4

"TALO na naman, malas talaga." Sabi ng ina ni Hazelle, napabuntong-hininga si Hazelle nang makitang nakahiga ito at hindi na malarawan ang mukha dahil natalo ito sa tong-its.

Hindi parin nakauwi ang ama niya na alam niyang sa kaibigan na nito nakitulog, nag-alala man ngunit walang magawa si Hazelle para dito.

Nagluto na ng hapunan si Hazelle nang makauwi ang kaniyang ina, ang kaniyang dalawang kapatid naman ay kakauwi lang galing paaralan. Nagsisikap rin si Hazelle upang mapa-aral ang dalawa niyang kapatid dahil alam niyang ang dalawa nalang ang aahon sa kanila sa hirap.

"Ate, top 2 po ako!" Winagayway ni Hayna ang kaniyang certificate sa harap ng ate niya, agad namang tinaggap ni Hazelle ang certificate at ngumiti. Mataas ang marka ng kapatid niya at sapat na ang pagiging top 2 sa kaniya.

Hindi naman aayon sa grado ang magiging paraan upang aahon sa hirap, nasa tao ang gawa. "Very good, sa susunod ulit ah, proud si ate sa'yo!" Sabi niya at ginulo ang buhok ng kapatid niyang tumatawa narin.

Inilabas naman ng isa niyang kapatid na si Hanze ang certificate niya at nahihiyang ibigay 'yon sa kaniyang ate, nang tignan yun ni Hazelle ay napangiti siya.

Top 5 si Hanze at para kay Hazelle ay malaking karangalan na 'yon dahil alam niyang ginawa ni Hanze ang lahat upang masali lang sa top. "Proud din si ate sa'yo." Ginulo pa nito ang buhok ng kapatid habang nakangiti.

NAGPAPAHANGIN si Hazelle sa labas habang nakatingin sa kalangitan. Tapos na siyang magsaing para sa hapunan nila at nagpresenta naman ang ina niya na ito na ang magluluto ng ulamin. Ang mga kapatid naman niya ay ginagawa ang kanilang mga takdang aralin at ang ama niya ay wala parin.

Habang nagpapahangin ay naisip ni Hazelle na mag-aral ulit, ngunit ang problema naman ay wala siyang sapat na pera, nais niya sanang kumuha ng exam para maging isang scholar pero iniisip niya rin ang mga kapatid niya.

Siya naman kasi ang nag-aalaga sa mga ito kapag umaga na, ang kaniyang ina ay palagi lang namang pinagpupuyatan ang pagsusugal.

Bigla nalang nagulat si Hazelle nang sumulpot ang mahiwagang bata sa gilid niya na malungkot at parang may iniisip. Dahan-dahan nitong binaling ang tingin sa kaniya.

"Nakakalungkot lamang isipin na ang buhay na nararapat sa iyo ay napunta sa kaniya nang dahil sa inyong pangako." Hindi maintindihan ng dalaga ang sinabi ng bata kaya naman ay tinagilid niya pa ang ulo niya.

"Nais mong matuto ngunit wala kang sapat na salapi upang gawin ito, kung gayon ay nararapat lang na 'wag kang mag-aral sapagkat 'yan din ang naging buhay niya noon." Magtatanong at sasagot pa sana si Hazelle nang bigla itong naglaho na hindi niya na ikinagulat pa.

Isang katanungan na nabuo sa kaniyang isipan ay kung bakit sinabi ng bata na ang buhay sana na dapat sa kaniya ay napunta sa kung sino nang dahil lang sa kanilang pangako.

Ngunit hindi siya kailanman nagbitaw ng pangako nang may kasama, nangangako lamang siya sa sarili niyang mapatapos ang dalawang kapatid.

Pilipinas taong 1890

"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na hindi ka maaaring umalis dito nang walang pahintulot ko, Alira?!" Nagagalit na ngayon ang ama ni Alira nang malaman nitong siya ay umalis nang walang pahintulot galing sa ama.

Naging tahimik lang si Alira sa buong pangaral ng kaniyang ama. Nakayuko habang kinukuskos ang sariling palad sa kaniyang saya. Naiinis na rin ang kaniyang ama dahil sa katahimikan niya ngunit hindi nito magawang higitan ang galit sa anak dahil nangingibabaw pa rin ang kaniyang pagmamahal.

Forgetting the PastWhere stories live. Discover now