"The lots have been waiting for your respond about your issue. Sa tingin nga nila ay matatahimik na sila kapag maglalapag ka ng ksagutan mo tungkol dito pero, hindi naman kita pipilitin kung ayaw mong magsalita." Napahinto ako sa paglalakad para harapin si Sir Yance. Nginitihan ko siya.

Pakiramdam ko, may kakampi rin ako kahit papaano.

"Salamat, Sir."

"Para saan?" he asked.

"Sa suporta po." Nahihiyang tumawa si Sir Yance.

"I should be the one to thank you, Ma'am. Don't worry, I'll be on your side whenever you are not informed about the updates regarding you," sagot ni Sir sa magalang na tono pero iba ang pagkaiintindi ko roon. It's like he's suspecting me from being outdated.

"Anyway, Miss Jasryl?" Huminto ulit ako sa paglalakad nang tinawag niya ako.

Lalagpas na ako sa curfew nito.

Ayaw kong humingi hingi ng tawad sa taong 'yon.

I felt uncomfortable when Sir Yance's eyes sharpened as he stared at me.

"About your older brother." Umubo siya. "Inutusan niya nga pala ko para hanapin ka. Mag-iisang buwan na simula noong pinahahanap ka niya sa akin."

Halos tumaas lahat ng dugo ko patungo sa ulo ko. It's an Estela's existence again.

Nanginig ang labi ko. "Ako? Hinahanap ng kaptid ko? Ano raw ang rason niya?"

Sir Yance only shrugged and I let him call Kuya Jensen so we could meet. Gusto kong malaman ang nais niyang sabihin at bakit niya ako hinahanap. Magbibigay ba ng pera? Hindi ko na kailangan 'yon. Nagmakaawa ba sila Tita Rosalie?

May isang oras pa ako bago ko maabutan ang curfew. Pero mabuti na lang at naririto na si Kuya Jensen. After Sir Yance drove me to a place to meet my brother, he left the two of us and finally, the heaviness of the air.

It's suffocating me. It's the same as always.

But right now, he's not looking at me with the eyes of an underestimating sibling. May ibang gustong ipahiwatig ang tingin ni Kuya ngayon.

"Bakit po? Nakakapanibagong hinahanap niyo raw po ako," panimula ko habang nilalamig ang mga daliri't binti sa kinauupuan.

"Jasryl, where have you been lately? Lumayas ka sa bahay nila Tita? For what reason? If you have a problem between us with our parents, huwag mong idadamay 'yong nag-aalala sa 'yo."

Mapait akong ngumiti at umiwas ng tingin. Tama, hindi ko dapat pinag-aalala 'yong mga taong talagang nag-aalala sa akin.

"Okay lang naman po ako. Lumipat lang ako ng pinananatilihan, para makapagpokus sa pagsusulat," I lied, and I really applied my dishonesty to my brother now.

Kuya's jaw clenched as if he's eager about something.

"And you are not contacting them? What do you want me to do, what do you want us to do now?"  pagtatanong niya sa naiinis na tono. "Na hanapin ka namin? Para malaman mo kung gaano ka kahalaga? Is this how far you'll test us from seeing how we value you? You're wasting your time."

I bit my lip so hard that it bled. It did bleed and it tasted really bitter. Yet nothing's more bitter and ironic than how Kuya Jensen looked for me with worries, just to prove that they're losing their patience because of me.

Like I would always bring trouble in every single thing I do, in every single decision I take.

"Hindi naman sa ganoon, Kuya! Malaki na rin ako, may mga gusto akong gawin at nakabatay na 'yon sa desisyon ko. Hindi naman na siguro ako bata para magpaimportante kahit kailan, ano?"

Nabigla si Kuya Jensen, nabigla kaming dalawa sa pagtaas ko ng boses sa kanya.

"S-Sorry po." I thought he's going to get mad but he did not.

"I understand, my bad. But please come with me. Hindi kita idadala sa bahay ng parents natin, o kila Tita Rosalie," pangungumbinsi nito sa akin na ikinabigla ko.

Hindi ako nakaimik.

Seriously? Why would I agree with that? Kahit na wala si Alastair na hadlang sa akin, hindi ako papayag.

He's one main source of suffocation in my life.

"S-Seryoso ka po ba? Bakit po?" tanong ko na ikinalunok ni Kuya Jensen. Hindi siya mapakali.

"I'll be nice to you, i'll be against our parents' perspective towards you, if you'll live with me, or just come and stay with me."

I flinched because he freaked me out.

"What? Hindi ko magagawa 'yon. I am fine being alone, Kuya. Thank you for your concern."

Even though this was another rare sight of seeing you worry about me.

Mas naging determinado lang siya. "Please? Do you need me to plead? Makititira ka lang naman sa akin, hindi ba? Kalilimutan mo na pa 'yong sinasabi nina Mom at Dad sa 'yo, kakampihan kita."

"Just live with me. I need you, as much as you will need me if you'll accept my offer," dagdag ni Kuya na napahawak sa pulsuhan ko para hilahin na ako.

Hindi ako komportable sa lagay na 'to. Mas hindi ako nakukumbinsi. Pero kung pagpipiliin ako, mas gusto kong makasama si Kuya kaysa kay Alastair.

"P-Pag-iisipan ko muna, Kuya."

The Pen Behind The Popular WriterWhere stories live. Discover now