Kabanata 9

9.1K 204 65
                                    

"Damn it!"

"F*ck!"

"What the hell! anong klaseng pintuan to?"

Naiirita na ako sa pagiging reklamador nya, kayang manira ng gamit hindi kayang ayusin.

Kanina pa nya pinopokpok ng martilyo ang pintuan, nagulat din ako sa lakas ng pagkakasipa nya, hindi naman madaling masira ang pintuan nila Kaloy sadyang malakas lang talaga si Archer.

"Hindi matatapos ang pintuan kung titigan lang natin sya Tina"bulong sa'kin ni Kaloy.

Umirap ako, kanina pa nya gustong tulungan si Archer pero pinipilit kong wag dahil kailangan magtino ng lalaking yan.

Hindi lahat makukuha nya sa pera, umupo ako sa sofa at tinitigan lang ang pawis na pawis na lalaki.

Ginawa nyang pampunas ang kamay nya, basang basa na ang damit nya sa sobrang pagpapawis.

Liningon nya ako.

"Matatapos na rin"sumilay ang ngiti sa labi nya.

Todo pokpok sya, hindi pa rin nakakalampas ang mga pagmumura nya, Inawan na ako ni Kaloy dahil hindi na nya kayang titigan lang si Archer, matagal pa naman pagtakip silim

"Matagal paba? ilan oras ka ng nag-aayos jan"humikab ako kakapanood sa kanya.

Isang pokpok nalang ang ginawa tuluyan na rin natapos ang pintuan, tumayo sya at lumapit sa'kin, nilahad nya ang kanan palad nya, kumunot ang nuo ko.

"Anong ginagawa mo?"takang tanong ko.

"Uuwi na tayo"

Tumayo ako at naglakad, hindi ko pinansin ang kamay nya sa harap ko, kusa ko na lang iyon nilampasan.

Sinuri ko mabuti kung maganda ba ang pagkaka ayos ng pintuan nang makita kong okay naman lumabas na ako ng bahay.

Hindi na ako magpapaalam kay Kaloy dahil umalis naman sya.

Lalampasan ko nasa ang sasakyan ni Archer ng may humawak sa kamay ko.

"Sumakay kana, uuwi na kita"

"Malapit lang ang bahay namin, kaya kong maglakad-"

Pinaningkitan nya ako ng dalawang mata.

"Sinong nagsabing uuwi ka ng bahay nyo, sa'kin ka uuwi"

Halos kumulo na ang dugo ko, ayan na naman sya sa pagiging bossy nya, lahat nalang ng gusto nya ang masunod.

"Ayoko"pagpipilit ko.

Bumuntong hininga sya.

"Asawa kita Avery, May na aalala kaman o wala asawa pa rin kita"

Tinikom ko ang bibig ko at inis na pumasok ng sasakyan nya, batas ay batas wala akong magagawa.

Pinanood ko syang pumasok ng sasakyan, pareho kaming hindi nagsasalita pero ramdam ko ang pagod nya.

Mag-aalala talaga si Lola dahil hindi ako nakapag paalam sa kanya.

"Huminto mo na ta-"pinutol nya agad ang sasabihin ko.

"Pinag paalam na kita"nilingon nya ako pero mabilis lang.

Nagulat ako at hindi natuloy ang sasabihin ko, ang bilis nya basahin ang laman ng utak ko.

Sa sobrang tahimik hindi ko namalayan nakaidlip na ako. naramdam kong may bumuhat sa'kin pero hind ko nagawang imulat ang mata ko.

Isang malambot na kama at unan ang kayakap ko, feeling ko sa loob ng ilan taon ngayon lang ulit ako nakatulog ng ganito kahimbing.

My Unwanted Wife (Book 2)Where stories live. Discover now