Second Time Around

2 1 0
                                    

Second Time Around
Short Story of

@GwaposiJace

Nakatingin lamang ako sa screen ng laptop ko hinihintay ko kasi yung kameeting ko,Tumingin ako sa phone ko at fifteen minutes ng late .Hindi sinasadyang napatingin ako sa pintuan at mula dito ay pumasok ang isang lalaki .

Shit Anong ginagawa niya dito?

Tumingin ito sa akin at kumaway ,Tumingin ako sa aking likuran baka sa iba ito kumakaway ngunit nasa dulong bahagi ako ng coffee shop kaya sigurado akong mag isa lamang ako sa corner ng coffee shop.

"Long Time No see . Ms .Julian"

Nakangiti nitong sabi bago umupo sa upuang nasa harapan ko.

"Ikaw ba yung kameeting ko?" Tanong ko sa kanya .

"Ako nga" Hindi nawawala ang ngiti sa labi nito dahilan upang umiwas ako ng tingin .Inayos ko ang sarili ko at pinilit na maging ayos lang ang lahat .

"Ikakasal ka na pala ,nasaan ang bride?" Tanong ko sa kanya at habang nakatingin sa laptop ko na kahit wala naman akong ginagawa .

"May important meeting lang si Sarah kaya hindi makakapunta but anyway  so how's your life Julian?" Napakuyom na lang ako ng kamay at pinipilit na maging mahinahon .

Pwede bang hampasin siya ng bangko kahit isang beses lang ,Kamusta ako?Kamusta nga ba yung iniwan niya sa ere at hindi na binalikan pa?

"Ayos lang naman" Tipid kong sabi sa kanya .

"May boyfriend ka na ba?" Muntik ko ng maitapon ang hawak kong kape sa naging tanong nito .

"Wala pa ,kasi hinihintay kita" Sagot ko sa kanya hindi ko na lamang sinabi ang huling salita dahil baka sabihin niyang hindi pa ako nakakamove on.It's been a year simula ng mawala ito at hindi na nagparamdam and now malalaman ko lang na ikakasal na siya.

"Anyway based on sa pinili niyong design ng venue ,Set C siya diba?" Pinigilan ko na itong magsalita pa at ako na lamang ang nagpatuloy magsalita .

I need to end this meeting quickly ,Dahil anytime sigurado akong iiyak lamang ako.

"Yes ,It's Set C yun kasi yung gusto ni Sarah para sa magiging kasal naming dalawa"

"Ga-ganun ba" Pinilit kong hindi magcrack ang boses ko ngunit hindi ko parin pala kaya ,Still masakit parin na malaman mong ikakasal na yung taong mahal mo sa ibang tao at hindi sayo.

"Are you —"

"Sa tingin mo ba talaga,Okay ako CJ ,Okay ako na malaman kong ikakasal kana ,after mong mang ghosting ng dalawang taon ,walang paramdam bigla ka na lang nawala tapos ngayon ikakasal kana!"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at maging ang mga luhang pumapatak sa aking pisngi ay hindi na kayang pigilan pa ng mga kamay ko.

"I'm sorry Julian" Mahina nitong sabi dahilan upang mapapikit ako .

"I think this is enough na CJ ,Akala ko may babalikan pa ako ,akala ko pag umuwi na ako ng pilipinas mahahanap pa kita ngunit mali ako,Anyway congrats kasi ikakasal kana" Umiiyak kong sabi sa kanya.

Second Time AroundWhere stories live. Discover now