"Are you okay, Thea?" Maagap na tanong ni Lucifer.

Tumango siya, "S-sorry. I'll dry myself. Excuse me." 

Confident pa siyang naglakad sa villa kahit hindi naman talaga niya alam kung nasaan ang restroom. Warm lights lang ang nakabukas sa living area at hallway kaya madilim pa rin ang buong paligid maliban sa kitchen at dining area kung saan sila kumakain.

In fairness talaga sa mga Monasterio, hindi tinipid ang bawat sulok ng villa. She heard that a world-renowned architect designed the villas, meron din Moroccan inspired, Bali inspired, Greek at iba pa. Lumapit pa siya sa isa sa mga couch at dinama ang Japanese silk material 'non.

"Naku, nawa'y hindi ka mabahiran ng love juices at ang mahal mo kung papalitan ka." Hinaplos niya iyon at humiga. Sinusulit talaga ang sampung milyon.

She heard voices talking in one of the rooms. Parang kumibot ang tenga niya at naactivate ang pagiging chismosa.

"So hindi alam ni Thea?" Thea is sure that it was Samantha. Umiral ang kanyang pagiging Marites lalo na nang marinig ang pangalan.

"Hindi." Si Saint. 

"Then why does she have to be here? Paano tayo makakakilos kung nagtatago tayo?" May iritasyon sa boses ni Sam.

Imbes na tumuloy si Thea sa paglalakad at pangangapa ng pupuntahan sanang restroom ay pumihit na siya pabalik sa dining table. Wala sa sariling kumuha siya ng table napkin at pinunasan ang kanyang dibdib sa harap ni Lucifer.

"Ooohh. What a sight to see..." Nakangisi si Lucifer. Walang hiya niyang ibinagsak ang table napkin sa kanyang plato at saka ngumiti.

"You are welcome, Lucifer. Thanks for the wonderful welcome dinner everyone. I shall go. I'm tired." Pagdadahilan niya. 

"Thea, ihahatid na kita sa cabin mo." Sumulpot mula sa kung saan si Saint. 

"Sleeping right away? May party sa Palace. It was newly renovated, you should see it." Anyaya ni Lucifer. 

"Tama, the party at the Palace is wild!" Sam excitedly said, kasunod na ito ni Saint na walang bakas sa mukha na pinag-uusapan nila siya kanina.

Hindi niya alam kung maaawa ba siya kay Sam o maiinis na alam pala nito ang panloloko ni Saint sa kanya pero parang wala lang dito. Is she that madly in love with Saint so much at magkasama pa siyang pababagsakin? Like partners in crime! Gusto niya tuloy kausapin si Sam na huminahon sa pag-irog kay Santo!

Girl, tite lang yan! Hindi gold kahit napakatigas din!

"Hmm, medyo napagod ako, maybe tomorrow, Lucifer." Pagsasabi niya ng totoo. 

Hindi niya kinaya ang mga revelation pag-apak niya ng isla. Isa pa, she needs to be marked safe on day 1. Nakakahiya naman kung ang ikwento niya kay Fox na unang gabi pa lang ay bumigay na siya sa kung sino at hindi agad makalakad.

Tigang siya, oo! Pero dapat hindi ganon ka sabik ang ferson.

"Okay, matutulog lang tayo, Thea." Saint said. Napatanga siya sa sinabi nito, napahagikgik naman si Lucifer. 

"Great wall of China yarn!" Lucifer chided. "Go ahead, nariyan na yata ang golf cart sa labas. Ingat baka mabuntis. Baby ka pa, Saint."

"Fck you, Lucifer."

"Oh, fck you more, Brother. I know you'll love that, though."

Sumakay sila sa golf cart at nang makalayo na ito ay hinampas niya si Saint sa braso. "Bakit ka ba sumusunod?"

"Bakit ka ba galit sa akin, Thea?" Balik tanong nito sa kanya. Napakurap-kurap siya. Oo nga, bakit ba siya galit?! Hindi siya dapat halatang galit kundi ay hindi siya makakaganti ng maayos. Kailangan ay magpanggap din siyang walang alam. Mindset ba!

Temptation Island: Broken TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon