Nang makapasok ay inayos ko rin ang seatbelt ko, this is my second time na makapasok sa loob ng kotse niya  at isa lang ang masasabi ko mabango ang loob nito, hindi matapang ang amoy ng aircon unlike sa ibang kotse.

Hindi ito nagsalita habang nag ddrive habang ako naman ay tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Hanggang sa huminto ito sa pharmacy.

"Wait me here" she said. Tanging tango lang ang sagot ko at pinikit ang aking mata.

Naramdaman ko ang pagbukas sara-pinto ng kotse. "Avhell drink this" napamulat ako at tinignan ito.

"Anong nakain mo at bakit ang bait mo ngayon?" hindi ko mapigilan na itanong. Hindi ito nagsalita pero ang sama at malamig na naman na tingin ang pinukol nito sa akin.

Ininom ko na lamang ang gamot at tubig na binigay nito. Nabawasan na rin ang sakit na nararamdaman ko pero pakiramdam ko ay masusuka ako.

"I want to vomit Christell" nanghihinang wika ko.

"Fuvk" she cursed under her lungs. Agad akong lumabas sa kotse nito at sumuka. Ramdam ko naman ang pag-hagod nito sa likod ko. Naka-sunod na pala ito sa akin.

Nang matapos ako sa pagsusuka ay nanghihinang napa-yakap ako ito. Wala na akong pakealam kung magalit ito, I feel weak right now, my legs are trembling.

"I-i'm w-weak, h-hold me please" mahinang wika ko at sumiksik sa kanyang leeg. Napasinghap ito.

Agad ako nitong binuhat patungo sa kotse at pinasok sa passenger seat. Umikot ito patungo sa driver seat at nagmaneho pauwi ng mansion.

Binuhat pa rin ako nito habang ako ay nakasiksik lamang sa kanyang leeg. "Christell" sambit ko. Hindi ko alam kung saa niya ako dinala. Ulcer lang to pero pakirandam ko ay hinihigop nito ang lakas ko.

"Hmm?" she hummed.

"I-i'm weak" I said.

"I know" she coldly said.

Naramdaman ko na lamang ang lambot ng kama ng ihiga ako nito, I gulp when I saw a familiar room. Nakapatay ang ilaw at nababalutan ng makakapal na kurtina ang bintana nito kaya hindi maaninag sa loob, samahan mo pa ng dark color nitong kwarto.

"You're here in my room" she said ang avertize her gaze. "You can take a rest here" hindi ako nagsalita at pumikit na lamang. Pakiramdam ko ay magsusuka na naman ako kapag nagsalita pa ako kahit isang beses.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kung walang nakalapat na bimpo sa katawan ko.

"Christell"

"Let me take care you, ang init mo" she mumble. Hinayaan ko ito sa gusto niyang gawin. Akala ko kanina ulcer lang, hindi man lang ako nakaramdam na nilalagnat na pala ako.

Naramdaman ko ang pagtabi ni Christell sa akin pero nanatiling naka-pikit ang mata ko.

I hug her to feel her warm body. "Christell, I'm cold" I said. Hindi ito nag salita pero she hugged me back, I smiled under her neck. Amoy na amoy ko ang natural nitong amoy.

Kinabukasan ay na gising ako sa alarm clock nito. I gasp when i saw our position, her arm was on my waist. Habang naka siksik ang mukha nito sa leeg ko. Dahan-dahan kong inalis ang kamay nito para hindi magising.

Nang matagumpay ay dahan-dahan akong tumayo. Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto pero katulad nang nakaraan ay hindi ko makita ang mga mukha ng mga nakasabit sa frame na iyon. Hinanap ko ang wedding photo namin at nakita ko iyon sa bedside table niya. Lihim akong napangiti and my heart melt, kinuha ko iyon para mas lalong tignan. Agad ko itong inilapag.

Lumabas ako ng kwarto nito at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Nagluto na rin ako dahil mamaya ay magigising na ang yelo na iyon at back to normal na naman.

My Wife Is A Professor(GxG)Where stories live. Discover now