Chapter 6

89.1K 2.3K 1.2K
                                    

Their kiss was a button to me. Pagkatapos kong makitang naghahalikan si Suarez at Lopez sa hallway ng toilet—ang panghi pakinggan ng setting, ewan ko kung anong iniisip nila. Hindi man lang pumili ng magandang lugar—hindi ko na makita si Suarez sa parehong paraan bago iyon nangyari.

There's something in between them that people don't know. I wonder what's their relationship but their business shouldn't concern me anymore.

There's one thing certain to me now, I need to distance myself from Suarez.

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, Ammy!" May mirasol sa mukha ni Caela; kung magiging kulay siya ngayong umaga, dilaw ang pinkaperpekto.

"E, 'di huwag mo na sabihin."

Kumupas ang ngiti sa labi niya. Nahinto siya sa paglalakad samantalang nagpatuloy lang ako. Nagwawala na ang sistema ko sa loob dahil lumabas na ang results ng final examination namin after two weeks of semestral break.

Wala akong ginawa sa loob ng dalawang linggo kung hindi magtrabaho. My weekdays were spent tutoring and working at the bakery. Dalawang Sabado akong nasa putuhan ni Ate Arcie; dalawang linggo rin sa karnihan ni Kuya Baldo. Sa gabi ako nag-a-advance reading.

I thought of spending a day to rest, pero nanghihinayang ako sa oras.

"Tanungin mo naman ako kung ano ang nagyari!" Nagmaktol ang babae sa gilid ko. She clung her hands around my arm.

"Nakita mo si chocolate powder tapos kinilig ka?" hula ko.

She bit her lips. Animo'y dinampian ng rosas ang mga pisngi niya nang magpigil ng tili. "Tinawag niya 'ko kahapon tapos niyaya niya ko sa Math garden."

"Paano niya nalamang bagsak ka sa Math?" ani ko.

Nakatanggap ako ng hampas sa kaniya. "Seryoso kasi, Ameliah." Nahimigan ko na ang pagkapikon sa boses niya.

"Ano nga? Ano ang nangyari?"

"Ayon, kinausap niya ako. Alam mo 'yon, parang getting to know each other lang," kinikilig niyang sabi. "Tinanong niya pa ako kung anong buo kong pangalan tapos kung ilang taon na ako—Argh! Nakakakilig."

Sa tuwing kikiligin siya, para siyang makinang nawawala sa katinuan. Manghahampas, papadyak at sisigaw. Pinagtitinginan tuloy kami ng lahat ng makakasalubong namin sa field.

"Tinanong niya rin ako kung single ba ako. Tinanong niya ako kung ano ang number ko, saan ako nakatira. Ammy, pati religion ko inalam niya. Basta, ang dami niyang tinanong" Kasimpula na ng mga pisngi niya ang braso ko.

Kakabalik lang namin sa eskuwela kahapon. Ano ang plano ng chocolate powder na 'yon at si Caela agad ang pinuntirya niya?

"Sinabi niya sa 'yo kung bakit?"

Her smile didn't falter. "Uhm, oo."

"Bakit daw?"

"Kailagan daw nila for research," she said nonchalantly.

"Demographic profile." I burst out in laughter upon hearing the reason.

Kaya naman pala tinanong ang pangalan niya, taon, status, number, at address.

Caela glared at me. The another slap on my arm was expected. "Anong nakakatawa? Ang mahalaga kinausap niya pa rin ako!"

"Kinausap ka lang kasi may kailangan siya sa 'yo," ani ko. Truth hurts but she needs to know and swallow it.

Sa halip na ma-offend ang babae ay nanumbalik ang ngiti sa mukha niya. She tucked her hair behind her ear and puckered her lips. "Kailangan niya 'ko," she said.

A Game with Kismet | Suarez IIWhere stories live. Discover now