"Nauna siyang umalis saken, wala pa ba siya dito?" San naman kaya nag punta yung lalaking yun, sayang naman hindi niya makikilala si Martin.

"Sige na Martin gawin mo na kailangan mong gawin, nandito nanaman si Amy see you na lang bukas" Tumabi na ako kay Amy, nginitian lang ako ni Martin

"Yeah, see you tomorrow" sagot niya samin bago siya umalis, buti naman umalis na siya kanina pa kasi siya pinag titinginan ng mga students tapos nakakaramdam pa ako ng parang may masamang nakatingin saken.

Lumingon lingon ako dahil nararamdaman ko padin na may nakatingin saken sakto nag tama mata namin ni Luiz, ang sama ng tingin niya saken kaya umiwas na ako ng tingin.

Last subject nanamin at uwian na kanina ko pang gustong umuwi at humiga napagod din ako sa pag tour kay Martin, sumakit paa ko dun grabe nakakapagod talagang mag lakad ng mag lakad

"Okay class that's all for today, pwede na kayong umuwi and maiwan ang mag lilinis. Goodbye class" YES! Buti na lang hindi ako cleaner ngayon makakauwi na ako

"Tara na Ricca" aya saken ni Amy

"Nasan si Michael?" Kanina lang nandito yun ah? Napansin ko din ang tahimik niya hindi siya makulit.

"Nung nag paalam na si Ma'am umalis na siya nagmamadali nga eh" Ang bilis naman nun may problema kaya yun?

Umuwi na si Amy kinaon na siya at ako naman mag isa na pauwi papaalis na din sana ako sa school ng mapansin kong nandito padin ang sasakyan ni luiz? Bakit nandito pa yun? Baka madami yung ginagawa.

Makauwi na nga lang at gusto ko na talagang humiga sa kama at mag pahinga

Nasa loob na ako ng village lakad lakad lang ako parang bata papalakad lakad lang ako dala-dala ang mga notes na bigay sakin ni Amy at books na kakailanganin para bukas.

BEEP

"Kalabaw na halimaw ka!" Pahat ng dala ko nahulog dahil nagulat ako sa kung sino mang animal na to bumusina saken

KRISTIAN POV

Tinatapos ko lang mga paper works ng mga students at pwede na akong umuwi

30 minutes

Natapos ko nang gawin lahat kaya umuwi na ako, ano kayang pwedeng gawin para hindi na ako iwasan ni Ricca gusto ko din mag sorry sa kaniya sa mga nasabi ko.

Pagkapasok ko sa village may nakita akong naglalakad naka uniform ng school kaya alam kong si Ricca yon

BEEP

Yung muka niya nakasimangot nakatingin lang siya sa sasakyan tinitigan niya ito at lalong bumusangot ang muka niya siguro nalaman niyang ako to tinalukuran niya ako at pinulot ang mga gamit niya.

Bumaba ako at tinulungan siya sa gamit niya

"Oh" inabot ko sa kaniya ang libro kinuha naman niya at iniwan ako maglalakad na sana siya kaso pinigilan ko siya

"Sabay kana sakin tutal nasa village nanaman tayo walang majakakita at ayoko naman iwan ka jan"

"Sige" pinag buksan ko siya ng pintuan bago ako pumasok sa kotse

Habang nasasakyan kami may naisip akong sorry gift kaya inabante ko ang sasakyan

"T-teka saan tayo pupunta?"

"Basta"

15 mins nakarating na kami

"Anong ginagawa natin dito?"

"Magsasaya" Dinala ko siya sa carneval minsan ko na tong nadadaanan kaya naisipan kong dito ko siya dalhin

"M-magsaya? Para saan? Baka naman may hinihintay ka sige dito na lang ako"

"Wala akong hinihintay kaya tara na" bakit ba ang hirap mag sorry hindi ko masabi ng maayos mamaya na lang siguro pero bago kami bumaba pinasuot ko muna siya ng jacket naka uniform siya baka may makakilala at ako naman nag hoodie para safe kaming dalawa

Ilang oras na din kami dito sa carnival at syempre masaya lahat ata ng rides nasakyan nanamin at nakita ko naman siyang masaya ok na ako at ang last namin sasakyan ay ang ferres wheel

Nag picture picture kaming dalawa, first time kong magka picture sa kaniya na hindi pilit ang ngiti or tawa eto na yung bonding moments namin na walang pilitan or kahit ano basta ang alam ko masaya kaming dalawa

Nasatuktok na kami at huminto ito nakita namin ang view ang ganda lalo na't gabi nakikita namin mga ilaw at kitang kita ang buwan napatingin ako kay Ricca naka ngiti siya kaya napa ngiti na din ako

Maganda siya, maganda ang ilong, ang mata lalo na ang labi napa pinkish ng labi niya at mukang masarap halikan. What the?! Anong halikan?!

Napansin ata niya nanakatitig ako kaya tumingin siya sakin nag katitigan kami ng ilan minuto

"Sir"

"Really Ricca wala tayo sa school kaya pangalan ko ang itawag mo sakin"

"Ah luiz bakit mo ko dinala dito? Anong meron?" okay eto na sabihin ko na para magkaayos na kami

"Kasi kaya kita dinala dito k-kasi gusto ko sanang mag sorry sayo kaya naisipan kong dalhin ka dito at pasayahin ka eto na rin siguro ang sorry gift ko at para patawadin mo na din ako sa kasalanan ko" Natigilan siya sa sinabi ko halata ko din na nagulat siya sa sinabi ko

"Luiz dapat nga ako ang magsorry sayo kasi ako yung mali" sabi niya at tumungo

"Ricca no, ako yung mali kaya dapat ako ang humingi ng sorry sayo hindi tama ang ginawa ko hindi dapat ganon ang inasal ko" nakatitig lang siya saken at maya maya at ngumiti kaya napangiti na din ako

"So okay na ba tayong dalawa?"

"Oo naman ok na tayo" sagot ni Ricca makakahinga na ako ng maluwag dahil okay na kaming dalawa yinakap ko siya medyo nagulat siya sa ginawa ko pero yunakap din siya pabalik

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko at masaya kaming dalawa, masaya ang araw na to

Nakauwi na kami at derestong kwarto kumain nanaman kaming dalawa kanina kaya okay lang na hindi na kami mag dinner

Eto na yata ang best day ko, napasaya ko si Ricca at naging masaya din ako kaya best day to, ngayon lang din ako naging ganto simula nung naging seryoso ako sa buhay dahil kailangan

Sana ganto na lang araw araw walang gugulo na palagi na lang masaya at wapang problema

~*~*~*~*~*~

My Husband Is A TeacherМесто, где живут истории. Откройте их для себя