chapter 1

22 0 0
                                    

Dahil sa nabuntis si Marie ng maaga kailangan nila magpakasal ng boyfriend niyang si George. Wala pa naman sa plano nila na magpakasal dahil nga sa pamilya ni George. Gusto sana ipalaglag ni George ang dinadala ni Marie pero ayaw ni Marie. Di bale na daw kung walang ama kaysa magpakasala.

Nakalimutan kasi ni Marie na uminom ng pills at dahil narin siguro sa init ng ulo niya. Isa pa madalas naman may mangyayari sa kanila ni George. Kaso sa pagkakataon na yun bago pa natapos ang regla ni Marie. Kaya ayun may nabuo. Kaya walang nagawa si George kundi magpakasal sila ni Marie at sa huwes ang napili nila dahil kaunti lang ang kwarta ni George.

"Ito lang ang sweldo mo?" Tanung ni Marie sa asawa niya. Madalas na kasi ang iniintrigo sa kanya maliit lang.

"Kinaltasan sa oposina eh, tas bibigyan ko pa sila inay" sagut ni George.

"Hanggang kailan George? Hanggang kailan ka magbibigay sa kanila? Kung ganito ang ibibigay mo sakin. Hindi tayo makabuo ng sariling bahay natin".    Saka bumuntung hininga si Marie.

"Sige lang pagsasabihan ko sila"  sagot ni George.

Naawa na masyado si Marie sa asawa niya. Ilang taon na ito nagtratrabaho pero walang ipon dahil napupunta sa pamilya niya ang sahud nito. At kung may natira ito sa kanya panggasolina nlng minsan kulang pa.

Tinitigan niya ang asawa niya. Siguro panahon na para malaman nito.

"Love?". Tawag ni Marie sa nakahiga na asawa sa kama.

"Hmmn" sagut nito na nakapikit.

"Anu nalang kaya kung lilipat tayo ng bahay?"   Napakagat labi si Marie sa sinabi niya na agad naman bumangun ang asawa niya.

"Anung sinabi mo? Lilipat tayo ng bahay? Saan naman? Magrerenta? Marie hindi pwede. Maliit pa nga ang sahod ko" sagut ng asawa niya.

"May bahay kasi ako iniiponan ko. I mean hinulog hulugan ko. Nung dalaga pa ako nung nagtrabaho pa ako?"  Sagut ni Marie kay George.

"Hindi naman sa ayaw ko dito sa inyo syempre lumalaki na ang baby natin. Isa pa para matuto ang pamilya mo. Hindi ka ba naawa sa sarili mo?"  Dagdag ni Marie.

Tahimik lang si George. Bigla siya nitong niyakap.

"Ang akala ko kasi magrerenta tayo ng bahay" sagut ni George.

Ngumiti si Marie. Alam niya kasi pagtahimik si George nahihiya ito.

"Wag kanang mahiya. May sarili ka ng pamilya na bubuhayin mo." Hinalikan siya ni Marie sa pisngi.

"Salamat love" sagut ni George sa kanya.

Nilingun nila ang baby na masarap ang tulog nito.

Nauna ng lumabas si George. Sumonod naman si Marie. Napangiti siya sa lihim at nararamdaman niya na magaan na ang kalooban ni George sa sinabi niya.

"Anung ngiti ngiti mo diyan?"  Ang byenan niya. Na minsan mabait madalas masungit.

"Wala naman ho inay may iniisip lang" sagut ni Marie.

"Tigil tigilan mo yan para kang baliw" dagdag ng byenan niya saka tumalikod na ito.

Agad inasikaso ni Marie ang bahay na nilipatan nila. Pinalagyan niya ito ng kurente at tubig. At ang exist nito binayaran narin niya sa pagkuha niya nito.

Pinalagyan niya rin ng gate kahit wala pang titira sa bahay niya.

Hindi pa niya sinama ang asawa niya dahil busy pa ito sa trabaho niya.

"Marie? Ikaw pala yan? Anu lilipat kana?" Tanung ng kapitbahay niya.

"Oho manang kailangan eh"  sagut niya sa matanda.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Newly LifeWhere stories live. Discover now