"Prank ba yun?" takang tanong nito saka muling nilabas ang cellphone para sana tawagan ang nag message sakanya ngunit walang sumasagot

Napa buntong hininga na lang ito saka tumalikod na pag pasyahan na nitong umalis na dahil mukhang wala namang dadating..

Pababa na ito ng hagdan ng may maramdamang presensya sa likod niya..

Kasabay nang pag lingon nito ay siyang malakas na pag tulak sakanya ng taong hindi niya inaasahang gagawa nito sakanya

Naramdaman nito ang pag gulong ng katawan nito sa hagdaan hanggang sa mahinang napa daing ito ng malakas na tumama ang katawan niya..

Nararamdaman nitong may dumaloy na likido sa ulo niya nagiging malabo na ting ang paningin nito

Bago tuluyang mag dilim ang paningin nito ay nakita nitong naka titig lang sakanya ang taong tumulak sakanya..

Bakit?

Bakit mo nagawa sa'kin toh?

Bakit Fiona?

Bakit?

Bakit Fiona? Bakit ikaw pa na Best Friend ko ang gumawa nito sa'kin?

Mga tanong na kumatakbo sa isip nito bago pa tuluyang mawalan ng malay...

Nagising ang diwa nito dahil sa ingay ng nag uusap sa paligid niya.

Na natiling naka pikit ito pinapakinggan ang pinag uusapan ng kapatid nito at ang dalawa niyang matalik na kaibigan

"Bakit hindi niya pinaalam sa'min?" bakas ang pag tatampo sa boses na tanong ni Yvan

"Hindi po kasi alam ni, Ate kung paano sabihin, Kuya eh saka alam kong hanggang ngayon ay hindi pa tanggap ni, Ate na wala na sila, Mama."

"Wala manlang kaming nagawa para damayan siya." bakas ang lungkot sa boses na wika ni, Fiona

Hindi nito maiwasang matawa sakanyang isip habang pinapakinggan ang pinag uusapan nilang tatlo..

Ang galing mong mag kunwari..

Dahang dahang iminulat nito ang mga mata niya sumalubong sakanyang paningin ang puting kisame..

Nasisigurado nitong nasa Hospital ito dahil na aamoy nito ang iba't ibang klase ng gamot.

Nang pilit nitong bumangon ay sumakit ang ulo niya dahilan kung bakit napa ngiwi ito

"Ate!"nilingon nito ang kapatid na agad siyang dinaluhan at inalalayang maka upo ng maayos

"Huwag mong piliting kumilos, Ate baka bumukas ang sugat mo sa ulo." pangangaral nito

"May masakit ba sayo, Ate? May kailangan ka? Anong gusto mo?" sunod sunod na tanong nito ngumiti lang ito rito saka umiling

Walang emosyong nilingon nito ang taong dahilan kung bakit narito siya ngayon

Bakas sa mga mata nito ang pag-sisisi pag-hingi ng tawad at kung ano ano pa na hindi niya alam kung dapat pa ba niyang paniwalaan..

"Kumusta pakiramdam mo, Sera?" tanong ni, Yvan sakanya ng makalapit ito sakanya

"Ano bang nangyari? Pano ka nahulog sa hagdan? Saka Anong ginagawa mo dun?"sunod sunod na tanong nito sakanya

"Ayos lang ako,Yvan." lingon nito rito

"Pano niyo nalamang nandun ako?" tanong nito dahil alam nitong walang masyadong pumunta sa building na yun

"May nakakita sayo at siya ang nag message sa amin kaya dali dali kaming pumunta sa lugar na yun at ayun nga nakita ka naming duguan kaya tumawag agad kami ng Ambulance." lintaya nito napa tango tango naman ako

"So ano ngang nangyari?" muling tanong sakanya lihim itong napa ngisi ng lingunin nito ang isa pa niyang kaibigan..

Bakas ang Takot at kaba sa mga mata nito at ng mag tama ang tingin nila ay agad na nag iwas ito ng tingin na ikina iling na lang niya

"Nadulas ako kaya ganun." pag sisinungaling nito saka pasimpleng sinulyapan si Fiona na mukhang naka hinga ng maluwag dahil hindi ito nag sabi ng totoo..

"Sigurado ka?" pinaningkitan siya nito ng tingin na ikinatawa niya lang

"Oo naman."

"Tanga mo naman kung ganun." pang iinis nito na ikinailing ko na lang

Nag stay pa sila ng ilang oras bago nag paalam na umalis sa ilang oras na yun ay tahimik lang si Fiona..

"Why did you do it, Fiona?" tanong nito sa isip habang naka titig sa kisame

Kahit anong pilit nito sa sariling isiping mabuti ay wala itong matandaang may ginawa itong kasalanan kaya nagawa sakanya ng kaibigan nito ang bagay na yun..

I feel betrayed for the second time..

Of all people I never expect that she can betrayed me too

Una si Damien nagawa niyang maki pag relasyon sa'kin kahit may Asawa na pala siya

Pangalawa si Fiona na nagawa akong itulak sa hagdan ng hindi alam ang dahilan... we're friends and I can't understand why she did that.

Parusa na ba sakin toh?

Deserve ko ba lahat ng toh?

Naging masama ba akong tao? Karma ko na ba toh dahil sa mga pinatay ko? Pero masasamang tao lang naman ah-o dahil hindi ko tinanggap ang mga taong nag pakilalang totoong pamilya ko?...

__
Sana ayos na last na muna toh need ni Sera ng Rest 🤭

The Lost Heiress(COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat