2

168 40 10
                                    

Naka tingin lang ako kay Leim na niyayakap ni Flynn. Iyak ito ng iyak. Leim mumbling something pero hindi na namin ito naiintindihan.

Ang naririnig ko lang na paulit-ulit niyang sinasabi ay 'Hate you' Sa mukha ni Flynn alam kong nasaktan siya sa salita na yun pero pinapatahan parin niya si Leim.

Ilang minuto na itong umiiyak, kaya nag alala ako. May sakit sa puso si Leim kaya naging kabado ako ng hindi pa ito tumigil sa kakaiyak.

Kinuha ko si Leim sa bisig ni Flynn. Alam ko na ayaw niyang bitawan ang anak ko, Pero nag-aalala na talaga ako.

Pinaharap ko si Leim. "Tahan na Baby, Please." Nanghihinang sabi ko dito. "Ang puso mo anak."  Napahinga ako ng maluwag ng Tumahan na ito sa pag iyak, Ngunit sumisingosingot pa.

Kinarga ko ito, not minding Flynn watching us. Simula ng sabihin ni Flynn na siya ang ama nito, ay nagulat si Leim at umiyak ng umiyak.
Kinuha agad ni Flynn at pinatahan ito, ngunit hindi tumatahan.

Nilagay ko sa kama si Leim. Ipinikit nito ang mga mata. Dahil sa kakaiyak ay nakatulog narin ito.

"What's wrong with his heart?" Bulong ni Flynn, Ngunit narinig ko ito.

"May sakit sa puso si Leim, I'm struggling with my pregnancy on Leim. Na apektuhan ang puso ni Leim, akala ko mawawala si Leim nung ipinanganak ko siya, pero salamat sa diyos hindi niya pinabayaan si Leim. Mabuti nang may kilalang doktor si Mama Lena, at naagapan si Leim na bago palang pinanganak. Leim survive, pero nandiyan parin ang kanyang sakit."

"Who's Mama Lena?"

"Ang may-ari nitong building, My Second mother." Walang buhay na sabi ko habang nakatingin parin kay Leim na natutulog.
"Siya ang tumulong sa'akin nung pinagbuntis ko si Leim."

"Can i ask something?" Mahinang tanong nito.
Hindi ako umimik para masabi niya ang kanyang tanong.

"Why did you Leave?" Napapikit nalang ako sa kanyang tanong. Tama ang hinala ko na magtatanong ito.

Hindi ko ito sinagot, at umalis sa kama. May kinuha ako sa drawer, i handed him the paper.

Nagtataka itong tumingin saakin, at binasa ang nasa papel. I saw how his clinch tightened.

"Matagal ko ng hinanda yan, dahil alam kong hinahanap moko. Nandiyan na yung Pirma ko, sayo na lang ang kulang." Malumanay na sabi ko dito, ngunit nagulat sa kanyang ginawa.
Pinunit niya ang papel na binigay ko sakanya!

"Bakit mo pinunit?! Baliw kaba?!" Galit ko itong sininghalan.

"Hindi! Hindi tayo mag hihiwalay,kahit kailan Meriana! We have a son right now!"

"Kung napipilitan kalang na hindi tayo maghihiwalay dahil sa anak ko, kaya ko siyang buhayin mag isa! 6 years Flynn nakaya kong buhayin ang anak ko na wala ka! So huwag kanang mag alala at maghiwalay na tayo, Iyan naman ang gusto mo diba?!"

"Ni minsan Hindi ko sinabing Gusto kitang hiwalayan Meriana!"

"Sinungaling!" Nagsisimula ng lumuha ang aking mata. Ang sakit balikan ang nakaraan.

Flashback

"Manang? Alam mo ba kung nasan si Flynn?" Masayang tanong ko sa mayordoma ng bahay sa asawa ko.

"Nasa Office niya sa itaas ma'am, kasama si Tanya." Nawala ang ngiti saaking labi, pilit nalang akong ngumiti sa mayordoma at tinangoan ito.

Pumunta ako sa Opisina ng aking asawa.

Bakit ba nandito nanaman yung babaeng yon? Ano bang ginagawa niya dito, at kasama pa niya ang asawa ko.

Nasa harapan na ako ng pinto sa opisina, ng hindi sadyang narinig ko ang pag uusap nila.

"Mahal mo ba yung babaeng kaysa sakin!?" Pagalit ang tono ng boses nito, at alam kong si Tanya ang nag salita.

"Hindi" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito. Nagsimula ng sumakit ang dibdib ko.

"Then leave her!"

"I will, Hindi lang ngayon." 
Napaiyak ako ng tuluyan sa sinabi nito. He just used me!

Narinig ko ang masayang tili ng nasa loob, kaya binuksan ko ng maliit ang pinto.

At ayon para akong kinatay sa sakit, dahil sa nakita ko. I saw them two fucking kissing!
Napa hagulgul ako at tahimik na umalis doon.

Sa likod ng bahay ako lumabas para walang makakita saakin na umalis. Umuulan sa labas pero hindi ko iyon pinansin. Ang binigyan ko ng pansin ay yung maka-alis ako ng bahay.

Masakit ng bumalik pa sa bahay na yon. Akala ko lahat ng chismis sa mga katulong ay hindi totoo. Ayon nga at ako pa yung witness na totoo talaga pvta!

Hindi ko na alam ang gagawin ko! May balak pa naman akong supresahin ang asawa ko, pero ako yung na surpresa, Tangina!

I'm 4 weeks Pregnant, and I'm damn happy, at the same time broken.

"Salamat, dahil sa apelyedo mo,Naging okay kahit konti man lang ang buhay ko, pero ngayong hindi ko na kailangan ang apelyedo mo."

Galit ko itong tinignan, gulat ang nasa mukha nito. Napangisi ako.
"Lumayas kana, Hahatiran kita ulit ng Divorce paper sa bahay mo,dapat permahan mo na."

"No" Magsasalita pa sana ako ng lumapit ito at tinakpan ng panyo ang aking ilong at bibig.
Hindi kaalamang dahilan, naging mabigat ang tulikap ng aking mata, at parang nanghihina ako. Bago pako bumagsak at mawalan ng ulirat, Ay sinalo ako ni Flynn at narinig ko ang mahinang bulong nito.

"I'm sorry, I love you."

A/N:
dimo gets? Hahah Ako din.

FLUORITE/GEMSTONE

Married with Flynn WestWhere stories live. Discover now