"Boss. Hindi yun ang nginingiti ngiti ko dito." Bridgette put the folders down and looked at her. "Nakapamili ka na ba?"

She bit her lip. Yumuko siya. Should she tell it to Bridgette? Pero ito lang ang kaibigan niya. She had no one to tell her secrets. Isa pa. Parang bestfriend niya na din kung ituring ang sekretarya. Maybe Bridgette will listen.

Huminga siya ng malalim. "B-Bridge....I-I am choosing Sam."

Sa sinabi niya ay lumiwanag ang mukha nito. "Then file a divorce, Boss."

Napabuntonghininga siya. Hindi na siya nalilito kung sino ang mahal niya. But as much as possible she doesn't want to hurt anyone. Kahit pa ilang beses siyang nasaktan noon ni Christian. Hindi niya inasam kahit kailan na masaktan ito. Pero kung hindi niya hihiwalayan si Christian, she'll know she'll regret it for the rest of her life. And she doesn't want to live in regret. Pero paano na ito? He was her bestfriend noon and she really doesn't want to hurt him. Gusto niyang maghiwalay sila in a peaceful way and still remain friends. Sa tagal na ng pinagsamahan nila. She doesn't want any of it to go to waste. But will he forgive her? Will he let her go just like that?

"A-Ayaw kong makasakit Bridgette."

Kumunot ang noo nito. "Kung ayaw mong makasakit. Isipin mo kung sino ang masasaktan mo sa gagawin mong pananatili sa piling ng asawa mo, Boss."

Bridgette sighed. "Kapag sinaktan mo si Sam. You will hurt the woman you love and yourself. Kung si Christian well. Yung asawa mo lang ang masasaktan, Boss. And it's a payback for what he did to you."

Payback? Hindi ba't ganun din naman ang ginawa niya dito? Hindi ba't patas na sila? Naipikit niya ng mariin ang mga mata niya and when she opened her eyes she looked conflicted.

"Pero he is a changed man---"

"Whether he is a changed man or not. Kaligayahan mo ang nakasalalay dito, Boss." Bridgette cut her off. "You don't want to spend the rest of your life miserable."

Kung iba lang na tao ito ay siguradong tataas na ang kilay niya dahil sa pag putol nito sa sasabihin niya. But Bridgette is her friend. Kaya hindi siya nakakibo sa sinabi nito.

Kinuha ni Bridgette and folder sa lamesa niya. "About sa kung anong oras pala si Sam papasok, Boss. I think 9 am. Kasi she will be going to her father pa daw. Ok lang daw sa kanya na mag extend ng oras hanggang 6 pm."

Automatikong napatingin si Amelia sa wall clock sa loob ng office niya. 5 minutes na lang ay 9 am na!

Bridgette exited the door of her office and Amelia clamoured to comb her hair and fixed her clothes. Kailangang mas maganda siya kay Hana para siya ang mapansin ni Sam. Then maybe later she'll fetch Sam off from work.

Sa naisip ay excited na lumabas siya ng office niya at namalagi siya sa hallway ng hotel. The staff lowered their head down nang makita siya ng mga ito. But Amelia waved at them and told them to continue what they are doing.

She waited patiently for Sam to show up. Pero lumagpas na ang 9 am ay wala pa din ito. Kumunot na ang noo niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya. She looked around and saw the receptionist of the hotel.

Her walk is deliberate nang pumunta siya sa counter. The receptionist's eyes widen. Kunot ang noo na tumingin siya dito and she realized na kaya siguro takot ang receptionist dahil nakakunot ang noo niya so she relaxed her facial feautures and cleared her throat.

"Nakita mo bang pumasok si Samantha Del Rio?"

"A-Ah Mam, kanina pa po siya andiyan. Ang aga nga po."

Sa sinabi nito ay muling napakunot ang noo niya. Bakit naman ito mag aaga? Akala niya ba ay ma-l-late dahil mag aalaga pa sa Dad nito? Ganun ba ito ka-excited para makita ang bagong boss nito?

No! Sam will not call anyone Boss. Unless it's her.

"Thank you." Dali dali siyang umakyat ulit ng Admin floor. She didn't greet back kahit na binabati na siya ng ibang empleyado. She just smiled at them nang madaanan niya ang mga ito.

Her feet are determined to turn the hallways hanggang sa makarating siya sa Admin's office. She opened the door and the people who are chatting on other cubicle's started to go back to their seats. Muntik na siyang mapangiti at mapaangat ang kilay. But she knew na nag c-chismisan naman lang ang mga ito.

Nilibot niya ang tingin sa buong paligid. But she found no trace of Sam. Salubong na ang kilay niya. Nasaan na ba iyon?

She looked around and found the sign on one of the doors. Admin Head's office.

Deri-deritsong pumunta siya doon. Mabuti na lang at bukas iyon. So she entered without knocking but her left eyebrows instantly lifted up nang makitang ang cubicle ni Sam ay sa mismong loob ng office ni Hana.

Sam was leaning on what Hana was doing. May tinuturo ang Admin Head sa screen nito at lumapit pa si Sam para matitigan ng maigi. Then Hana suddenly looked at Sam. Nagkatinginan ang dalawa dahilan para pumintig ang ugat sa sentido niya.

Aba at talagang may pag ngiti pa ang malanding Admin Head? Bumaba pa ang tingin nito sa labi ni Sam.

Napatiimbagang siya. Ang landi pala nitong in-assign ni Bridgette na mag t-train kay Sam! Kumukulo ang dugo niya habang nakatingin sa dalawa.

Damn it, Samantha! Kapag di ka pa lumayo diyan. Pag bubuhuin ko kayong dalawa!

Naikuyom niya ang mga kamay niya. She inhaled deeply para pigilan ang pag bangon ng inis sa dibdib niya. Gusto niyang hilain palayo si Sam doon.

At talagang hindi pa siya napansin ng dalawa, sa lakas na iyon ng tunog ng takong niya.

Amelia cleared her throat. 


------------------

A/N: Since someone dear to me requested. I made an update. ^^

Seducing Samantha Del Rio - CompletedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum