SHORT STORY

8 0 0
                                    


     NAGHAHANDA ako ngayon para sa klase namin. Maaga akong nagising para maligo at gawin yung morning routine ko.

INA: Anak malapit ka na bang matapos dyan! Nakahanda na ako para makakain ka na at makapasok!...

BOY: Okay po ina... Tataposin ko lang pong mag ayos at bababa na ako.

Nang makatapos na akong mag-ayos ay bumaba na ako sa maliit naming sala upang kumain.


*****

       NAGLALAKAD ako papuntang paaralan malayo kasi yung pinapasokan ko at wala naman akong pangbayad kung sakaling sasakay ako ng tricycle.

Binte piso lamang yung baon ko Tama lang pang recess ko.

Ako nga pala si Clyde Mabangis... Aaminin kung mahirap lamang kami hindi ako katulad ng mga kaklase kung ang gagarbo ng sout at malalaki ang baon.

Minsan nga ay wala na akong baon pero tinitiis ko yung gutom ko at hayaan na lang na panoorin yung mga estudyanting ang sasarap ng kinakain. Isa akong high school student...



Scholar lang ako sa aming paaralan, kahit ganito lang yung buhay namin hindi ko pinagsisihan na lumaki ako sa hirap.




Malapit na ako sa aming paaralan mahigit kalahating oras din bago ako makadating dun.


Pag pasok ko pa lang ay panay na yung bulungan sa akin ng mga estudyante keshu daw mabaho ako, ang pangit ng damit ko at higit sa lahat mukha daw akong basura....


Pero di ko na sila pinapatulan kasi kahit ano namang gawin ko ay hindi parin ako magtatagumpay kung lalabanan ko man sila. Hindi tinuro sa akin ng mga magulang ko na gumanti sa mga taong mapang-api.
Iniwasan ko nalang sila at agad na pumasok sa classroom namin.




Pagkapasok ko ng room ay kasunod nun ang aming guro na si Ma'am Bia. Aaminin kong isa din si ma'am Bia sa mga taong nagsasabi sa akin na walang matutungohang pangarap dahil nga sa kahirapan ko pero lahat ng yun pinapasawalang bahala ko nalang kasi wala naman akong karapatan na pagsabihan sila kasi estudyante lang din ako.




MA'AM BIA: OKAY CLASS! Good morning!
Bati nya sa amin.

CLASSMATES: good morning ma'am.!
Pabalik na bati namin sa kanya.


MA'AM BIA: 'May gagawin ako ngayon... kaya may ipapagawa lang ako sa inyo bago ako umalis pag balik ko saka nyo nalang ipasa sa akin. GUMAWA lang kayo nga Drawing ilagay nyo dun yung mga pangarap nyo paglaki nyo... Make sure na yung gagawin yung drawing ay matutupad  in the near future nyo... MALIWANAG?! '

Paliwanag nito sa gagawin namin.

CLASSMATES: Yes ma'am!
Umalis na agad si ma'am Bia pagkatapos nyang mag attendance samin.


ZACK: Wag ka ng magdrawing clyde... Di naman matutupad yang mga pangarap mo.
Agad na sabi ng katabi kong si zack... Anak sya ng isang teacher dito sa paaralan namin, mayaman, matalino, may itsura pero ang sama ng ugali... Mabait naman yung kanyang ina na teacher dito ewan ko kung bakit ibang iba sya sa kanyang ina... Hayss.



Binaliwala ko nalang sya at hindi na pinansin pa yung mga sinabi nya.
Nagsimula na akong magguhit ng mga pangarap ko sa aking papel... Dinrawing ko yung isang malawak na farm lot, magagarang sasakyan at isang malaking bahay.



Aakalain mo talagang totoo yung ginuguhit ko sa ganda ng pagkaadrawing ko dito. Napangiti nalang ako bigla ng mailarawan ko sa isip ko yung mga ginuhit kung pangarap. Bigla akong ginanahang magpusigi sa pagaaral ko.




Story Behindحيث تعيش القصص. اكتشف الآن