Matiim lang itong tumitig sa'akin at napabaling ito sa likod ko. I know he's looking to Bryan dahil tumalim ang titig nito.

"Babalik ako mamaya." Sabi nito at mabilis na umalis, Napanganga lang ako sa papalayong bulto nito.

"That twerp, subukan lang niyang bumalik. Matatamaan talaga siya saakin."

"Sinuntok mo na sana." Sabad ni Bryan na ikinangiti ko.

"Susuntukin ko na sana eh, pero nasa hospital tayo ayokong gumawa ng gulo. Nagtitimpi lang akong suntukin yun." Tumawa si Bryan dahil sa sinabi ko, at dahil ampangit tumawa ni Bryan. Napatawa den ako. So ayon kaming dalawa ang tumatawa na parang baliw.

"You two look stupid." Nandidiring sabi ni Logan na kalalabas lang. "Tatawag naba ako ng doctor para ipa mental kayo?"

"Baliw, mukha kang bading." Pang-aasar ko.

"Ako bakla? Hah! Mama mo."

"Sa pananalita mo para ka talagang bakla at tignan mo ang postura ngayon." Ang kamay kasi nito ay itinaas at sumandal sa pinto.
Parang siyang bakla sa pelikula.

Umayos naman ito ng Tayo at hindi nakapagsalita, Napailing nalang ako.

"Mabuti at hindi kayo nag suntukan ni Flynn, Bryan."Sabi ko at napa Buntong hinga.

"Katulad mo rin, ako ay nagtitimpi lang din na suntukin yun." Sabi nito.

"Okay lang ba si Leim?" Pag-iiba ko sa topic.

"Leim's Fine, sabi nang Doctor gigising na siya sa isang Oras." Sagot ni Logan na may hawak ng telepono.

Magsasalita na sana ako nang may naramdaman akong nakatingin sa'kin. Ipinalibot ko ang aking tingin at wala akong nakitang nakatingin saakin. Pero para talagang may nakatingin saakin,Parang may Mali.

"What's wrong?" Nakuha ni Bryan ang atensyon ko.

I forced a Smile. "Nothing. Sige Pumasok na kayo sa loob."

Tumango ang dalawa at pumasok sa loob ng kwarto ni Leim. Nakatingin lang ako sa dalawa na nag uusap hanggang maisira na nito ang pinto.

Ipinalibot ko ulit ang aking paningin ng may mahagip akong Babaeng Sa Di kalayuan. Fvck this creepy! Nag iwas ito ng tingin ng makitang nakatingin ako sakanya at Tumalikod na ito.

Nagmamadaling sinundan ko ito. Nasa labas na ako ng Hospital at Susundan ko pa sana ito na nagsimula ng sumakay sa Kotse, Nang may Humawak sa kamay ko.

Napamura ako ng matindi at Handa ng sisinghalan ang humawak sa'kin.
"Ano ba!" Naiinis na sabi ko, Habang tinitignan ang parte kung nasaan ang babae kanina. Napa mura nalang ako ng makitang wala na doon ang sasakyan.

"Meriana..." Malumanay na sabi nito. I know who's the owner of this voice, kaya nilingon ko ito.

"Ikaw nanaman?!" Galit na singhal ko kay Flynn.

Fvck! Sana nahabol ko yung babae kanina, kung hindi lang ako hinawakan ng gagong ito.

"Please Meriana, Gusto kong makita ang anak ko." Napasinghap ako ng lumuhod ito sa'king harapan, Hindi karamihan ang tao sa labas kaya nakahinga ako ng maluwag dahil may ibang mundo ang nandoon.

"Ano ba Flynn! Tumayo ka nga diyan!"

"Please Gusto kong makita si Leim. Oo na, Kasalanan ko na ang lahat Pero wag naman ganito." Pagmakaawa nito.

Fvck ang mukhang Daddy kung pumorma ay nagmamakaawa sa harapan ko. Ang haba naman ng hair ko.

"Tumayo ka Flynn." Pinatayo ko ito at nagpapasalamat sa diyos dahil tumayo ito.

"I'm sorry, Please Pwede ko bang makita si Leim. Nag aalala talaga ako."

Tahimik lang akong nakatingin kay Flynn na nagmamakaawa sa'kin. Bakit nagmamakaawa ito? In the past kahit please ay hindi nito Sinasabi, pero bakit ngayon? Totoo ba talaga ang pinapakitang Pagmamahal nito kay Leim?

"Meriana.... mag salita ka naman oh."

"Why are you begging?" Takang tanong ko, nakita kong natigilan ito.
"Nalilito na ako sayo Flynn, Nakaraan hindi ka nagmamakaawa sa kahit kanino. Pero ngayon, Bakit?"

Hindi ito nakapagsalita nang ilang minuto.

"Dahil Kayo lang ni Leim ang Lakas ko ngayon. Kayo ng anak ko ang Pahinga ko kaya, Please. Kahit anong pagmamakaawa na ipapagawa mo sa'kin Gagawin ko, Just please let me si my Son...." Nahihirapang sabi nito. Malapit lang ang mukha ko sakanya kaya nakita ko kung Gaano ka pagod ang mukha nito.Para itong walang tulong.

May nagawa si Flynn na Masakit pero hindi naman ako ganon ka sama para hindi ipakita ang anak ko sa ama nito. Pero dahil sa Sitwasyon ni Leim ay parang mahirap.

Saka ito siguro ang paraan para mabantayan ko si Flynn, Sa Fiance nitong Baliw sa Pera.

Married with Flynn WestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon