"Hindi ko rin alam. Wala namang ibang dahilan ang pagiging agresibo mo kundi galit." mahinang sabi niya.
Sandali namang namayani ang katahimikan sa paligid. Tanging ragasa lang ng tubig sa ilog ang maririnig.
"Kumusta pala ang pag-uusap ninyo ni Jose?" pagbasag niya sa katahimikan. Napabuntong hininga naman ako.
"Akala niya ay may gusto ako sa kanya." sagot ko. Dinig ko ang mahinang tawa niya.
"Anong nakakatawa?" pagsusungit ko kaya natigilan siya.
"Wala naman. Mabilis daw makaramdam ng 'pagmamahal' ang lalaking 'yon sabi ni Julieta. Kamakailan lang ay niligawan raw siya ni Jose at sinabihan niya na masyadong mabilis para mahalin agad siya nito." natatawa niyang sabi.
"Matagal mo nang alam na gano'n siya?" pagalit kong tanong. Hindi ako makapaniwala na hindi niya ako sinabihan na may sîra pala sa ulo ang lalaking 'yon!
Kinaway kaway naman niya ang dalawang kamay sa ere at nagsalita.
"Hindi. Kagabi ko lang din nalaman. Nag-usap usap kaming tatlo no'ng nawala kayong dalawa sa may dilim." paliwanag niya.
"Bakit hindi mo ako sinundan?" napagtaasan ko siya ng boses na ikinagulat naman niya.
"Bakit naman kita susundan?" sagot niya saka naglihis ng tingin.
Oo nga naman. May punto siya. Bakit ka naman niya susundan, Maxima? Ano ka ba sa kanya?
Tumayo ako at sumunod naman siya.
"Saan ka pupunta?" mabilis na tanong niya.
"Maliligo ako." sagot ko at tuluyang hinubad ang suot ko.
Ramdam ko ang tingin niya sa akin mula sa likuran kaya nagpatuloy akong magpunta sa ilog nang walang saplot.
Dahan-dahan kong binuhusan ng tubig ang balikat ko gamit ang kamay habang nakatalikod sa kanya.
"Ma-mangunguha lang ako ng makakain." paalam niya pero pinigilan ko siya.
"'Wag mo akong iwan!" pagmamakaawa ko sa kanya.
Naalala ko na naman ang insidente na nangyari rito ilang araw na ang nakararaan. Napatingin siya sa itaas at naintindihan ko naman agad kaya lumubog ako ng kaunti para maitago ang mga nakalabas na parte ng katawan ko.
Naupo siya sa may malaking bato at tinalikuran ako.
"Dito lang ako hanggang sa matapos ka." mahinahon niyang sagot. Napangiti naman ako.
•••
Pinahiran ako ni Florencia ng mga uling sa katawan at mukha. Ito ang ginagawa namin sa tuwing lalabas kami ng taguan para maghanap ng kung anong kailangan namin. Ayon kasi kay Apong Azon ay medyo may kahinaan raw ng ulo ang mga dayuhan na ito. Kapag nakita nila na marumi ang isang babae ay hindi nila gagalawin. Sa pagkakataong ito ay wala pa naman kaming nakakasalubong pero ginagawa pa rin namin para makasigurado.
"Ano 'yon?" tanong ko nang nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Umiling naman siya at ngumiti.
"Sigurado ka?" usisa ko.
YOU ARE READING
UNTIMELY
Historical FictionJane, a brilliant but reckless time traveler, has always been drawn to the mysteries of the past. But her latest journey takes a surprising turn when she keeps encountering the same woman, Jea, across different eras. Each time, their paths cross, an...
Chapter IX | Omnipotent
Start from the beginning
