CHAPTER 16

226 12 0
                                    

Spy pov

Ako nga pala si maring ako si agent 002 nagtatrabaho ako sa PSI or private spy investigator  na nagmamanman ng palihim at napapunta sa akin ang kaso nina Kyle kaya naman namasukan akong katulong dito sa mansion ni luciano.

Kaya naman maayos ang aking katayuan dito at nakakapag report ng madalas pero isang pangyayari ang hindi ko magawang ireport at yun ay ang pagbubuntis ng anak na tagapagmana ng montesano

Medyo naguguluhan pa ako kaya naman nananatiling sikreto ang pagbubuntis niya at isa pa nahihirapan narin akong mag manman sapagkat bihira na lang lumabas si Kyle, di tulad ng dati na nakikita ko siya kaya kinakabahan ako dahil , baka masisante ako sa trabaho ko.

Pero sana hindi yun mangyare . Gagawin ako ang lahat Para hindi ako matanggal sa  samahan namin at sisiguraduhin kong sa susunod na pagrereport ay  masasabi kong buntis na ang tagapagmana ng Montesano

Kasalukuyang narito ako sa kusina pinag hahanda si Kyle ng umagahan kaya naman hindi ko dapat ipahalata ang sadyang pakay ko dito sa mansion na ito

Kailangan kong umasta na parang normal na kasambahay dahil isang maling galaw lamang ay maaari akong matanggal bilang kasambahay at pag nangyari dun matatanggal din ako sa pagiging PSI  kaya dapat maingat ang galaw

Nang natapos na ang pagluluto ko ay nilagay ko na ito sa Plato para ihain kay kyle nang sa ganon makaakyat na siya sa taas dahil hindi daw siya pwedeng ma stress bilin samin ng amo naming si Luciano At kailangan namin yung sundin
Naputol lang ang pagtitig ko rito ng bigla itong nagsalita

"Hmmm pwede mo ba akong sabayan kumain?" Pag mamakaawa nito kaya naman hindi ko alam ang isasagot ko ,minabuti ko na lamang na sumabay sa pagkain. Baka ako pa ang maging dahilan para ma stress to mahirap na .

Tahimik lang kaming dalawa at tanging kalampag lang ng pinggan ang naririnig sa hapag. Nang matapos kaming kumain
Ay umakyat na ito sa kuwarto at ako naman ay niligpit ang pinagkainan para hugasan .

Dahil wala nang gagawin ay nagpunta na lamang ako sa maids room kung saan nandon din yung mga ibang maids ,wala kaseng masyadong ginagawa kaya namahinga na lamang ako at natulog

Kyle's pov

Nandito ako sa kuwarto at nag iisip habang hinihimas ang aking tiyan
"Excited na kong makita ka baby" wika ko habang nakangiti ,wala kase si Luciano may aasikasuhin daw kaya naiwan ako dito kasama ng mga maids

Pero sa kabila non iniisip ko parin kung anong balita sa umampon sakin kung ano na bang kalagayan niya at King okay lang siya pero di ko dapat isipin yun dahil baka ma stressed ako at makasama sa anak namin kaya matutulog na lamang ako.

" I love you baby "wika ko bago ko pinikit ang mga mata ko.

THAT BILLIONARE MAFIA [COMPLETED]  [BXB] Where stories live. Discover now