Nagulat ako nang makita si Dad na may kasamang apat na bodyguards. Sumalubong siya sa amin sa entrance at galit na pinapaalis ang mga taga media.

"Leave this building now! Padaanin ninyo ang anak at apo ko!" His voice thundered.

Nang makapasok kami ay agad na silang tumahimik.

"Are you okay?" Jared immediately asked us. I nodded in return. Iniabot sa akin ni Manong driver ang shoulder bag ko.

"Thank you po, manong."

"Walang anuman, Cleine. Sige na babalik na ako sa mansion."

"Sige, manong. Salamat sa paghatid sa kanila." ani ni Jared. Napatingin ako kay Daddy na nag aalalang nakatingin sa amin.

"Bakit naman Jared hindi mo na lang pinigilan na pumunta ang dalawang 'yan dito?!" singal niya.

"Nagpumilit po ako, Dad. Hindi ko rin po kasi alam na bawal pala kaming makadaan sa groundfloor dahil may renovation ang parking doon."

Bumuntong hininga na lang siya at pinasunod kami sa kanya.

Pupuntahan muna namin si Mommy at ang tatlo na nasa studio. Bini briefing na kasi nila ang papalit sa kanila sa banda. Nagdecide kasi sila na umalis na dahil ang gulo daw ng industriya na 'yon.

Napairap ako sa sinabi nila. Paanong hindi gugulo kung kanya-kanyang issue ang dinadala nila. Isa pa ay si Cloud and Jared na ang acting CEO ng CRL at NBR kaya kailangan talaga nilang bitawan ang banda. At least Jared fulfill his sister's dream kahit sa sandaling panahon lang.

"Hi! Ganda." Louie shouted and I just rolled my eyes at him. Hindi talaga siya titigil sa kalokohan niya.

Napansin ko naman si Vince na may inaabangan sa likuran. "Sorry, Vince, mukhang kasalanan ko pa yata na hindi ko kasama ang bestfriend ko."

Agad niya akong sinamaan ng tingin na tinawanan naman nila Cloud and Louie. Nilapitan ko si Jared na kausap ni Mommy.

"Mom,"

"Let's go to the office? Doon na tayo magkwentuhan."

Tumango ako at sumunod kay Mommy. Nakita ko rin na sumunod si Jared ngunit hinatak siya ng tatay ko. Hanggang sa makarating kami sa office ay rinig na rinig ko ang pagalit ni Daddy kay Jared.

"Daddy naman tigilan mo na si Jared!" Inis na turan ko dito. Parang gusto niya kasi talagang patayin.

He raised his brow as seriousness written on his face. I didn't know what to do anymore, kahit pagsagot niya ay pabalang at parang nanunuya.

Nakatulog na lang ang anak ko ay hindi pa rin sila matapos.

"Grabe! Nakalimutan niyo ba kaming pasunurin dito." Ani Cloud at umupo sa tabi ko.

Dad's brow arched up. "At paano ang mga batang bini briefing niyo?"

Proud na ngumisi si Louie. "Tapos naman na tito. May iba na ang magto tour sa kanila roon."

Natawa ako nang inirapan niya lang si Loui.

"Cleine, baka nangangalay na 'yang kamay mo?" I throw him a knifing look. Hindi talaga siya titigil sa kakaasar ng mabigat sa anak ko. Kasalanan ko bang malusog ito?

"Shut it, Louie. Don't start with her. Sasapakin kita." Jared uttered.

Ngunit si Cloud na mismo ang tumayo at sumapak dito. Hindi ko na inintindi ang pagmumurahan nila sa harap namin. Naiiling na nagpaalam muna si Mom na lalabas lang saglit.

Nawala ang atensyon ni Dad kay Jared kaya ang isa ay matamang lumapit sa akin. Subalit napahinto siya nang magsipasukan sila Maddy at ang magulang ni Jared.

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon