PROLOGUE

7 1 0
                                    

"You wan't to explain? Sige ipaliwanag mo sa akin paano at bakit mo nagawa sa'kin to?"sigaw ni Pria sa binatang nasa kabilang linya ng telepono.

"No, let's meet I want to explain it to you in person"

"Ang kapal din naman ng pagmumukha mo, mapa- personal o sa tawag ka magpapaliwanag wala pa ring magbabago hayop ka!" nanginginig na sa sobrang galit si Pria; kung anuman ang nais pang sabihin ng binata ay hindi na niya ito nais na marinig pa kaya marahas niyang ibinaba ang telepono na halos umalingawngaw na sa buong silid ang tunog ng pagbaba ng telepono.

Ilang Linggo na rin mula ng malaman niya ang kababuyang ginawa ng kaniyang boyfriend bago sila nagkausap muli. Ni isang patak ng luha ay walang lumabas samga mata niya. Gusto niyang umiyak at magsisigaw dulot ng sakit na nararamdaman niya ngunit hindi niya magawa, pilitin man niyang umiyak ay wala pa ring luha ang papatak. Nasasaktan siya at parang may kung anong kamay ang dumukot sa puso niya ng sandaling iyon.

Pagkatapos ng walang kwentang usapan niya at ng ex-boyfriend niya ay agad siyang nagchat sa pinsan niyang si Jade. She didn't know what to tell him kaya tatlong crying emoji nalang ang sinend niya sa pinsan.

Jade [Oh napano ka?]

Pria [Insan ansakit huhuhu]

Jade [Umayos ka nga kinakabahan ako sa'yo eh. Ang alin ba ang masakit sa'yo?]

Pria [Puso ko masakit, insan huhuhu niloko niya ko]

Jade [ Ay talaga ba masakit? Ano ba sabi ko sa'yo di naman ata ako nagkulang sa pagpapa- alala sa'yo?]

Pria [Eto na nga broken na nga ako sesermunan mo pa ako di ba uso comfort sa inyo?]

Jade [Ang masasabi ko lang deserve mo yan bruha ka. Sinabi ko naman sa'yo na wag kang magboboyfriend ayan ano na? I warned you mukha palang ng lalaking yun manloloko na eh di na nga kagwapuhan manloloko pa buseett. Ngayon iiyak- iyak ka?]

Pria [ Di naman ako umiiyak ah. Yung mukhang yun iiyakan ko? Asa di naman yun guwapo tsaka matagal ko na rin namang gusto makipaghiwalay sa kaniya kaso naiinsulto talaga ako pag nakikita ko yung mga pictures nila tang*na yung babae ewan kung ano nakita niya dun tsaka andami nagsabi sa'kin na kung sino- sinong lalaki na kumangkang dun.]

Jade [ Weeh?  di ka nga ba umiyak ilang taon kayong magjowa di ako naniniwalang di mo iniyakan yung mo'kong na yun]

Pria [Hindi nga walang luha lalabas sa mata ko anong magagawa ko kahit mag videocall pa tayo]

Ayun na nga at nag videocall na sila ng pinsan niya. Naconfirm nga neto na hindi siya umiyak ngunit may isang tao sa tabi ng pinsan niyang pumukaw ng atensiyon niya. Nasa inuman kasi ito kaya may mga kasama ito. "Pinsan teka lang, sino yang gwapo sa tabi mo?" tanong niya rito.

"Naku Pria kakabreak mo lang sa boyfriend mo tapos ayan ka na naman sa guwapo guwapo, magtigil ka nga", saway ni Jade sa kaniya.

"Parang titingin lang ehh andamot, geh na pakilala mo na sa'kin hehe", pacute na sabi niya sa pinsan.

Wala ng nagawa ang pinsan niya kaya ipinakilala siya neto sa mga kasama nito sa inuman, infairness guwapo lahat pero isa lang talaga ang pumukaw sa atensiyon niya yung lalaking katabi ng pinsan niya lang.

Biglang nawala sa isip niya ang pagiging broken hearted niya ng mga sandaling iyon at umandar na naman ang pagiging malandi niya but in the end kahit anong hanap niya ng lalaking papalit sa manlolokong ex- boyfriend niya ay tila naging bato na ang puso niya at di na niya alam kung ano ang pakiramdam ng  totoong in love. 

CHANCES BOOK 1: How it Started and Almost Endedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें