"Bakit Class-A at tayong mga alphas lang?" wala sa sarili'ng tanong ni Razer dahilan para batukan siya ng pinsan.

"It's because the other class is already there and maybe... just maybe, the students can't fight anymore because we're already losing!" pananakot ni Mille sa pinsan, nagdilim naman ang ekspresyon ni Razer at agad na sumugod palabas. Ganito lagi ang ginagawa ni Mille para umatake agad si Razer, ang ayaw kase ni Razer ay ang natatalo.


"Let's go" sumunod na kami kay Kalix ng lumabas ito at prenteng naglalakad papunta sa main gate. So far, wala pa namang nakakapasok na Dark Creatures sa loob ng school. Nasa main gate pa sila.





Lhyre's PoV

Kakatapos ko lang maligo at akma ko na sanang gigisingin si Iaxah na tulog mantika pa ng bigla ko'ng marinig ang boses ni Headmaster sa speaker na nasa loob ng dorm.



"Attention to all students! There's an attack of Dark Creatures! Alphas and Class-A, please proceed to LU's Main gate."

"Attention to all students! There's an attack of Dark Creatures! Alphas and Class-A, please proceed to LU's Main gate."



Agad ko'ng ginising si Iaxah at kahit gulong-gulo pa ang buhok ay hinila ko na siya palabas.

"What's happening?" naguguluhan niyang tanong.

"Inaatake na tayo ng Dark Creatures!" sigaw ko dahilan para matigil kami sa pagtakbo dahil tumigil siya, gulat na gulat ang ekspresyon.

'Bakit ba ang ganda niya pa'rin kahit di pa siya nanunuklay at nakapaghilamos?'

"WHAT?!" buong-lakas niyang sigaw ng makabawi sa pagkagulat na lumikha ng malakas na impact sa buong paligid. Napatakip ako sa tenga, parang nagi-echo ang boses niya and until now ay hindi pa'rin nawawala ang pagdagundong ng kanyang boses.

Hinila niya ako at tumakbo patungo sa main gate, nakita namin ang mga estudyante na kapwa pinipigilan ang mga dark creatures na makapasok sa loob ng Unibersidad.

"Paano sila nakaakyat? Hindi ba't sabi niyo ay protektado ang buong University, kabilang na ang gate?" may pagtataka niyang tanong. 'Teka, Bakit ko ba siya sinama eh di pa naman siya nakakapag ensayo?'


"Hindi ko din alam" sagot ko na lang at tumulong na sa pagpigil sa mga dark creatures.

Matapos ang ilang sandali ay may mga golemns na ngang nakapasok kaya't nakipaglaban na kami habang si Iaxah naman ay gulat na gulat at tila ba nandidiri habang nakatingin sa mga golemns na kinakalaban namin, kabilang na ang mga alphas.

Matapos mapatumba ang isang golemns ay saktong napalingon ako kay Iaxah na nasa ganoon pa'ring posisyon habang may papalapit na golemns sa kanyang likuran. Akmang hahagisan ko na iyon ng apoy ng biglang... sa hindi inaasahan... ay pinalibutan si Iaxah ng nakakasilaw na liwanag na lumalabas ng mga boltahe ng kuryente dahilan para matumba ang golemns na nasa kanyang likod.


Ang mga mata ni Iaxah ay naging purong ginto na mayroong asul na kislap, bawat Dark Creatures na dinadaanan niya ng tingin ay natutumba dahil nakukuryente ito kahit ang mga Dryads at iba pang golemns na paakyat sa pader ng main gate ay nahuhulog. Lahat kami ay gulat na nakatingin sa kanya, hindi makapaniwala sa mga nakikita.

"Sino ba talaga siya?" wala sa sariling naitanong ni Zhasienne na nasa tabi ko lang nila Alissy.

"Ang cool ng powers niya!" manghang sabi ni Alissy.

Naglakad si Iaxah palapit sa main gate at hinawakan iyon.

" Άντε χάσου " bulong niya bago kumalat sa buong pader ang bultahe ng kuryente'ng nagmumula sa kanyang katawan.

[Translation: Get lost]

Hindi pa'rin kami makapaniwala, kahit si Headmaster ay manghang nakatingin sa kanya, ganun na din ang mga estudyante'ng nakatayo lamang at gulat siyang pinanonood.

Tumingin siya sa amin bago mawala ang liwanag at kuryenteng nasa kanyang katawan. Nagulat nalang ako ng bigla siya'ng matumba at mawalan ng malay. Mabilis naman siyang nilapitan ni Myles at akmang bubuhatin sana ngunit nakuryente siya dahilan para mabitiwan niya ang kamay ni Iaxah.

"Nangunguryente siya" ani Myles.

"She exceed her limit that's why she became unconcious. Only electric manipulator can touch her" ani prince Kalix na walang kaemo-emosyon.

"So she's an electric or lighting manipulator?" Asked princess Trisha. Kumibit balikat lang Kami.

"Ako na ang magbubuhat" lumapit si Kiel, mula sa Class-A. Isang electric manipulator.

Binuhat niya si Iaxah at dinala sa infirmary.




"I'm not expecting her to be that powerful" ani Eric, napailing nalang ako. Kahit ako'y di iyon naisip.





Missing Princess of XenoaWhere stories live. Discover now