Chapter 44

208K 4.3K 2.2K
                                        

"Rad!"

I rushed to the hospital after Talitha hung up. Maliwanag pa nang umalis ako sa station pero madilim na pagdating ko sa hospital dahil sa pesteng trapiko.

Inisip kong bumaba na lang sa taxi at takbuhin ang hospital sa sobrang init pero kahit ata espasyo para lakaran, imposible kanina.

I felt relief when I saw that Rad is conscious. Kinakausap ito ng Mom niya hindi hanggang sa dumating ako.

"Ayos ka lang?" Mabilis na tinuop ng malakas kong boses ang kuwarto. Nakaramdam ako ng galit nang makita na naka-bandage na ang kaliwa niyang braso.

"I'll go outside so the two of you can talk," si Talitha. Muntik ko pa siyang pasalamatan dahil marunong siyang makiramdam.

"Ano? Masakit?"

He shook his head. "Not really. Nadaplisan lang."

"Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong ipahiram sa 'yo ang kotse."

"It only means you're not safe, Ammy. There's someone who's eager to take you down." Mabilis niyang nailiko ang usapan papunta sa akin.

"How about the kids? May kasama ka na bang mga bata kanina?" Hiniram niya ang sasakyan para gawing service ng ilag estudiyante na lalaban sana sa ibang eskuwelahan

"Masama ang kutob ko kaya hindi ko itinuloy ang plano. The school rented a separate van for them."

Malalim ang sumunod kong hininga. "That's a relief."

"Sino ang nagdala sa 'yo rito?"

"I drove my way here," he said. "I couldn't contact anyone so the nurses called my parents. Dad went to the precinct. Mom stayed. I asked her to call you."

"Bakit hindi mo ako tinawagan agad? Kanina ka pa pala rito?"

Lumamlam ang mga mata niya. "You were at work."

"Kahit na, Rad."

"I'm okay. Tanga 'yung bumaril." Ngumiti siya pero hindi ko magawang ibalik ang parehong ekspresyon. Dinadaga ang dibdib ko hanggang ngayon.

"Wait lang. Kakausapin ko si Talitha sa labas."

"Tell her she can go home," request niya.

I left his room. Marami pa akong itatanong sa kaniya pero nakakahiya sa Mommy niya sa labas. "Mrs. Suarez."

Tumayo ang babae mula sa four-seater gang chairs nang makita ako. She never loses her poise even in this kind of situation.

"Ammy, my son is not safe with you," bungad niya. "Nagpunta ang Daddy niya sa presinto para i-report ang pangyayari. The police will be here later to get Rad's narrative statement. But even if we catch the suspect, I will never be at peace.

Gusto ko humingi ng paumanhin sa paglalagay sa peligro ng buhay ni Rad pero hindi ko alam kung ano ang perpektong salita ang gagamitin.

"I will do something about this, Mrs. Suarez." Iyon na lang ang nasabi ko.

"No. I want you to convince Rad to accept my request. I want to send him bodyguards for his safety."

"Ho?"

"Narinig mo ang sinabi ko, Ammy. Gusto kong bigyan ng bodyguards si Conrad. But that kid is stubborn. Mas matigas na siya ngayon dahil tinanggalan na niya kami ng karapatan sa buhay niya.

"If you care enough for him, you will help me with this. He will listen to you. Hindi siya makikinig sa akin."

To be honest, knowing Rad, it won't be easy. "Hindi ko po maipapangako, Mrs. Suarez, pero susubukan ko siyang kumbinsihin."

A Game with Kismet | Suarez IIWhere stories live. Discover now