Tribe eighteen

10.5K 204 6
                                    

Tribe 18

"tahimik ka, may problema ba?" nilingon ko si Eric na nagmamaneho , papunta na kami sa bahay ni Jade ang sabi kasi nito ay doon na lang daw kami magkita at sabay sabay na lang na pupunta kay Althea. Umiling ako kay Eric at ngumiti.

"kamusta ang ... pagtuloy mo sa lalaki na yun maayos ba, inasikaso ka ba niya?" naalala ko ang nangyari bago kami lumabas ng bahay ni Zet biglang nag-init ang mukha ko. "namumula ka, may ginawa ba siya sayo?" nahawakan ko ang mukha ko at tinakpan ng mga palad. Aahh nakakahiya, bakit ba ngayon pa ako namula nakakahiya kay Eric baka isipin niya na may ginawa kaming ... teka meron na- aahh halik lang yun wag mo pakaisipin Anaya baka mabaliw ka!

"your blushing huh so may ginawa nga ang lalaki na yun"

"w-wala ah!!" giit ko tinanggal ko ang mga kamay sa mukha at nakasimangot na tumingin sa kanya, akala ko galit siya pero hindi dahil malapad itong nakangisi.

"anong nginisingisi mo diyan?"

"ayeeh dalaga na ang kaibigan ko, hahahaha" napanganga ako sa sinabi niya, inaasar niya ba ako akala ko baa yaw niya kay Zetrex.

"akala ko ba ayaw mo kay Zetrex?"

"sinong may sabi na ayaw ko sa kanya?" nakangisi pa rin na sabi nito.

"eh di ba ... nag-away pa kayo kahapon sa mall?"

"oh about that ... I'm sorry sa nangyari nabigla lang talaga ako ng may yumakap sayo akala ko kung sinong manyak lang hindi ko naman alam na kakilala mo pala siya."

"eh di ba pinakilala ko sayo bakit ... nag-away pa rin kayo?"

"don't know about him siya lang naman ang mainit ang ulo sa amin." Napatungo ako.

"oo nga eh siguro pagod lang siya sa trabaho kaya medyo mainit ang ulo kahit nga pagdating namin sa bahay niya mainit pa rin ang ulo niya, hinihilot pa niya ang ulo nakakahiya nga eh kasi dun pa ako natulog nakaistorbo pa ako"

"trust me Yana hindi yan ang rason niya kung bakit mainit ang ulo ng boyfriend mo." Nag-init ang mukha pagkarinig sa sinabi ni Eric, ano daw boyfriend?

"h-hindi ko s-siya boyfriend ha, magkaibigan lang kami."

"oh sorry I thought boyfriends lang ang nagkikiss."

O///////////////////////O

"p-paano" hindi ako makapagsalita, paano niya nalaman na nagk-kiss k-kami arrgh hindi ko pa nga makalimutan ang halik ni Zetrex tapos pinapaalala pa sa akin.

"so totoo nga, hahaha binibiro lang kita Yana nagpahuli ka naman." Tatawa-tawa niyang sabi.

"j-joke lang yun?!" hindi makapaniwala kong sabi.

"aha pero kahit magdeny ka pa halata na sa mukha mo." Naman eh!! Bakit pa kasi uso ang mag-blush?! Kasalanan mo ito Zetrex Vash Auston kung hindi mo ako hinalikan hindi sana ako napahiya sa kaibigan ko ngayon! Pero aminin nasarapan ka sa halik na yun. Pinilig niya ang ulo niya, pati isip niya tinutukso na siya di yata malapit na siyang mabaliw.

"advice ko lang sayo as a friend Yana, be careful and take care of your heart pero parang huli na dahil sa nakikita ko sayo hindi na simpleng gusto ang nararamadaman mo sa lalaki na yun. You already fall in love with Zetrex Vash Auston, am I right?" tumango na lang siya, bakit pa siya tatangi kung halata naman di ba at saka nakakaasa siya na hindi sasabihin ni Eric ang nararamdaman niya para kay Zetrex, hindi pa siya handa na malaman ng nito ang nararamdaman niya natatakot siya na baka siya lang ang nagmamahal, baka siya lang ang umaasa na tulad niya ay mahal rin siya ng binata.

"Zetrex Vash Auston, kilalang businessman, popular for being a bachelor maraming babae ang nagkakandarapa para lang pansinin siya. Kaya mo ba silang harapin Yana, kaya mo bang ipalaban ang lalaking mahal mo?"

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon