C a p i t o l o 3

Start from the beginning
                                        

Tulad ng inaasahan ko, umakyat nga kami sa hagdan at tinungo ang nasa gitnang pinto.

Kumatok muna siya ng tatlo bago binuksan ang pinto. "Boss, may naghahanap sa 'yo."

Ni hindi man lang niya chineck kung nasaan ang 'boss' na kinakausap niya dahil pagkatapos niyang sabihin iyon ay isinara na niyang muli ang pinto.

"O-kay," bulong ko nang maiwan akong mag-isa.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid. Para tuloy awtomatikong tumitigil ang tingin ko sa bawat mamahaling bagay na makita ko. Kung hindi lang ako mahuhuli ay mag-uuwi ako ng ilang piraso ng mga alam kong puwede kong pagkakitaan.

Sa pag-iikot ko sa silid ay nakarating ako sa tapat ng isang pinto. May naririnig akong tunog na nanggagaling sa loob kaya bilang likas na pakialamera ay binuksan ko iyon.

"Ang arte ha, may gymn naman doon kasama ng iba pero nagsosolo ka rito." Actually, hindi ko namalayan na nasabi ko pala ng malakas ang iniisip ko kaya napahinto sa pag suntok sa punching bag iyong lalaki.

Lumingon siya sa gawi ko at tiningnan ako na para bang sinusuri ako.

"Sino ka at anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Lumapit pa siya sa akin para suriin ako. "Hindi ka taga rito 'no?" dagdag na tanong pa niya. "Ngayon lang kita nakita." Pagkasabi pa niya n'on ay bahagya pa siyang lumapit kaya napaatras ako.

"Pinapunta ako rito ni Ciro."

"Sinong Ciro?"

"Hindi mo ba siya kilala?"

Imbes na saugitin niya ako ay ngumisi siya at tiningnan ang kabuuan ko. Hindi ko gusto ang mga tingin niya dahil parang may pagka-manyak pero dahil anak siya ng Mafia Boss, paniguradong wala naman siyang intensyon na ganoon. Kaya deadma nalang muna girl.

Mas lumapit pa siya sa akin kaya mas napaatras ako hanggang sa mapadikit na ang likod ko sa isang cabinet.

Okay binabawi ko na kasi mukhang may pagka-manyak siya talaga. Hinaplos niya ang kanang balikat ko at bahagya itong pinisil.

"Ano ba ang kailangan mo?" Hindi ko gusto ang pagkakatanong niya dahil mukhang hihilingin niya ang katawan ko kapalit ng kailangan ko. Or puwede rin namang judgmental lang ako.

Pero kung judgmental ako, edi sana jinudge ko na amoy pawis siya at hindi kagwapuhan para sa isang anak ng Mafia Boss 'di ba?

Hinawakan niya ang ibabang parte ng mukha ko at bahagyang itinaas para mas mapagmasdan niya ang mukha ko.

Isa lang ang masasabi ko... ang pangit pala sa malapitan ni Ludovic Luciano. Hindi siya katulad ng nasa imagination ko. Hindi rin siya mukhang kagalang-galang. Siguro ito rin ang dahilan kaya hindi siya pinili ng tatay niya na maging Sottocapo. Hindi na ako magtataka kung bakit Capo pa rin siya hanggang ngayon.

"Mawalang galang na, pero aalis na lang siguro ako. Nagkamali siguro ako ng pagpunta rito." Pagkasabi ko n'on ay marahan ko siyang itinulak palayo para umalis pero hindi pa ako nakakaallis ay hinawakan na niya ang isang braso ko.

Hinatak niya ako palapit sa kanya at akmang hahalikan nang mabilis kong hinawakan ang kaliwang kamay niya at iniikot hanggang mapaluhod siya. Inabot ko ang nakadisplay na katana sa may mesa at inalis sa lalagyan gamit ang bibig at saka iyon itinutok sa kanya.

Kahit na nakaluhod ay ngumisi siya sa akin kaya sinipa ko siya sa mukha. Tangina ba niya? Ako pa ang ngingisian niya.

"Sa susunod na magtangka ka pang hawakan ako, e, hindi lang 'yan ang aabutin mo," pagbabanta ko saka itinapon ang Katana sa harap niya at mabilis na umalis palabas.

C A P O D E C I N AWhere stories live. Discover now