Tribe seven

10.1K 230 2
                                    

BIGLA na lang niya nakalimutan ang sasabihin, nakalimutan niya kung bakit nasa harap niya ang lalaki, nakalimutan niya kung bakit nasa ilog sila ang tanging alam lang niya ay ito lang ang nakikita niya, ang gwapo nitong mukha, ang kulay abo na mga mata nito, ang matangos na ilong, ang mapula na labi, ang butil ng pawis sa bandang nuo nito na lalong nagpagwapo dito. Ang pagtaas at baba ng balikat nito sa paghinga, ang paggalaw ng adams apple nito na parang may ininom. Oh Anaya mali yang nararamdaman mo, dapat magalit ka hindi hangaan ang lalaki na aagaw ng tirahan niyo. Paano na lang ang pamilya mo, ang mga kasama mo kapag pinalayas kayo. Yun lang yata ang hinihintay niya na marinig sa sarili at parang himala na bumalik ang galit niya dito.

"hindi kami aalis sa lugar na ito mister." Matigas niyang sabi. Nilakasan niya ang loob, sa kanya nakasalalay ang buong tribo niya.

"pardon?" tila doon pa lang natauhan ang lalaki.

"narinig mo ako mister, hindi kami aalis sa lugar na ito nandito na ang buhay namin at kung kukunin mo pa sa amin ito para mo na rin kaming pinatay."makahulugan niya sabi, tama naman ang sinabi niya, dito na ang buhay nila.

"........" hindi ito umimik at tinignan lang siya habang nakahawak sa magkabilang bewang. Bakit ba ang gwapo nito kahit sa anong posisyon. Anaya!! Hindi oras para lumandi!! Sita niya sa sarili.

"mister, nagmamakaawa ako wag mo naman kaming paalisin dito. Hindi naman namin sakop ang buong lupain mo maliit lang ang hinihingi namin kung saan ang tirahan namin doon lang kami hindi kami lalapit pa sa iba." Hindi na niya napigil ang pagluha, naalala niya ang malungkot na mukha ng mga kasama, ang luha ng kanyang pamilya. Pakiramdam niya wala silang karapatan na mabuhay dahil lahat nalang ay kailangan nilang hingin sa iba. Hindi ba pwedeng kahit ito na lang, maging kanila naman o kahit hindi na sa kanila basta hayaan lang sila na manirahan masaya na sila doon.

"look magpapatayo ako ng rancho dito, maraming pupuntang tao gusto niyo ba yun mabubulabog ang simpleng pamumuhay niyo?" sabi nito pero mas lalong tumaas ang galit niya.

"matagal ng nabulabog ang simpleng pamumuhay namin simula ng binili mo ang lupain na ito! Simula ng dumating ka wala ng simple sa amin!"

"pwede bang wag kang sumigaw!!" inis na sabi nito.

"anong gusto mong gawin ko huminahon ha yun ba eh kukunin niyo nga ang tirahan namin, paalisin niyo na nga kami hihinahon pa ba ako, nagpapatawa ka ba?"

"hindi yun ang ibig sabihin ko, pwede naman tayo mag-usap ng hindi nagsisigawan ang lapit lang natin sa isa't-isa o hindi naman tayo mga bingi." Ngalingaling batuhin niya ito ng bato sa sinabi, namimilosopo pa.

"alam mo nagsisisi ako na nangako pa ako kay ginoo na hindi kita sasaktan dahil iniisip ko ngayon na nilulunod na kita jan sa ilog para wala na kaming problema!"

"woah woah hindi ko alam na mas maganda ka pala kapag nagagalit" nakangisi nitong sabi. Bigla naginit ang mukha niya, ano ba tumatakbo sa utak ng lalaki na ito.

"now your blushing, cute"

"Aaarggh!!" sigaw niya at kumuha ng bato, nahulaan ata ang gagawin niya kaya tumakbo palayo sa kanya. Binato niya ito pero ang luko nakakailag pa, kahit isa lang tumama kahit sa nuo lang kontento na siya.

"hey hey stop that!!"hinahabol niya ito ng bato.

"Nakakainis ka, nakakainis bwiset ka bakit pinanganak ka pa!! lumapit ka dito para malunod na kita!!"

"nah uh, magpapakasal pa tayo." sa sinabi nito ay hindi na lang dugo ang tumaas pati balahibo niya tumaas na rin. Huminto siya sa pagtakbo at sinamaan ng tingin ang lalaki pero ito ang lawak pa rin ng pagkakangiti, ano ba ang nakakatuwa. Tila binigyan siya ng kakaibang lakas at tinakbo ang espasyo nila tumakbo naman ito pero napatid ng nakausling ugat. Hahahaha lampa. Nahawakan niya ang bag nito pero agad itong nakatayo at naiwan sa kanya ang bag. Tumakbo ito palayo at nang medyo malayo na ito sa kanya ay tumigil at hinarap siya. Nawala ang ngiti nito ng makita ang hawak niya.

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon