The Admin Head led her deeper into the restaurant in a corner where there are fewer customers. Ito siguro yung corner para sa mga customer na may reservations. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid. Pero agad na tumigil sa pag tibok ang puso niya nang mag tama ang tingin nila ni Amelia.

It stopped for a moment pero agad ding nakabawi at bumilis ang tibok. Sam bit her lip.

But along with that happiness na nakita ito. Her heart sinked to her stomach nang makitang katabi nito ang asawa nito. They looked so inlove dahil pabulong bulong pa si Christian dito. Pero ang ipinag tataka niya ay tumatango lang si Amelia dito at hindi inaalis ang tingin sa kanya.

She can feel Amelia's heated gaze. Lalo na nang lumipat ang tingin nito kay Hana na nakatingin sa menu na nasa taas ng counter.

Automatikong umatras ang mga paa niya papunta sa tinuturong upuan ng waiter na umalalay sa kanila.

Tumaas ang kaliwang kilay nito. Bumangon ang inis sa dibdib niya. Bakit ito magagalit? Hindi naman niya ginustong dito sila ni Hana kumain. Ito lang ba ang may karapatang kumain sa restuaurant na ito. Tinaas niya ang noo para malaman nitong hindi siya natatakot na makita ito kasama ng asawa nito.

"Halika Sam. Dito." Hana pulled a chair for her. Saka lang nito nakita ang mag asawa nang maupo na din ito.

"Hi, Mam Amelia and Sir Christian."

Amelia forced a smile at nahuli niya pa ang pag ikot ng mga mata nito. If she didn't know any better feeling niya ay nag seselos ito. But it was impossible dahil andito ngayon si Christian. Baka naman iniisip lang nito na ini-istorbo nila ni Hana ang lunch date ng mga ito.

Christian just nodded his head and briefly looked at them.

Mas maigi na iyon kesa habulin siya nito sa harap ng asawa nito. Maybe he was really a changed man. Good for him.

Sam didn't say anything. Ibinaling niya na lang ang tingin kay Hana. Mukha kasing nagulat din ito na sinusungitan ito ng may ari ng hotel.

Gustong niyang mag sorry kay Hana dahil nadamay pa ito sa kasungitan ng boss nila. Na hindi niya din naman alam kung ano ang problema.

She can see that Hana became uncomfortable. Naka-order na sila ng pagkain at inaantay na lang ang pag dating ng waiter kasabay ng pagkain nila pero ang sama pa din ng tingin ni Amelia. Hindi na din tuloy siya mapakali sa upuan niya. Panay pa ang irap nito sa direksiyon nilang dalawa ni Hana.

Kinunutan niya ito ng noo. Ano ba ang problema nito?

Ganun ba siya nito kinaiinisan na pati ang kasama niya ay kinaiinisan na din nito? Hindi pa ba sapat na uncomfortable na nga siya na makita ito?

"Do you want to go somewhere else?" Sam reached out on the table to touch Hana's shaking hands.

Nakita niya ang pag angat ng kilay ni Amelia. Magkatabi lang kasi sila ng Admin Head at nakaharap sa mag asawa na magkatabi din sa upuan. Kung naalibadbaran ito dahil andito sila. They might as well get out of their sight.

Hana looked at her. Napatingin muna ito kay Amelia. Then to her face. "P-Pero we are already here at mahirap namang pumunta pa sa ibang restaurant. Gutom na din ako Sam."

She sighed. Tinitigan niya si Amelia. Nakaangat na ang kilay nito sa kanya. Sam made a tsking sound.

"Honey. Tikman mo ang pasta nila. Masarap."

Amelia looked at her husband and smiled at him. Pero saglit na saglit lang at tinitigan na naman siya nito habang sumusubo ito ng pasta sa bibig.

Buti na lang ay oblivious lang ang asawa nitong kumakain na. Panay ang salita ni Christian na ang sagot naman ng asawa nito ay puro tango.

Sam forced herself to look away. Kahit gusto niya nang sigawan si Amelia. Bakit pa ba siya nito pinapahirapan? Bumalik na si Christian dito di ba? What kind of silly games is she still playing?

Napatiimbagang siya nang muling tingnan si Amelia. Saglit itong natigilan at nakita niya ang sakit na dumaan sa mukha nito. Those brown eyes became glassy na tila ba iiyak ito. But Sam is so pissed off that she looked away.

"Alright. Let's just eat here."

Nakita niya na din kasi ang waiter na dala dala ang pagkain nila.

"If you are uncomfortable. You can just seat on the opposite chair. Ako na lang ang haharap sa kanila."

Hana smiled at her. Pinisil nito pabalik ang kamay niya bago ito lumipat nang upuan. Kumain na silang dalawa habang nag k-kwentuhan. She forced herself not to look at Amelia kahit ramdam na ramdam niya pa din ang bigat ng titig nito sa kanya. Bahala ito sa buhay nito. 


------

A/N: Double update para happy kayo. ^^

Seducing Samantha Del Rio - CompletedWhere stories live. Discover now