Gayunman, nagtataka siya na bagaman may mga luma at antigong kasangkapan sa kinakailangang lugar ay halos hubad ang bahay. As if there were missing pieces of furniture. Katunayan ay may dingding silang nadaanan na parang natanggalan ng nakasabit na kuwadro.Ang bahay ng mga magulang niya ay malaki ring tulad nito subalit iyon ay may modernong kayarian at ipinatayo nang magsimulang umasenso ang Lolo Benedicto niya. At bagaman may halos limampung taon nang nakatayo ay hindi matatawag na antigo.


Ang bahay na ito ay natitiyak niyang nakatayo na rito nang ilang henerasyon. Ni hindi kayang igupo ng panahon. Sa dalawang linggong mahigit niya sa bayan ng Manzanares ay ito ang pinakamalaki at pinakamarangyang bahay na nakita niya sa kabila ng kalumaan.


And he would give anything to have a house like this. He would be willing to spend a considerable amount of money to renovate this house and restore to its former grandeur.Then he turned to Serena, his eyes moved down to the V of her breasts. Again, his loin stirred. And of course... aside from the house, he would be willing to give anything to have this woman in his bed.


To his shame, he was blatantly staring at her breasts like a schoolboy.She wasn't a stunning beauty. Not to mention he wasn't a sucker for foreign beauties. But she had got something that made her beautiful.


Perhaps the sea-green eyes... or the pouting lips... or the to die for body... or perhaps the combination of all.


Alam ni Jared na alam ni Serena na nakatitig siya sa dibdib nito. But she never made any comment about it. Pero nakikita niya ang pamumula ng mga pisngi nito sa ilalim ng liwanag ng ilaw sa pasilyo. Another plus, dahil matagal nang panahong hindi siya nakakakita ng babaeng namumula pa ang mga pisngi.


Kanina, sa hapunan ay naninikip ang pantalon niya habang paiwas na sinusulyapan ang dibdib nito. He could have kicked himself. Tinalo pa niya ang binatilyo. He wasn't easily turned on by the sight of a cleavage.


And for goodness' sake! Since fifteen, he had not only seen cleavages but breasts... had fondled them and...


"It is," sagot ni Serena na pumukaw sa tinatakbo ng isip niya habang binubuksan nito ang pinto papasok sa library. "May walong malalaking silid ang bahay na ito. Dalawa sa third floor, apat sa second floor at dalawa rito sa ibaba, ang guest room at itong library." Itinulak nito ang pinto pabukas at pumasok sila."


"Wow!" he whistled. "Wala pa akong nakitang ganito karaming libro maliban sa mga bookstore sa Maynila."


She laughed. Ang uri ng tawa na gumuhit sa isip ni Jared ang isang umaga matapos ang magdamag na pagtatalik.


"The Manzanares loved to read. May mga collections sila ng mga antigong libro mula pa nang panahon ng mga ninuno ng stepfather ko..." Napalingon siya rito. "Stepfather?""Yes. My mother was the second wife."


"Si Christian?""Anak ng Papa sa unang asawa.""But you are a Manzanares?"


"When my stepfather married my mother, he adopted me and changed my name into his. Biologically, he wasn't my father. Subalit wala akong natatandaang pagkakataong hindi ako itinuring na isang tunay na anak ni Papa..." Bahagyang nabasag ang tinig nito sa bahaging iyon.Tumango-tango si Jared. Iyon marahil ang nakita niyang malaking kaibahan sa magkapatid. They were not blood related. "Your father was a rancher?"


Umiling siya. "Nagbabayad ng kapatas si Papa para sa nagbubukid at nag-aalaga ng mga bakahan. He said he wasn't very good at farming. He was more of a businessman."


Ang tangka niyang pagtatanong kung anong negosyo ng papa nito ay nawala sa isip nang matuon ang mga mata niya sa isang tatlong kuwadrong nakasabit sa dingding. In oil paintings. Ang pinakamalaki ay ang nasa gitna, na natitiyak niyang ang mag-asawang Manzanares.Sa magkabilang tagiliran ay ang smaller frames na kinapapalooban ng ipinintang mukha ng isang batang babae at ng isang batang lalaki.


"Si Christian at ikaw..." komento niya.Serena smiled, a little bit sadly. "Ipinapinta ni Papa iyan sa isang kaibigan niyang pintor. He invited the artist to stay here for a month. Iginuhit niya ang mga iyan ilang buwan matapos ikasal ang Papa't Mama."


Sinipat ni Jared ang malaking kuwadro. "Ang suot na choker ng mother mo, the blue stones, were they aquamarines?" Hindi siya interesado sa anumang uri ng alahas, katunayan ay marami niyon ang mama niya. But the bluish stones caught his attention. "Napakahusay ng pagkakaguhit ng pintor at nabigyan nito ng buhay ang choker."


She smiled. "People never fail to notice my mother's choker. Pero hindi aquamarines ang mga iyan, Jared. They were blue diamonds, of the best kind. Dalawang kilatis ang bawat isang bato. It was my stepfather's gift to her on their wedding day. Natatandaan kong sinabi ng Mama na hindi niya maisusuot ang alahas na iyan. For my mother, it was too ostentatious."


"And of course, you inherited the choker," Jared commented matter-of-factly. Hindi sinagot ni Serena iyon. Sinipat niya ang smaller frames. "Hindi gaanong nalalayo ang anyo mo sa painting ngayon. Pero hindi ang kay Christian."


"My brother has changed, Jared," she said with a poignant sadness.At bago pa makapag-usisa si Jared ay maluwang na bumukas ang pinto. "Tulad din ng napakaraming pagbabago sa bahay na ito," ani Christian sa marahas na tinig. "Natatandaan kong ang kuwadro ni Juan Luna ang nakasabit sa bahaging iyan ng dingding, Serena, sa halip na iyang mga kuwadrong iyan!"


"Juan Luna?" Curiously, Jared raised his brows."Y-yes," sagot ni Serena na biglang nailang."At may mga iba pang mahahalagang bagay na pag-aari ko ang nawawala sa pamamahay na ito, Serena... Ngayon ko lang napag-ukulan ng pansin. Nasaan ang mga iyon? Tulad ng grandfather's clock sa kanang bahagi ng sala?"


"Must we talk about this now, Christian?" Her voice held warning, kauna-unahang tono na ginamit niya rito mula nang dumating ito sa villa.Hindi sumagot si Christian. Matalim nitong tinitigan si Jared. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumalikod at muling lumabas.


"I... I'm sorry about that.""Huwag mo akong alalahanin, Serena..." he said. "May pakiramdam akong ako ang dahilan ng animosity ng kapatid mo. He doesn't like me."She sighed. Humakbang patungo sa visitor's chair sa harap ng study table at naupo. "It's not you personally, Jared. Nagiging possessive lang sa akin si Christian. Sa nakalipas na labindalawang taon ay ngayon lang uli kami nagkita..."


"Believe me, I'm curious as to why. Pero kung hindi mo gustong sabihin sa akin, maiintindihan ko. We've only met yesterday..."


"It's all right. Wala namang sekreto maliban sa nawala siya noong kinse anyos pa lamang siya." Ikinuwento niya rito ang trahedyang nangyari sa ferryboat na pareho nilang kinasangkutan ni Christian.


***************nakakamiss din pala mag update chariz hahaha - Admin A. Kumusta naman kayo mga bes? Miss ko na kayo ayyiiehh hahaha - Admin A **************

Kristine Series 25 - Have You Looked Into My Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon