahlia Xylona Zashly, Pres,” aad ko at inabot ko pa ang kamay ko sa kanya pero hindi niya man lang ito pinansin. “Hindi ka man lang magpapakilala? Daya, ah.”

“Pumasok kayo sa klase niyo—” Pinutol ko siya.

“Pasok na, Pres,” saad ko at bahagya pang bumukaka mula sa kinauupuan ko.

Narinig kong napasinghap ang dalawa kong kaibigan dahil sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Wala namang makikita, eh. May cycling short kaya ako tapos may panty pang suot. Napaka-oa naman nila. Nang tingnan ko si Pres ay nakatalikod na siya pero hindi pa rin umaalis sa kinatatayauan niya.

“Ms. Zashly, wala akong panahon sa kalokohan mo kaya pumasok na kayo,” saad nito. “And after ng klase niyo pumunta kayo ng detention room.”

Akmang aalis na sana siya ng bigla ko itong pigilan. “Pangalan lang hihingiin mo? Hindi pati number ko? H’wag ka ng mahiya magsabi, Pres. Ibibigay ko naman, eh,” saad ko tapos may kinuha kong papel sa may bulsa ng palda ko ay binigay sa kaniya at bago pa ako umalis para pumasok sa klase ay hinalikan ko pa siya sa pisngi.

“Call me, honey,” saad ko at kumagat pa sa aking labi habang naglalakad patalikod at ng medyo nakalayo na ako ay tumakbo na ako.

Naramdaman kong sumunod ang mga kaibigan ko sa akin habang nagtatanong kung bakit ko daw iyon ginawa. Actually, no’ng mga nakaraang araw pa sila nagtatanong kung bakit daw kami ang-kiss ni Pres pero sa tuwing tinatanong nila ako no’n ay tanging ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila.

“Dahlia, may practice daw tayo,” saad sa akin ni Audrie. Isa sa mga kasali sa cheering squad.

Siya ang bumungad sa amin ng lumabas na ‘yung teacher naming babae. Kakatapos lang ng klase naming basic calculus at ang sakit ng ulo ko sa subject na iyon. Ang hirap kunin ang tamang sagot. Tapos ‘yung formula pa ay ang haba-haba. Mahirap na ngang makahanap ng lovelife tapos idadagdag pa itong basic calculus na araw-araw na lang pinapasakit ng ulo ko.

“Ah, sige,” saad ko habang abala sa pag-aayos ng gamit ko. “Susunod kami. Mauna ka na.”

“Sige, hihintayin na lang namin kayong tatlo sa may quadrangle—”

“Hindi sila magpa-practice.” Pagpuputol ng isang malamig na boses sa sinasabi ni Audrie.

Napalunok ako ng ilang beses bago ko tingnan kung sino iyon. D*mmit! Nakalimutan kong pupunta nga pala kami sa detention room. Paano na iyan? May practice kami ngayon!

“H-Hi, Pres. P-Pwedeng bukas na lang ‘yung detention namin—”

“In the detention room,” putol nito sa akin. 

Nagkatinginan pa kami nila Hazel at Jasmine na para bang nag-uusap kaming tatlo sa pamamagitan ng mata kung paano namin ito malaulusutan. Kainis naman, eh! Madalas namin kasi ay nalulusutan namin ito. Dahil mga ka-vibes ko naman ang mga SSG members pwera lang dito sa President na ubod ng kasungitan. Akala mo naman gwapo. Hindi naman! Masungit lang siya!

“P-Pero kasi may practice kami—”

“Now!”

Napaigtad ako sa biglaang pagsigaw ni Pres no’n. Kaya naman hindi tuloy kami magkandaugagang tatlo sa pagsisilid ng mga gamit namin sa loob ng bag at nagtatatakbo papuntang detention room kasunod si Pres.

Her Naughty WaysWhere stories live. Discover now