"Nanakawan mo ba ako?" Automatic na tumaas ang isang kilay ko.

"Hindi 'yun. Don't be too trusting. Mas madali kang maloloko. Or is that the case? Masyado ka kasing nagtitiwala kaya lagi kang talo sa huli?" sabi nanaman niya.

"Are you picking a fight right now? If you don't want it here, then leave." Hinila ko siya hanggang sa makalabas kami ng apartment. I locked my door and left. I was tempted to glance back but I'm so pissed-because she was right.

She's making me rethink all of this. Paano nga ba ako nakakasiguro na iba siya? Iba sa paanong context? Damn it, here I am again with these weird thoughts.

Well yeah, she needed that a lesson: don't talk to your landlord that way.

***

KENDAL

Mabuti nalang at hindi ako natawa nang malakas. I was listening to their bickering and it's really interesting. I have never seen Yeoji act that way towards someone. May halong concern at natural lang ang sakanilang dalawa.

Bago pa makalabas ang dalawa ay tumakbo na ulit ako sa pinanggalingan kong unit. I finally understand why Drake was pissed. Mukhang pareho silang interesado sa babaeng ito. Ardyne, was it?

Sa tingin ko nga lang ay lagpas 'interesado' na ang tingin ni Yeoji sakanya at kaunting panahon nalang, marerealize narin niya iyon.

"Morning!" lumabas ako para harapin si Ardyne. Noong una ay nakatitig lang siya sa hallway. Iyong tipong parang hinihintay niyang may bumalik. Napansin niya lang ako nang talagang tumapat ako sakanya.

Napangiwi siya nang maamoy niya ang alak mula sa hininga ko. Who needs sleep and rest when there's something as interesting as this? Dylan was right, it's concerning too at the same time.

"Gising ka na pala," mahinang sabi niya. Mukhang inis na inis siya ngayon. Padabog pa siyang nagmartsa papasok sa loob ng unit niya. Ngiting-ngiti ako habang sumusunod sakanya. The first thing she did was drink three glasses of water.

"Your landlord was pissed, tsk tsk," simula ko.

"Daig pa niya ang babaeng may period! Saan ba 'yun pinaglihi?!" sigaw niya. Ouch, RIP eardrums.

"But that was cute," sabi ko naman. Tinitigan niya lang ako na para bang nagulat siya na nag-uusap kami ng 'matino'.

"Ah, hindi pa ako nagpapakilala. I'm Kendal. Thanks for letting me crash here." Nag-peace sign ako.

"Yup, I'm Ardyne," aniya.

"Nice to finally meet you. You are the girl they said." Nilapitan ko siya.

"Matulog ka lang or kumain or whatever. Huwag mo lang gagalawin ang mga gamit ko. Bababa lang ako sa garahe. Baka maya-maya ay nandito narin ulit si Yeoji," mahinahong sagot niya saka lumabas ng unit.

Imbes na bumalik sa pagtulog, kinalkal ko ang backpack ko at naglabas ng mga bagong damit. I need a shower. Pero bago iyon, tumungo muna ako sa veranda para magyosi.

Napapangiti ako habang inaalala ang mga kalokohan namin noon. Para na silang pamilya para sa akin-like blood brothers. It was the first time that I felt like a normal person. Not that I'm anything weird. Nagulat din ako sa sarili ko nang pagtakpan ko si Lawrence, Drake at Chloe. That's the thing about family, you stick with them no matter what especially when you think it's about to fall apart completely.

***

Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako sa garahe pero wala doon si Ardyne. Nandoon pala siya't nakikipagkuwentuhan kay Sir Tony na may-ari ng restaurant sa first floor. Ah, so she's this kind of girl too.

Pumasok ako sa restaurant at nag-order ng kape. Sinamahan ko si Ardyne sa table niya. Nakita ko tuloy ang mga nakalapag na papel sa mesa.

"Reviewer?" halos natatawang sabi ko.

"Ginawa ng landlord," mahinang sabi niya. Mukhang tuluyang nawala siya sa mood na makipag-usap ng matino. Yeoji's effect on her?

"Alam mo namang ikaw na ang napili nila, hindi ba? Hindi mo na kailangang mag-abala sa pagrereview ng mga bagay na 'yan. To be honest, most of it isn't right," sagot ko habang binabasa ang ilan sa mga nakasulat na basic info ni Drake.

"Then,  hindi August 30 ang birthday ni Drake Alyanez?"

"That part is right. But this--" itinuro ko ang parteng 'Favorite Food: Pesto', "isn't. Mali ang research ni Yeoj. Nagresearch nga ba 'yun?" napakamot tuloy ako sa batok ko.

"True or not, ito ang basehan."

"Like I said, ikaw na ang--"

"Alam ko pero gusto ko namang kahit kaunti, may masabi akong tama sa mga tanong. Or in this case, repay him a bit," sagot niya. Nanlaki ang mga mata niya at mukhang tama nga ako na hindi niya inasahan na 'yun ang isasagot niya.

Doon ako sumeryoso. This is part of your test, Ardyne. "Kung gagamitin mo lang sila, umalis ka nalang. I'm warning you. I'm not as nice as Yeoj," I said.

Natagalan siya kaunti sa pagsagot.

"I owe that jerk something and I'm repaying him the favor. Him, not all of you," aniya sabay tayo at labas. Siyempre, sumunod nanaman ako. Doon na namin nakasalubong si Yeoj. May hawak siyang mga take out bags.

"Oy, galing sa TG! Paborito ko yan!" sambit ko agad. Ngumisi si Yeoj.

"Kain muna bago kita bugbugin," sagot ni Yeoj pero ang tingin niya ay kay Ardyne na pasimple at tahimik na naglalakad na patungo sa may hagdanan.

"Saan tayo kakain? Sa unit mo o sakanya?" mapang-asar na sabi ko.

"Mukhang may mga narinig ka na. Mamaya na kita tatanungin, tara!" tawag niya sa akin. Halos tumakbo siya para lang habulin si Ardyne.

Guhit na guhit sa mukha ni Yeoj na masaya siya. Sana lang tumagal pa, lalo na't sa tingin ko ay malapit nang niyang malaman ang tungkol kay Chloe.

---

HEARTSTRUCKWhere stories live. Discover now