2

LUMULUTANG hanggang ngayon ang isip ni Hazelle matapos ang pag-uusap nila ng bata na di niya parin kilala noong nakaraan.

Bumabagabag sa kaniyang isipan ang lahat ng sinabi ng bata dahilan upang mawala na siya sa focus bilang serbidora ng isang kilalang kainan sa kanilang bayan.

Hindi narin siya nanaginip at ang huli niyang panaginip ay ang babaeng tinatawag ng marami na 'señorita Alira'. Nais niya sanang mapanaginipan 'yon ulit at gabi-gabi ay pinipilit niyang magkaroon ng panaginip ngunit tila siya ay hindi napagbibigyan.

"Adobo at isang kanin, ija." Nabalik lang siya sa ulirat nang tawagin siya ng matandang lalaki. Tila pamilyar sa kaniya ang mukha nito at doon niya lang napagtanto na ito ang kanilang Mayor.

Kilala ito bilang isang napakabuting Mayor sa kanilang Lungsod, kahit na mayaman naman ito ay pinipili nitong kumain sa mga kainan at hindi sa restaurant. Wala rin itong bantay kapag lumalabas dahil ayaw nitong may bumubuntot sa kaniya. Meron itong anak na lalaki ngunit hindi pa nakita ni Hazelle.

Sino ba naman siya para makita at makilala ang binatang nasa mataas na uri?

Hinatid niya na ang order ng mayor at buong galang na nilagay 'yon sa mesa. Pinagmasdan naman siya ng Mayor, sa isip nito ay tila ba kinatatakutan siya ng dalaga kahit wala naman siyang ginagawang masama.

Pinuntahan nalang ni Hazelle ang ibang customer at sini-serve ang mga nais nilang pagkain. Pinipilit niyang gawing focus ang sarili niya sa ginagawa niya pero nakaramdam siya ng pagod.

Pinili niya nalang na magpaalam sa namumuno ng kainan at pinahintulutan naman siya nito, idinahilan niya lang na masakit ang katawan niya at hindi niya kayang magtrabaho.

Nang lumabas siya sa kainan ay bumungad sa kan'ya ang mga taong masayang namamasyal, magpa-pamilyang nagtatawanan habang nagk-kwentuhan. Naisip niya tuloy kung mararanasan niya ba na makatawanan ang kaniyang magulang tulad ng nakikita niya sa magpa-pamilya ngayon gayong palagi lang itong lulong sa kani-kaniyang mga bisyo.

Naglakad nalang si Hazelle pauwi, hindi alintana ang init na dumidikit sa kaniyang katawan kay'sa naman ay gumastos pa siya ng pamasahe para hindi masinagan ng araw. Naniniwala rin siya na may dalang bitamina ang araw kung kaya't pinipili niya na lamang ang maglakad.

Bukod do'n, ayaw niyang magwaldas ng pera dahil kailangan pa nila ng bigas at ulam na kakainin.

Habang naglalakad ay may humintong kotse sa di naman malayo sa kan'ya, nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang pinagmasdan ang kotseng 'yon. Laman no'n ang isang makisig at guwapong lalaki na kakalabas lang na tila ba may hinahanap.

Hindi 'yon pinansin ni Hazelle at ibinaling sa daan ang tingin, may iilan narin siyang nakasabay sa paglalakad nang bigla na lamang siyang masagi ng isang matigas na bagay dahilan ng pagkatumba niya.

Maraming mata ang nakakita na tila ba para sa kanila ay ang pangyayaring 'yon ang bagong isyu sa kanilang bayan.

Mga mata ng mga dalaga na matalim ang tingin kay Hazelle ng tulungan ito ng hinahangaan nilang lalaki.

Napaangat naman ang tingin ni Hazelle sa lalaking humawak ngayon sa braso niya. Bigla na lamang siyang nainis dahil ayaw na ayaw niyang hinahawakan ang braso niya ng mga taong hindi niya naman kilala.

Ngunit nang makita ang maaliwalas na tindig ng lalaki ay napalitan ito ng hiya. Napagtanto niyang nais lang naman siyang tulungan nito at wala nang iba.

Pati ang lalaki ay nagulat nang makita ang dalaga, tila ba matagal niya nang nakita ang dalaga at pinag-krus ulit ang landas nila.

Ngunit hindi

Forgetting the PastWhere stories live. Discover now