Chapter 2

688 13 0
                                    

Heracyl POV

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko ng paakyat sa taas si Jared, kahit kailan talaga napaka suplado niya hindi ko tuloy lubos maisip na magkapatid sila ni Kuya Zach.

"Pasensya kana Heracyl at hindi kita nasundo may importante kasi akong pinuntahan kaya si Jared na lang ang sinabihan ko. Hindi naman siguro kayo nag away sa byahe diba?" biglang saad ni Kuya Zach kaya napatingin ako sa kanya.

Ngumiti naman ako. "Hindi naman kuya, sige akyat na muna ako para magbihis." paalam ko sa kanya.

Agad naman akong dumiretso sa kwarto ko para makapag bihis at mayamaya din ay bumaba na ako. Sabay sabay kaming kumain ng hapunan at pagkatapos ay bumalik din agad ako sa kwarto ko para magpahinga na.

Nang makahiga na ako sa kama ay unti unti ko ng ipinipikit ang aking mga mata pero hindi talaga ako makatulog, mabuti na lang at day off ko bukas kaya kahit na tanghali na ako magising ay ayos lang.

Kinabukasan ay nagising ako dahil tumatama ang sikat ng araw sa mukha ko, nakalimutan ko pa lang isara ang kurtina kagabi bago ako matulog.

Bumangon na ako at agad na dumiretso sa banyo para maligo. Ang pagkakaalam ko ay umalis sina Mama at tito, hindi ko lang alam kung saan sila nagpunta samantalang si Kuya Zach naman ay sinabi niya kagabi na aalis siya.

Nang makabihis na ako ay lumabas na ako ng kwarto, pagbaba ko ay may nakahain ng pagkain. Ang alam ko ay wala ang mga kasambahay ngayon dahil day off nila baka nagluto na sila bago umalis. At dahil gutom na din ako kaya kumain na ako.

Pagkatapos kung kumain ay niligpit ko ang mga pinagkainan ko, hinugasan ko na din ito para malinis na ang kusina at pagkatapos ay pumunta muna ako sa pool area at do'n tumambay dahil wala naman akong gagawin. Umupo lang ako sa gilid ng pool at inilublob ang mga paa ko.

"Gising ka na pala." nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko at ng tiningnan ko ito ay nakita kung si Jared.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Ang pagkakaalam ko ay bahay namin ito kaya natural lang na nandito ako." sagot niya naman sa akin.

"Akala ko kasi umalis ka din." anas ko.

"Wala naman akong pupuntahan ngayong araw kaya nandito lang ako sa bahay. Eh ikaw?"

Umiling naman ako. "Tinatamad naman ako lumabas at busy din ang kaibigan ko." sagot ko sa kanya.

Namuo ang katahimikan sa aming dalawa at walang may gustong magsalita, bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang. Mayamaya pa ay nagring ang phone ni Ethan at nakita kung sinagot niya naman ito.

"Zariyah?" rinig kung sambit ni Ethan.

At dahil malapit ako sa kung nasaan si Jared ay rinig ko ang boses ng nasa kabilang linya at alam kung babae ang kausap niya.

"Mabuti naman at may gana ka pang sagutin ang tawag ko sayo." rinig kung sabi sa kanilang linya.

"I'm sorry, okay? Alam mo naman na marami akong ginagawa sa kompanya kaya hindi ko agad nasasagot ang mga tawag mo. Don't worry I'll make it up to you." sagot naman ni Jared.

Bigla akong nakaramdam ng sakit ng marinig ko ang usapan nilang dalawa, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit 'yon ang nararamdaman ko. Sino kaya ang kausap niya? Nagpasya na lang akong tumayo at pumasok sa loob.

Pagpasok ko sa kwarto ay narinig kung nag riring ang phone ko at pagtingin ko dito ay nakita ko na kaibigan ko ang tumatawag.

"Hello." bungad ko sa kanya.

"Kamusta ka best? Sorry hindi na tayo nagkikita marami pa kasi akong ginagawa."

"Ano ka ba ayos lang 'yon, akala mo naman ang layo natin. Kapag pareho ng libre ang oras natin ay saka na lang tayo magkita." anas ko.

Irresistibly Yours (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora