Kabanata 8

8.8K 197 35
                                    

Hapon pa lamang pero ang dilim na ng buong kalangitan, ilan oras nalang bubuhos na rin ang  malakas na ulan.

Niligpit ko na ang mga sinampay, kailangan kong ipasok kahit basa pa lamang.

"Tina pakibigay nitong pagkain kay Kaloy, napagod ang batang iyon kakasibat ng kahoy"nilapag ni Lola ang sa lamesa ang dalawang container na may lamang pagkain.

"Opo, isasabit ko lang po ang mga damit"

binilisan ko ang pagsasabit ng mga damit para hindi ako abutan ng ulan kapag pumunta ako sa bahay nila Kaloy.

Nilagay ko sa paper bag ang dalawang container, nagpaalam na akong lumabas kay lola.

Paglabas ko ng bahay tumingala ako sa kalangitan.

"Sana lang hindi ako abutan ng ulan"bulong ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, hindi naman ganoon kalalyuan ang bahay nila kaloy..20 minutes lang siguro ang layo kapag nilalakad mo lang.

Tumigil ako ng nasa tapat na ako ng bahay nila, sinilip ko mo na kung nasa bakuran ba sya pero wala.

Kumatok ako sa pintuan pero walang nagbubukas kaya nag pasyahan kong buksan nalang ang pinto.

Dahan dahan kong pinasok ang paa ko. linibot ko ang tingin sa loob ng bahay, Hindi lang talaga si Kaloy ang nakatira dito kasama rin ang mga kapatid nya, wala na silang mga magulang bata pa lamang noong namatay ang tatay at nanay nila.

Pumasok ako sa maliit na kusina at nilapag ang dala kong paper bag sa lamesa, ilan beses na rin naman ako nakapunta dito sa bahay nila.

Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya liningon ko sya.

"Bakit hindi pa rin naghihilom ang sugat sa labi mo?"lumapit ako at sinusuri ang sugat nya sa labi, nakatingin lang sya sa ginagawa ko.

"Anong ginagawa mo dito?"agad syang umiwas ng tingin.

Umatras ako kasabay ng pag ngiti ko. tinuro ko ang dala kong pagkain para sa kanya.

"Pinapabigay sa'kin ni Lola para sayo"

Nilampasan nya ako at naglakad sa paperbag na dala ko, nilabas nya ang container.

"Bumubos na ang ulan Tina, wala akong payong ipapahiram sayo dahil dinala ng kapatid ko"

Naglakad ako papalapit sa bintana, napabuntong hininga ako ng makita kong bumuhos na talaga ang ulan.

"Dito ka mo na hanggan sa tumila na ang ulan, magkakasakit ka kapag naulanan ka"

Tumango ako at umupo sa sofa, hihintayin ko na lang tumila ang ulan, pinaglalaruan ko nalang ang kuko ko dahil wala naman akong magawa.

Nakaramdam na ako ng panlalamig, sumilip ulit ako sa bintana, Mas lalo pang lumakas ang ulan sinasabayan pa ng kulog at kidlat.

"Yan lang ang meron kami dito sa bahay Tina, gamitin mo na baka lamigin kapa"

Binigay nya sa'kin ang makapal na kumot pero malambot, kinuha ko iyon at nagpasalamat.

Umupo sya sa tabi ko, umurong ako para mabigyan sya ng malaking space, pinalibot ko sa buong katawan ko ang kumot.

Hindi ko maiwasan mapatingin sa labi nya.

"Ano ba talaga ang nangyari Kaloy?ang lala ng sugat sa labi mo?"

Hahawakan ko na sana pero iniwas nya, nag aalala lang ako, nakakatakot rin dahil baka magkaroon iyong ng epekto sa labi nya.

Bumuntong hininga sya at tiningnan ako.

"May g*go kasing bigla bigla na lang manununtok, wala akong ginawa sayo noong gabing nalasing ka Tina-"pinutol nya ang sasabihin.

My Unwanted Wife (Book 2)Where stories live. Discover now