"Masaya lang ako." sagot niya habang nakangiti ng nakakaloko.
"Florencia." mariin kong tawag sa pangalan niya.
"Ang ganda mo. 'Yon lang." sabi niya.
Alam talaga ng babaeng 'to kung paano paiinitin ang ulo ko.
"Ano? Nagsasabi lang ako ng totoo." may takot na sabi niya nang mapansin na nakatitig na ako ng masama sa kanya.
"Masaya ka dahil maganda ako? Sino sa tingin mo ang niloloko mo?" inis kong tanong.
"Oo. Bawal ba?" seryosong balik tanong niya.
"Bawal kung walang katuturan ang sinasabi mo." sagot ko.
Humarap siya sa akin na may seryosong tingin. Inaamin ko na medyo kinabahan ako sa itsura niya.
"Gusto mo talagang malaman?" tanong niya. Unti unti siyang lumalapit sa akin.
"Masaya ako dahil-" napaatras ako dahil patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin. Maya maya ay naramdaman ko na ang isang matigas na bagay sa likuran ko. Senyales lang na wala na akong maatrasan pa. Nakatitig lang siya sa akin at habol ko naman ang hininga ko. Hindi ko sinasadya na mapapikit.
Hindi rin ako sigurado kung may hinihintay ba ako.
Ilang segundo ang nakalipas ay wala akong naririnig kaya nagmulat ako. Malapit pa rin ang mukha namin sa isa't isa pero ngayon ay nakangiti na naman siya. Ang parehong ngiti na ginawa niya kanina.
"Malalaman mo rin 'yon. Hindi lang ngayon." pabulong na sabi niya at saka umalis sa harap ko.
Napahawak ako sa dibdib ko.
•••
"Bitiwan niyo ako!" sigaw ng isang dalaga habang pilit na sinisipa ang dalawang Hapon na may hawak sa kanya. Mala-demonyong tumawa ang mga ito at inililis ang palda niya.
Nilingon ko si Florencia. Nakatago kami dito sa may talahiban at nakasilip sa nangyayari. Naghahanda na siyang umatake pero pinigilan ko siya.
"Saan ka pupunta?" mahina kong tanong.
"Hindi ako uupo lang dito at manonood lang sa pambababoy na ginagawa ng mga dayuhang 'yan." madiin na sagot niya.
"Baka kung mapaano ka." nag-aalala kong sabi. Inilabas naman niya ang patalim sa may sapatos niya.
"Tutulungan ko siya." sabi niya at saka naglakad ng dahan dahan palapit. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hindi ko gustong mapahamak siya kaya kahit hindi ko kilala ang babae na 'yon ay tutulungan ko si Florencia.
Malakas na palahaw ang pinakawalan ng babae nang tuluyan nang natanggal ang damit na suot niya. Sobrang bigat sa pakiramdam na makarinig ng gano'ng kasakit na iyak. Nabalot ako ng takot at galit habang naghahanda sa pag atake. Tiningnan ako ni Florencia at sumenyas na 'wag na akong sumali.
Tumakbo siya palapit at sinaksak ang likod ng isang Hapon. Humiyaw naman ito sa sakit. Ang dalawa pang kasama nito ay binitiwan ang babae at saka sinugod si Florencia. Tulad ng unang beses na nakita kong sinaktan siya ay para na naman akong napako sa kinatatayuan ko. Nanginginig akong umiiyak habang nakikita kong pinagtutulungang suntukin siya kung saan saang parte ng katawan ng mga lalaking 'yon. Humahagulgol naman na dinampot ng dalaga ang mga damit niya at nagmamadaling tumakbo palayo.
Pinipilit kong igalaw ang mga paa ko para lumapit pero hindi ko magawa. Inilibot ko ang paningin ko para maghanap ng puwedeng gamitin sa kanila pero wala akong nakita.
Duguan naman ang mukha ni Florencia pero nagpipilit pa rin siyang lumaban. Humandusay sa lupa ang nanghihinang katawan niya. Humihingal siyang tiningnan ng mga Hapon at saka siya pinagsisipa sa tagiliran.
Naigalaw ko na sa wakas ang mga paa ko. Tumakbo ako at sinakyan sa likod ang isa saka kinagat ang tainga nito. Muli kong narinig ang malakas na sigaw niya. Hinugot niya ng mabilis ang buhok ko at sinabunutan ako hanggang sa bumitaw ako sa pagkakakagat sa kanya. Bumagsak ako sa lupa at pinuntahan ang direksiyon ni Florencia. May humila ng paa ko kaya napasigaw ako.
Nanghihina siyang tumayo at pilit na lumapit sa akin para tulungan ako. Sinuntok siya muli ng isa kaya napaluhod siya. Ramdam ko ang hapdi sa balat ko dahil sa paghugot sa akin. Sinimulan akong pagsasampalin ng dayuhang humila sa akin.
"Florencia!" sigaw ko at nakita kong binagsakan ng isang Hapon ang kamay niya ng malaking bato.
Hindi siya makaalis sa puwesto niya kaya nilapitan na ako ng dalawa pang Hapon. Sinampal rin ako ng isa at tumawa ng malakas. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila pero nakita ko na may kinuha silang patalim mula sa likod at saka itinutok sa akin.
Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa pagtulong ay nararanasan namin ang kalupitang ito. Narinig ko ang malakas na sigaw ni Florencia at nakita ko na pilit niyang hinugot ang kamay niya mula sa pagkakaipit sa bato. Putol ang parte ng daliri niya sa kanang kamay at umaagos ang masaganang dugo mula rito. Dinampot niya ang baril na nalaglag sa lupa at saka pinaputukan ang tatlong dayuhan.
Nanginginig pa ako nang sunud-sunod na bumagsak ang tatlo. May mga dugo pa na tumalsik sa akin kaya lalo akong nabalot ng takot.
Naglakad palapit si Florencia sa akin at itinayo ako mula sa pagkakahiga. Niyakap niya ako ng mahigpit at napahagulgol na ako ng tuluyan.
"Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo." nanghihinang sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.
ESTÁS LEYENDO
UNTIMELY
Ficción históricaJane, a brilliant but reckless time traveler, has always been drawn to the mysteries of the past. But her latest journey takes a surprising turn when she keeps encountering the same woman, Jea, across different eras. Each time, their paths cross, an...
Chapter IX | Omnipotent
Comenzar desde el principio
