CHAPTER 15

270 14 0
                                    

Chapter 15

Someone 's pov

"Mr.madrigal sigurado po ba kayo na nasa mabuting kalagayan ang anak namin? "Pag tatanong ko na may halong pag-aalala
"Wag na kayong mag alala alam kong nasa mabuti siyang kamay kaya naman wag na kayong mag isip ng kung ano ano dyan at isa pa apo ng mafia ang nagaalaga sa anak niyo kaya wala tayong dapat ipag alala"mahabang Saad nito kaya naman kahit papaano nawala ang kabang nararamdaman ko

"Kung ganon maraming salamat at di mo kami binigo kaya bilang kapalit sayo na ang isang kumpanyang pag mamay ari namin ,wag kang mag aalala sapagkat pede maging partner sa business kaya tiyak akong hindi yun maluluge" bilang ganti ko ito sa pagiging tapat at pagsunod niya sa bilin ko

"Maraming salamat po master at tumupad din po kayo sa pangako niyo ,pinapangako kong aalagaan at huhusayan ang paghawak sa kompanya ,kung ganon aalis na po ko master babalitaan ko na lamang po kayo kung anong Lagay ngayon ng anak niyo" pagpapaalam nito kaya naman tanging pag tango na lamang ang isinukli nito at ng makalabas ito ay napabuntong hininga na lamang ako.

"Hayss anak sana pag nag Kita tayo mapatawad mo kami ng iyong ama sapagkat nung mga panahong iyon ay maraming nagtataka sa buhay ng ama kaya naman kinailangan ka naming ilayo nang sa ganon hindi ka madamay sa gulong kinahaharap namin,at ngayong tapos na ang laban sa pagitan ng namin at ng mga mondragon maaari na tayong magkasama muli ako at ang iyong ama ay mamumuhay ng tahimik at payapa" hanggang sa diko na namalayan na may mga butil na ng luha ang mga mata ko kaya agad ko itong pinunasan bago tumawag sa aking minamahal na asawa.

"Babe good news nahanap na si Kyle ang anak natin at nasa mabuti siyang kalagayan kaya wala na tayong dapat ipag -alala kaya naman makakahinga na tayo ng maluwag " masayang wika ko dito bago ko ibinaba ang telepono para lumabas na ng opisina at umuwi

Ff

Nakarating na ako sa mansion at sinalubong na ako ng aking butihing asawa ng isang matamis na halik at isang mahigpit na yakap

Nang matapos na kaming kumain ay napag pasiyahan na naming mamahinga sapagkat madami pa kaming gagawing mahahalagang bahay bukas.

FLASH BACK

kahit hindi kami makapaniwala na nabuntis siya ay masaya ako sapagkat magiging ama na ako at ganon din siya

Oo isa siyang carrier na pwedeng mabuntis kahit lalaki siya. Kaya kahit hindi siya makapaniwala ay tinanggap parin niya ng buo ang anak namin.

Yun nga lang hindi mawawala ang problema ,dahil pagkapanganak palang sa kanya ay kinailangan namin siyang ipaalaga sa iba sapagkat ayaw namin siyang madamay sa gulo. Kaya ang naisip naming paraan ay ipaalaga siya sa pinagkakatiwalaan naming alalay at pag tungtong niya ng tamang edad ay ipag bebenta siya sa bentahan ng mga lalaki at babae ng sa ganon kahit balikan nila si madrigal ay wala na si Kyle sa poder niya

Oo nandon ako sa bodega kung saan pinagbenta si Kyle at nakita ko rin kung sino yung bumili sa anak ko kaya naman kahit hindi ko alam ang pagkakakilanlan nito ay alam kong may mabuti itong puso at alam kong magiging maganda ang buhay ng anak ko sa kanya Kaya naman

Ang tanging ginawa ko na lamang ay pinamanmanan ko ang taong bumili sa anak ko ng sa ganon kahit hindi ko ito nakikita ay may nag sisilbi akong mata at tenga na malapit sa anak ko.

THAT BILLIONARE MAFIA [COMPLETED]  [BXB] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon