🌾 Chapter 4 🌾

1.9K 60 12
                                    

enjoy reading!

Alyeshia P.O.V





Nanigas ako sa aking kinahihigan ngayon ng gumalaw ito at mahigpit ang yakap sa bewang ko. Napangiwi naman ako at naghintay ng ilang minuto bago tanggalin ng dahan dahan ang kamay nito.



Punyawa, bakit ang bigat ng braso niya?



Alam ko namang pogi sya pero putangina bakit kailangan pang katabi sa higaan at yumakap yakap pa ng ganito? Akala ba niya kikiligin ako, shet lang ha! Ambigat niya.


Ano nalang sasabihin ng iba pag nalaman nila to. Ako ang echosera at naghahabol, ex fiance ko na nga tapos malalaman pang katabi ko sa pagtulog?



Lord, kung makakabalik man ako sa mundo ko, sana ngayon na. Promise po magpapakabait nako, di na ako magiging shunga-kunti nalang.


Tahimik lang akong nagdadasal sa tabi ng bwisit na male lead na ito ng bigla itong magsalita.



"Don't move " sabi niya gamit ang husky nyang boses sa akin. Kusa akong tumigil sa pagaalis ng braso nito sa tiyan ko. Pag tinatanggal ko naman kasi, wala pang ilang segundo nasa tiyan ko ulit. Mas humihigpit pa ang yakap.



"Young master, good morning. Can you remove your hands to me? Its mabigat" ginamitan ko ito ng malambing kong boses pero umusod lang to lalo sa akin at sumiksik pa sa leeg ko. What the hell, ano bang trip ng male lead na ito!??



Napaismid nalang ako sa ginawa nito at nagpipigil inis na pumikit. Imbis na yung nangyari kagabi ang maisip ko, eto pang lintik na katabi ko ang naiisip ko.


"Young master? Hey, wake up...I can't breathe" reklamo ko dahil humihigpit ang yakap sakin nito. Nahampas ko rin ng mahihina ang braso niya kaya naramdaman ko ang pagluwag ng yakap nito.


Hindi rin nagtagal ay umayos ito ng upo at tinitigan ako sa mga mata. Napaiwas naman ako ng tingin at inayos ang sarili.

I heard Veighn click his tounge before he out the bed. Dumeretso pa ito sa pinto dito sa loob ng kwarto. Panigurado akong cr yon dahil nakarinig ako ng tulas ng tubig ng makapasok ito.


Bumangon ako para di naman ako maabutan ng male lead na nakahiga sa kanyang malaking kama na parang kanina ay pinagsisiksikan namin na animo'y napaka liit lang nito.


Namumula ang pisnge ko. Ramdam ko iyon dahil nagiinit ito. Hinawakan ko ito sabay pisil at nanggigigil na pinagsabihan ang sarili.


"Tanga kaba Ashleigh wag ka ngang kiligin to para simpleng tabi sa higaan para ka ng gaga" mahinang usal ko dahil baka may makarinig sakin. Malay nyo may spy pala dito edi nayari na, tapos baka may makabasa pa ng mga iniisip ko edi lalong nademonyo.

Habang hinihintay ko lang matapos ang male lead sa banyo ay inayos ko rin ang aming hinigaan. Mahigit isang oras pa ata akong naghintay bago ko marinig ang pagpihit ng seradura ng pinto. Tanginang tagal.




Buti naman at natapos din daig pang babae kung maligo, dinaig pako. Wala pa ngang sampong minuto ako'y tapos na tapos siya isang oras! This is not acceptable. Parang mas nagmumukang ako ang lalaki at siya ang babae.



Nagkatinginan pa kami ng male lead bago ko siya lampasan. Diko nalang siya pinansin at diretsong pumasok na sa loob ng cr. Impyernes ha, ambango ng loob. Amoy na amoy mo ang panlalaking sabon at ang kanyang mamahaling shampoo. Tss, ano kayang brand ng shampoo niya? Magkano kaya ang halaga ng gamit ng lalaking? Milyon ba?



Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin