05.🚪🏷️

29 4 1
                                    

05.
doors and labels
_____

The two were still silent when they reached the basement of their condominium tower, but their silence was nowhere near as tense as before. Sabay silang naglakad papunta sa elevator habang bitbit ang mga helmet matapos ipark ang motor.

"Gusto mong maglugaw?" Nico asked as they watched the elevator floor counter go 5, 7, 8, 10, 14, ... Silang dalawa lang ang naroon kaya malaya silang nakapag-usap.

"Doon kakain o take out?" Denver asked back.

"Ikaw bahala."

"Pwede take-out?"

Nico nodded. "Ako na bibili," anito sabay abang sa pinto ng elevator nang ito ay bumukas sa 20th floor.

"Amin na gamit mo," ani Denver sabay lahad ng kamay para kunin ang mga gamit ng kasama. Nagulat siya nang imbis na iabot ang helmet at bag ay hinawakan kamay nito ang kaniyang kamay.

"What if ikaw na lang 'yung dalhin ko?"

Denver quirked an eyebrow. "Akala ko ba'y frustrated ka sa 'kin?"

"Edi make it up to me," Nico said with a pout, tugging Denver's arm. "Dali."

Denver huffed. Nagsimula nanaman siyang masungit para itago ang kilig ngunit nagulat siya nang lumuhod si Nico sa harap niya.

"Huy," untag niya rito.

"Dali na," nakanguso pa ring sabi ni Nico.

Umirap si Denver. "Para kang gago."

"Edi hindi. Nag-effort pa 'ko." Tumayo na si Nico't pinagpagan ang tuhod. Naglakad na ito palabas ng elevator at iniwan si Denver.

Urong sulong. Para silang nagchchacha kung mag-usap at kung magbdesisyon lalong lalo na sa kanilang relasyon. Parehong may sapak madalas at kunwari'y maangas kaya hindi sinasabi sa mga kabanda ang setup. Pero kapag sila lang, sa lugar na safe at secured sila pareho, lumalabas ang mga kulit na walang ibang napipikon kundi ang isa't isa.

"Huy, 'yung lugaw ko!" Pabulong na habol ni Denver dito.

"Bumili kang mag-isa mo," sigaw pabalik ni Nico na agad namang pinatahimik ni Denver dahil alas tres na ng umaga at malamang sa malamang ay tulog pa ang mga kapit-bahay nila.

"Hindi ka na talaga bibili?" genuine na tanong ni Denver nang mahabol ang kasama. Napahawak siya sa tiyan at naramdaman ang pagkulo ng kaniyang kalamnan. "Nagugutom na 'ko."

Mabilis na lumingon si Nico sa kasama. "May ingredients ka ba sa unit mo? Ipagluto na lang kita, tinatamad na 'kong lumabas."

Tumango si Denver at tumigil nang marating ang pinto ng kaniyang unit. Hinintay niyang tumigil din si Nico sa paglalakad at hindi nga siya nabigo. Ilang hakbang mula sa kaniya ay tumigil ito at umikot para makaharap siya.

"Iiwan mo muna ang gamit mo?" Denver asked.

Tumango si Nico. "At magpapalit ako."

"Okay..."

"Okay."

Muli na sanang tatalikod si Nico para pumunta sa sariling unit sa dulo ng hallway nang tawagin siya ni Denver at pinaghintay.

Denver quickly dropped all his stuff on the couch and ran to his room to get a sticky note. May sinulat siya rito bago tumakbong muli palabas ng hallway kung saan nahihintay si Nico.

He only left a few moments for Nico to process what was happening before their lips touched. There was a dazed look in Nico's eyes when they separated.

"Ano...?"

Denver smiled seeing Nico at loss for words. Inikot niya ito at mhinang tinulak papunta sa sariling unit. "Sige na. Balik ka ha."

Nico did not respond. Tulala itong naglakad papunta sa dulo ng hallway.

Denver watched him, admiring the note — no, label — stuck onto his back. The word Boyfriend, scribbled on it.

Paraiso [BL]Where stories live. Discover now