"Leron Leron sinta, halina't iboto. Si Ammy magaling, matalino't totoo. 'Pag siya ang nanalo, aba ang suwerte mo! Leader na matapat, kahit na masungit."
Nasa pagitan ng pang-iinsulto at pagsuporta ang ginawang jingle ni Caela para sa akin. Kulang na lang ipangalandakan niya sa buong mundo na masungit ako.
"Gumising ka, Neneng. Iboto ang tama. Gamitin ang isip, at nang maging tiyak. Pagdating sa dulo'y, walang pagsisisi. Lumapit ka Neneng, ako'y pakinggan mo."
Kanina ko pa pinipigilan ang sariling matawa dahil para siyang batang tatalon-talon habang naglalakad. It's Thursday today and we are allowed to wear any attire we want because it's the last day of the campaign period. Holiday bukas kaya walang pasok. Sa Lunes, pagkabalik namin, SSC election na.
"Leron Leron sinta, halina't iboto. Si Ammy magaling, matalino't totoo. 'Pag siya ang nanalo, aba ang suwerte mo! Leader na matapat, kahit na masungit . . ."
Nakasuot ang babae ng puting t-shirt na may mukha ko. She chose a good picture. Disente ang hitsura ko ro'n. But her layout—siya ang gumawa ng design dahil siya ang may laptop, mahirap naman kung sa phone ko kaya ipinaubaya ko na sa kaniya kahit ang sa posters at stabs. Pero para akong wanted sa design. May malaking ATTENTION na kulay pula sa itaas ng picture ko.
"Please vote for Ammy for good grades." Inabutan niya ng tig-isang tangkay ng Zinia ang magkaibigan bago ang mga stabs.
Paulit-ulit lang ang kanta at sinasabi niya mula kanina. Animo'y hindi siya napapagod dahil ayaw kumupas ng lakas at liksi ng boses niya.
"Please vote for Ammy for clear skin."
Nasa likuran niya lang ako habang ginagawa niya 'yon. Parang siya pa nga ang kandidata sa aming dalawa. Si Caela . . . Kahit madalas pina-a-ayaw niya ako sa mga bagay na nakakapagod, kapag iniliban ko, susuportahan niya ako.
"Hoy, iboto niyo si Ammy, mga pare. Number eight sa balota. Tutubuan ng pigsa sa singit 'yung mag-shade sa nine."
Walang ligtas kahit ang mga seniors na hindi naman namin kilala. Nilunok niya talaga ang hiya niya para ikampanya ko.
I'm thankful for her.
She's been here since the start . . .
"Wow! Ang gaganda naman ng mga regalo niyo."
Christmas party at pinlano ng guro namin na i-surprise kami ng mga magulang namin na may regalo. Sa halip na mag-exchange gift, iyon ang napag-usapan ng teacher namin at ng mga parents.
My mother came and she gave me a box as big as my classmates' gifts. Pero hindi ko talaga magawang ngumiti dahil naisip kong gumastos na naman si Mama para hindi ako magmukhang kawawa.
"Queenie, do you want to open your gift and show it to us?" tanong ng guro sa bata.
"Yes po, teacher." She vigorously nodded before ruining the wrapper on his gift.
"It's a doll!" The teacher exclaimed.
As far as I could remember, I was never fond of dolls. Siguro dahil kapag nakita ko sila, magandahan man ako, ang unang pumapasok sa isip ko ay gastos lang 'yon. Kaya hindi ko na pinangarap pang magkaroon.
"Teacher, may manika rin ako, o. Mas marami ang damit ng sa 'kin," sambit ng isa kaya napunta sa kaniya ang atensiyon ng lahat.
"Aba! Oo nga. Maganda rin katulad mo."
"Teacher, sa akin po lutu-lutuan."
"Tignan mo po, teacher. Tractor ang sa akin."
All of the kids unwrapped their gifts and showed them to their teachers and classmates.
YOU ARE READING
A Game with Kismet | Suarez II
RomanceIt has always been a dream for Ammy to live prosperously. Worse luck, she was not born with a silver spoon. She has to endure the mud on her feet as she chases her ambitions. Notwithstanding, it did not stop her. She has set her goals and will go t...
