5

NAGLALAKAD si Hazelle pauwi galing sa panciteria nang mapansin niyang may nakasunod sa kaniya kaya naman ay huminto siya upang sigurohin na sumusunod nga ito.

Kalat na ngayon sa kanilang bayan na maraming masasamang tao ang nagpapakalat-kalat sa kung saan at pumapatay ng mga inosenteng taong walang kalaban-laban kaya naman ay kinakabahan siyang baka kung anong mangyari sa kaniya at hindi niya na maaasekaso pa ang mga kapatid niya.

Nang mapansin na hindi rin ito naglakad ay nagsimula na ulit siyang maglakad at gano'n din ang lalaki. Hindi na ito pinansin ni Hazelle dahil hindi naman siya nito ginagalaw ngunit may kaba pa ring naiiwan sa kaniyang dibdib.

Pagkapasok ni Hazelle sa kanilang munting bahay ay agad niyang sinara ang pintuan at sumilip sa isang maliit na butas doon kung saan kitang-kita niya ang lalaking nakangiti habang may tinatawagan. Wala pa ang mga kapatid ni Hazelle kaya naman ay nakaramdam siya ulit ng takot na baka ang mga ito ang punteryahin ng lalaki kaya naman ay nilakasan niya ang loob niya at nilapitan ang lalaki na ngayon ay nabigla sa biglang pagsulpot niya sa harap nito.

"Sino ka?! Bakit mo ako sinusundan?!" Matapang na tanong niya sa lalaking sa tingin niya ay kaedad niya lang. Hindi naman ito masamang tao kung tingnan ngunit para sa kaniya ay mahirap ang magtiwala kung panlabas na anyo ang pagbabasehan, baka nasa loob ang kulo.

"Ilang araw na kitang nakikitang sunod nang sunod, ano bang kailangan mo sa'kin?!" Tanong ulit ni Hazelle sa binata ngunit hindi pa rin ito sumagot at nanatiling gulat ang reaksyon. Totoong ilang araw niya na itong napapansin at sa mga araw na 'yon ay hindi niya pa muna ito pinapansin.

"Gusto mo bang tumawag ako ng police ha? Alam mo bang masama ang maging stalker? Lalo pa't wala naman akong atraso sa'yo at hindi kita kilala!" Akmang hahawakan ni Hazelle ang balikat nang binata nang umatras ito.

"W-wait! Calm down, okay?"

"Ano? Pagkatapos mo akong sundan?"

"Huminahon ka. Before you get mad, you should know why I am following you."

"Malaman ko man o hindi ang rason mo, mali pa rin na sinusundan mo 'ko." Nagulat si Hazelle nang biglang ngumisi ang lalaki, ngunit napalitan lamang ng inis 'yon nang mapagtantong maaaring iniinis lang siya nito sa pamamagitan ng pagngisi.

"Kung tatawag ka ng police, miss...pwedeng bumaliktad at kayo ang huhulihin." Napakurap ang dalaga sa sinabi ng binata.

Maaari...ngunit paano?

Nanatili silang nagkatitigan sa isa't isa nang biglang nagsalita muli ang binata na mas ikinagulat ni Hazelle.

"Yung mama at papa mo, nagsusugal at lumalabag sa curfew. Ang mga kapit-bahay niyo ay alam ang tungkol dito. Kung tatawag ka ng mga police ngayon, hindi ako magdadalawang isip na baliktarin ang pangyayari."

"Ano?"

"Miss, pwede kong sabihin na ini-stalk nga kita, pero pwede ko ring sabihin na ini-stalk kita dahil napapansin ko ang paglabag ng parents mo sa batas. Illegal ang pagbebenta ng druga, illegal din ang pagsugal, hindi ba?" Nagulat si Hazelle sa sinabi ng binata.

Kung paano nitong nalaman na hindi lang pagsusugal ang ginagawa ng mga ito, kung paano nitong nalaman na nagbebenta ang mga ito ng druga. Alam ni Hazelle ang tungkol dito at kahit ayaw niya mang tanggapin ay kailangan dahil para sa mga magulang niya, ito ang paraan nila para mabuhay sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forgetting the PastWhere stories live. Discover now