Prologue: Paninindigan

3.3K 87 22
                                    

A/N: Another story that I want to share. Bagong pagpiga na naman sa utak ko para lang makabuo ng kwento na maibabahagi ko sa inyo. Nawa'y magustuhan at masiyahan kayo sa bago kung handog.

Para sa gumawa ng napakaganda at napa-cute na cover nito, walang iba kundi si @KaiKaura. Para sa'yo ang unang pahina ng istoryang ito. Maraming salamat at kahit hindi pa siya published ginawa mo pa rin. Kaya ito na, talagang sinimulan ko agad para magawa ko na agad ang rules. Baka kasi hindi mo na ako igawa ulit kapag hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo (haha).

**"*

PROLOGUE: PANININDIGAN

PRINCESS YUKI  POV

I sigh. I don't know what will happen today. All I know that it will be the start of hell for me. Being in a place inside a great wall and surrounded by guards will be like I'm in prison. The grandest prison that maybe all girls are dreaming to live in, except me. None other than the Imperial Palace.

Ako si Princess Yuki Ayane Rei, ang huling prinsesa ng Kaharian ng Daichi. Isa ako sa pagpipilian na maging asawa ng Crown Prince o susunod na maging Empress ng Imperyo.

At sa araw na ito, pagkatapos ng 3 buwan na pagsasanay sa Imperial Mansion at Imperial School kailangan ko ng pumasok sa Imperial Palace. Doon ako titira sa loob ng isang taon o hanggang sa araw ng pagpili.

Ano ang buhay na naghihintay sa akin sa loob ng palasyo? Makakaya ko bang harapin ang mga matataas na taong nandoon? Na ang iba ay mga ganid sa kapangyarihan? Magagawa ko ba ang tungkulin ko na naghihintay sa akin sa loob?

Ngayon palang nagsisimula na akong kabahan at matakot. Pero kung anu man ang mangyayari sa akin sa loob ng palasyo kakayanin ko. Hindi ako susuko. Haharapin ko kahit ang pinakamakapangyarihan na tao sa buong Imperyo ng buong tapang. Hinding-hindi ako magpapa-api sa mga taong mapagmataas. Lalabanan ko ang mga taong magtangkang lamangan ako at nagbabalak na ibagsak ang tulad ko.

If they won't play fair then I guess I have to play dirty too. I will make sure that they will play my game. And I swear I will make their life inside the Palace a living hell. Someone like me, a baddass war freak gangster princess will bring Chaos to the untainted and firm governance of the Imperial Palace.

Hindi ko sasayangin ang ginawa kung sakrispisyo. Hindi mapupunta sa wala ang pagpili ko sa aking tungkulin kaysa sa pagkakataong maging masaya. Mas pinili ko ang gampanan ang responsibilidad ko kaysa makasama ang lalaking pinakamamahal ko.

Minsan kailangan nating magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakakarami. Minsan kailangan muna nating isipin ang kapakanan ng mga taong buong pusong nagtitiwala sa atin bago ang ating sarili. Kung gusto mong maging tunay na maligaya gawin mo ang lahat ng wala kang masasagaan na damdamin para walang pagsisisihan sa huli.

Sa naging desisyon ko, maaaring hindi ko na makamtan pa ang tunay na kaligayahan. Ang mahunay ng masaya sa piling ng iyong minamahal. Ngunit kahit anuman ang mangyayari ay hindi ko pagsisisihan na mas pinili ko ang maging prinsesa. Kung sa pamamagitan naman nito marami akong buhay na mailayo sa kapahamakan. Ang maging kaligayahan nila ang tanging kapalit na hihingin ko sa ginawa kung ito.

"Narito na po tayo, Mahal na Prinsesa. Maaari na po kayong lumabas."

Boses ng pinagkakatiwalaan kung taga-lingkod ang pumutol sa aking pag-iisip. Isang mabahang buntung-hininga ang aking ginawa. Ito na ba talaga? It's now or never?

Unti-unting bumukas ang takip kasabay ng pagsipa ng kaba sa aking dibdib. Tinanggap ko ang nakalahad na kamay ng personal kung tagapag-bantay. Silang dalawa ng taga-lingkod ko ay galing din sa Kaharian namin. At sila ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. At ngayon sabay naming haharapin ang bagong buhay sa loob ng palasyo.

Isang mataas at magarang tanggapan ang tumambad sa aking harapan. Ang arko nito at ang pinto ay maraming palamuti. Tanda ng karangyaan. Sa loob nito naghihintay ang pamilya ng Emperador. Pati na ang ibang katulad ko, mga babaeng galing sa maharlikang angkan na kasama sa pagpipilian.

Mahigpit na ikinuyom ko ang aking kamay para pigilan ang sarili ko na tumakbo palayo. Isang hakbang. Isang hakbang lang at tuluyan ko ng iiwan ang kung anumang meron ako para harapin ang bagong mundo. Mundo na kahit minsan hindi ko pinangarap.

Lahat ng tapang at lakas ng loob na meron ako kanina ay naglaho sa isang iglap lang. Tumambad lang sa aking harapan ang mga bagay na nagpapatunay sa bagong buhay na papasukin ko. Parang gusto ko na lang bumalik kung saan ako galing. Ramdam ko na pinagpapawisan ako ng malamig.

"Kakayanin ko 'to, di ba?" Mahinang tanong ko sa nanginginig na boses.

"Makakaya mo, Kamahalan. Nandito lang kami lagi ni Yoshie sa likod mo." Sagot ni Shuji sa tanong ko na higit para sa sarili ko.

Kinalma ko ang aking sarili saka inangat ang isang paa at magsimulang humakbang papasok. Maingat na naka-aalay ang dalawa sa'kin dahil alam nilang kahit ginusto ko ito masakit pa rin para sa'kin ang gawin ito.

Sa isang hakbang na ginawa ko sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Isang hakbang pa lang pero sobrang naninikip na ang dibdib ko. Nagsimula na ding pumatak ang luha sa aking mga mata. Bahagya akong tumingala para pigilan ang tuluyang pag-agos nito sa aking pisngi.

Nakita ko ang napaka-aliwalas na langit sa pagtingala ko. Hindi kagaya ng damdamin ko ngayon. Sa huling pagkakataon, habang naka-tingin sa kalangitan tinanong ko ang sarili ko. Ito ba talaga ang nararapat kung gawin? Tama ba na isinuko ko ang isang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako ng buong puso? Is this worth sacrificing my love, my happiness?

What should I do? Once I set foot inside there's no turning back. Am I really ready for this life?

Tinitigan ko ang daan papasok sa loob ng palasyo. Kapag tumuloy ako, ang kaligayahan na gusto kong maranasan ay hindi na mangyayari kahit kailan. Dahil ang kaligayahan na yun sa matatagpuan ko lang sa piling niya.

Kapag hindi ako tumuloy, ang maging kapalit ay ang Kaharian. Hindi na sigurado ang katayuan nito. Maaaring gumawa ng hakbang ang Yakuza para makuha nila ito. Kapag mangyari yun mapapahamak ang lahat ng naniniharan doon. Maaaring mawala sa kanila ang kanilang pag-ari, ang kanilang kalayaan, at baka pati ang kanilang buhay. Malaking gulo ang mangyayari, hindi lang sa Kaharian namin kundi maging ang buong bansa kung ang mapiling Empress ay galing sa pamilya na kaalyado ng Yakuza.

Ngayon Ayane, ano ang pipiliin mo? Tutuloy ka ba o babalik? Kailangan maging buo ang desisyon mo at panindigan mo ito.

"Kamahalan maayos lang po ba kayo? Prinsesa Ayane.... Mahal na Prinsesa."

Napalingon ako kay Yoshie na kanina pa pala tawag ng tawag sa'kin. "Bakit Yoshie?"

"Kanina pa po tayo nakatayo dito sa labas." Paalala niya sa'kin.

"Tumuloy na po tayo Mahal na Prinsesa. Baka mainip na po sa paghihintay ang mga opisyal at maharlikang angkan ng Imperyo." Sabi ni Shuji na pilit tinatago ang pag-alala sa'kin.

Mariin kung ipinikit ang aking mata at nagsimulang humakbng ulit. Buong tapang akong nagpatuloy sa paglakad papasok ng palasyo.

I almost turn back when I am a just few steps to door but held myself. The moment my feet set inside the Palace, I know there's no turning back. Ito ang desisyon ko at kailangan ko 'tong panindigan para sa lahat. Lalong na sa lalaking pinakamamahal ko.

I may be far away from you but my heart, my love will always be with you. Ano man ang mangyari sa'kin dito ikaw, at ikaw lang ang mamahalin ko. Mamahalin kita habang buhay. Hangad ko ngayon ang kaligayahan mo. At sana darating ang araw na makabalik ako sa piling mo. Sana sa susunod nating buhay hindi na ganito ang kapalaran natin. Hiling ko lang na sana kahit anong mangyari mananatili ang puwang ko kahit sa pinakasulok ng puso. Paalam! Mahal na mahal kita, my King Knight.

Kasabay ng pamamaalam ko sa taong pinakamamahal ko ay ang masaganang luha na nag-uunahan sa pagpatak sa aking pisngi. Kabasay din nun ang tuluyang pagtapak ng aking paa sa loob ng bakuran ng palasyo.

A Fairy Tale Like WorldWhere stories live. Discover now