Tribe ten

10.1K 229 5
                                    

"amang" tawag niya sa ama pero hindi siya nito pinansin at naglakad papuntang kubo nila para kunin ang isa pang bahag nito. masama siyang tumingin kay Zetrex.

"what?" nakakaloko itong tumingin sa kanya, narinig niya ang kaibigan na napalakpak habang tumatawa.

"may six packs ka rin ba?" binatokan niya ang kaibigan, ito ang natututunan nito sa pakikihalobilo sa mga tagalog.

"you'll see" sabay kindat sa kanila at sumunod sa amang niya. napahawak nalang siya sa nuo, parang gusto niyang sumakit ang ulo.

"tumigil ka nga, para kang bulati jan" sita niya sa kaibigan.

"eehh kinikilig ako, kumindat siya sa atin hihihi" malandi nitong sabi. Pinabayaan na lang niya ito saka sumandig sa puno at pinikit ang mata. Makakaidlip na sana siya kung hindi lang siya nagulat sa pagsigaw ng kaibigan.

"ano ba ang nangyayari sayo." Sabi niya dito, hinawakan siya nito sa braso habang niyuyogyog.

"Ang gwapo!!!" inikot niya ang mga mata, malamang si Zetrex na naman ang tinutukoy nito. Dumako ang paningin niya sa dalawang lalaki na papalapit sa kanila ang isa ay ang kanyang amang at ang isa... hindi ito ang unang beses na makakita siya ng isang lalaki na nakabahag dahil araw-araw ay nakakakita siya ng ganun pero ngayon lang siya nagkaroon ng malisya sa lalaking nakasuot ng bahag. Shet si Zetrex ba yun, ano ba yan nahahawa na siya sa pagmumura nito.

Tumigil ito ng paglalakad ng malapit na sa harap nila. Alam niya sumisigaw ang katabi pero hindi niya ito naririnig, ang tingin lang niya ay sa engkantado na nakatayo sa harap niya. Nakatingin din ito sa kanya, bigla siyang kinabahan at pinagpawisan pati mga kamay. Bakit mas lalong uminit ang panahon ngayon. Tiningnan niya ang mga mata nito pababa sa labi nito na bahagyang nakangiti, sa balikat nito pababa sa katawan nito, napalunok siya, may six packs nga ang binata. Masarap siguro haawakan yun, parang pandesal, parang gusto niyang lapitan ito at kamay niya ang ipunas sa pawis nito. Bumaba pa ang paningin niya sa- umiwas siya ng tingin dito pero hindi niya napigilan ang sarili na muling tumingin sa lalaki. Nakita niya itong napangiti sa reaksyon niya. Tumalikod ito sa kanila at bumalik sa ginagawa nitong pagbubungkal ng lupa. Habang nakatalikod ito ay bahagyang nakikita ang pang-upo nito. Ang kinis, nakakaingit ang kutis nito pantay ang puti. Kung ganyang ang magsusuot ng bahag, baka marami nang mga babaeng magpapakamangyan.

"hoy!!" nagulat sila sa biglang pagsigaw ng inang niya. "itong mga bata na ito kung makatingin akala mo pagkain ang nasa harapan, punasan niyo ang mga laway niyo dahil tumutulo na. Magtigil nga kayo jan nakakahiya sa binata akala mo naman ngayon lang nakakita ng nakabahag". Wala sa sarili na pinunasan nila ang gilid ng lani nila. Nahiya siya sa inang, nakita nito ang ginawa niya! Hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya, mas lalo pang uminit. Tubiigg kailangang niya ng tub-

PLAAASSHHH

"ayan natigil din kayo, kilalanding mga bata." Umiiling na sabi nito at iniwan sila ni Ligaya na basing-basa dahil binuhusan lang naman sila ng tubig. Mahal talaga siya ng inang, nabasa ang kailangan niya. haayy.

"napakabait talaga ng inang mo" sabi ni Ligaya sa tabi niya.

"sinabi mo pa." inayos na lang niya ang buhok na tumabing sa mukha niya.

"anak bakit basa kayong dalawa?" tanong ng kanyang amang. Hindi siya ang sumagot kundi ang kapatid na tawa ng tawa malamang nakita ang ginawa ng inang.

"binuhusan po sila ng tubig ni inang. Hahahaha" tuloy pa rin ito sa kakatawa. Napatingin siya kay Zetrex, na may nakakalokong ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya inirapan lang niya ito hindi yata epektado ang tubig dahil pakiramdama niya mas namula pa ang mukha. Bakit ba kasi uso ang mag-blush!!!

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon