Kabanata 30

9.1K 142 39
                                    

(flashback)

Naglakad ako papalapit sa dagat. Wala akong suot na sapatos. Ang sarap lang tapakan ang buhangin.

Hinahayaan kong mabasa ang suot kong dress.

Umihip ang malakas na hangin. It's been 2 years simula ng iwan ko si Archer at pumunta dito sa palawan.

I miss him.

Pero kailangan kong panindigan lahat ng ginagawa ko, para din sa ikabubuti nya ang pag alis ko.

Lahat sila inaakalang patay na ako.

Akala nila tuluyan nabura ang alaala ko. They call me Tina dahil hindi nila alam ang totoo kung pangalan, at wala rin akong planong ipaalam dahil baka may makakilala sa'kin.

Hindi na ako babalik sa Manila. Masaya na ako dito sa palawan. Nahanap ko na ang dalawang taong nag aalaga sa'kin.  Mayroon na rin akong mga kaibigan dito.

Ibang iba ang klase ng pamumuhay ko dito kumpara sa manila. Noong una hindi ko talaga kayang magbenta ng isda pero nakakatuwa rin pala kapag nakikipag agawan ka sa mga customer.

Tuwing nanonood ako ng balita palagi kong nakikita si Archer sa Tv.

Masaya ako dahil mas lalong lumago ang company. He's a successful business man.

I'm so proud of him.

Pagbalik ko ng bahay agad akong nagpalit ng damit,. May work pa ako mamayang gabi.

Bukas pa ulit ako makakabalik ng bahay, sa bar na lang ako matutulog dahil delikado rin talaga umuwi ng gabi.

Hindi pa naman pumasok si Kaloy ng trabaho ngayon kaya wala akong kasama umuwi ng bahay.

Habang naglalakad ako papasok ng bar nahagip ng tingin ko ang mga lalaking na sa labas. Mukhang may inaabangan naman sila.

Sila palagi ang dumadayo dito sa bar para mang holdap. May namatay na rin sa kanila dahil mali ang mga nabangga nilang mga tao.

Nag iingat din talaga ako sa kanila.

Masyado silang marami kaya hindi mahuli ng mga pulis.

Habang naglilinis ako kumunot ang nuo ko dahil pamilyar sa'kin ang likod ng lalaki.

Bahagya kong sinilip ang mukha ng lalaki para makilala ko ng mabuti.

Bumagsak ang hawak kong baso at napatakip ng labi.

"Tina!" tawag ng kasamahan ko.

"Sorry, ma'am!" ani ko.

Pinulot ko ang nabasag kong baso. Nag iingat din ako dahil baka magkaroon ako ng sugat.

"Bakit sya nandito?" bulong ko.

Hinihiling ko talaga maaga matapos ang trabaho ko ngayon.

Hindi pwedeng makita nya ako.

They order 2 tequila.

"Ikaw na lang ang maghatid sa table 5, Anison." Sabi ko sa kasamahan ko.

Kinuha nya naman sa akin, pangiti ngiti pa sya dahil bago daw ang mga ito dito.

Sinundan ko sya ng tingin ng lumabas si Archer.

Hating gabi na rin at pagod na ako sa trabaho.

Gusto ko na magpahinga.

Ilan oras ng hindi bumabalik si Archer.

"Baka umuwi na rin sya." bulong ko.

Lumabas ako para itapon ang basong nabasag ko.

Pabalik na sana ako sa loob ng maramdaman kong may tao sa likod ko.

Lumingon ako.

"Hi, miss!" Ani ng lalaking parang adik.

Kumalabog ang dibdib ko.

"Tulong!" Sigaw ko ng biglang humarang ang isa.

"Hindi ka nila maririnig, miss." Ngumisi ang isang mabalbon na lalaki.

Nakaramdam ako ng takot.

Luminga linga ako sa paligid para maghanap ng mga taong tutulong sa'kin, nasa likod pa naman ko.

Hahawakan sana ng lalaki ang pisngi ko ng unahan ko ng sipain ang ari nya kaya nakagawa ako ng paraan para makatakas.

Binilisan ko ang pagtakbo.

"Tulong... Tulong!" sigaw ko.

Tatlo silang naghahabol sa'kin. Ang bilis nila.

"Miss, bumalik ka dito!" sigaw ng sinipa ko ang ari.

Hindi ako nakinig at binilisan ang pagtakbo.

May tao akong nahagip. Walang pag- aanlingan kong hinawakan ang braso nya at sinabay sa pagtakbo ko.

"Bilisan mo!" sigaw ko sa sobrang bagal nya.

Hindi ko rin alam kung bakit nakikisabay sya sa'kin sa pagtakbo.

Liliko na sana ako para magtago sa dilim pero bigla syang tumigil.

"Anong ginagawa mo?" natatarantang tanong ko dahil malapit na sa'min ang tatlo.

"Avery?"

Para akong nanigas sa kitatayuan ko ng makilala kung sino ang na sa harap ko ngayon.

Wag kang magpaapekto, Avery.

Hindi ko masyadong makita ang reaction nya dahil na rin madilim ang na sa parte nya.

"Hoy!" sigaw ng humahabol sa'kin.

Natataranta na ako.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko, nagpatangay lang ako sa kanya.

Nagtago kami sa dilim.

Nang lumampas na ang humahabol sa'min lumabas na rin kami.

"Salamat, Sir."ani ko.

"Bumalik ka." bigla nya akong niyakap.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, gusto kong umiyak dahil miss na miss ko na ang yakap nya pero hindi pwede.

Tinulak ko sya.

"Ang landi nyo, Sir!" sabi ko.

Mukhang nagulat ito sa sinabi ko kaya nakagawa ako ng paraan para matakas sa kanya.

Nang malayo layo na ako sa kanya napaupo na lamang ako.

"Patawad, Archer." bulong ko.

Bumuhos ang luha ko.

Dapat hindi mo na ako nakita pa. Sana mapanindigan ko ang pagpapanggap ko.





Thank you for Reading my Unwanted Wife
















My Unwanted Wife (Book 2)Where stories live. Discover now